Thirty Six

57 7 20
                                    

"ssshhhh.. tahan na Iyah. Naiintindihan kita, kahit ako ay magseselos din pag ganoon."

Nakayakap lang ako kay Tita Rose. Kay Tita Rose agad ako dumiretso pagkapasok ko sa bahay. Nagulat siya ng bigla ko siyang niyakap at umiiyak ako.

Kwinento ko sa kanya lahat.
Nasabi ko na din na mahal ko na ang anak niya.

"Bakit ba parang hindi kayo magkatagpo. Ang hirap ng sitwasyon niyo. Tama lang ang desisyon mo Iyah, we girls are precious. We should be the first priority. Kahit anak ko si Kyle, hayaan mong marealize niya mali niya.
Yang Margaux din na yan, napakasama. Sinabi niya pang girlfriend siya."

"Tama lang po ba na umiwas ako?."

"Umiwas ka muna sa kanya. Hayaan mong maging priority ka niya hindi yung mga fans niya."

Mas hinigpitan niya ang yakap niya.

"Sayang, kailan kaya kayo magkakatuluyan?. Excited na akong ikasal kayo."

"Tita naman."

"Hahaha. Paselosin mo din kaya ang anak ko."

"Naku Tita, baka kung ano magawa nun dahil sa kakaselos."

"Tama lang yun sa kanya.Tingnan natin kung hanggang saan siya dadalhin ng selos niya. Hahahaha."

"Thank you Tita. Mas kinakampihan mo ako kaysa sa pangit mong anak. hahahaha."

Natawa din siya sa sinabi ko.

"You wash yourself okay? Pupunta ako sayo mamaya. Tabi tayo matulog."

Ang saya ko. Parang feeling ko, may mama ulit ako.

-------------------------------
*Kinabukasan...

"Okay, job well done guys. You execute well the presentation. I'm excited with this project. Congrats everyone, especially to you Kristina. You've worked so hard, so I decided that all of you will have a team building. All expense to the company."

Bigla silang naghiyawan.

"Yes!You're really the best Pres." sabi ng isa sa mga team ni Kristina..Ngumingisi lang si Kristina.

"You should come Pres. You deserve a break also."

"Naku, kayo na lang. Ang dami ko pang tatapusin na paperworks."

"Nakakapaghintay yan Pres. Hindi kami magteteam building kapag wala ka. Di ba guys?" And they all agreed.

Tumingin ako kay Tim, kahit siya ay parang walang magagawa.

"Sige na nga."

"Yes!!!" they all cheered and were very happy.

Naunang magsilabasan ang grupo nina Kristina. Nahuli kami ni Tim.

"I heard about you and my brother. In behalf of my brother, I'm saying sorry. Okay kana ba?"

"Ano ka ba, okay lang ako."

"So pwede na akong manligaw?" pabiro niyang sabi .

"Excuse me." bago paman ako makasagot kay Tim ay dumaan si Kristina sa gitna namin.Nandito pa pala siya.

Sinasadya niya ata na bungguin ako.
Buti na lang hindi napansin ni Tim.

"Tingin ko may gusto sayo si Kristina."

"How did you say that?"

"It's very obvious. Nagseselos ata siya sakin kapag kausap kita."

"Hahaha.. Hayaan mo lang siya, as far as your doing nothing, huwag kang mabagabag."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon