Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang pangingidnap sa akin.
Simula nang nangyari iyon, mas humigpit ang security sa bahay at sa kompanya. Mas lalo nila akong binantayan. Well- trained ang hinire nilang bantay ko para di na maulit ang nangyari.
As for Kyle, he's okay now. Takot na takot ako ng makita kong nakahiga si Kyle at walang malay. Akala ko ay nabaril siya ulit at malala ang tama. Yun pala, sa kanya tumama yung pangpatulog na ibabaril sana kay Kuya Castie. Kaya ayun, nakatulog siya ng 24 hrs. Napahinga ako ng maluwag ng malaman ko yun, akala ko talagang mawawala na sakin si Kyle. Hanggang ngayon ay naka-cast pa ang braso ni Kyle kaya hindi muna siya nagtitaping. Humingi din siya ng 2 weeks leave sa trabaho niya. Hindi ko ata kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya.
Malaki ang naging epekto ng nangyari sa akin sa kompanya nina Kuya Castie, mas lalo itong nawalan ng investor. Kaya ginawan ko itong paraan. Biktima lang din si Kuya Castie. Nilamon siya ng galit kaya ganoon ang nagawa niya at impluwensiya na rin ng droga. Nakausap ko na sina Casie. Hiyang-hiya daw sila sa ginawa ni Kuya Castie. Di daw nila akalain na magagawa ito ni Kuya. Napatawad ko na din si Kuya Castie, pero kailangan niyang pagbayaran muna ang kasalanan niya. Kasalukuyang nasa rehab ito at nagpapagamot. Inatras ko na ang kaso laban kay Kuya Castie dahil pinsan ko pa din siya. Marami ang tutol dito lalo na sina Tito Arman pero di din nila ako napigilan. Pamilya ko pa din si Kuya Castie at naniniwala akong magbabago pa siya.
Nagbayad din kami ng malaki upang matakpan ang kinasangkutan ni Kuya Castie. Lumabas ang balita tungkol sa pangkikidnap sa akin kaya bumalik nanaman yung issue ng pamamatay sa magulang ko. Ginawan nila kung anu-anong kwento ang pangyayari sa amin kaya wala kaming nagawa kundi ang bayaran ang TV network upang matigil na ang balita.
"One more..."
Napabuntong-hininga ako kay Kyle. Para akong nagbibaby-sit sa damulag na lalaki. Nagmumulti-tasking na din ako.
Habang busy ako sa pagfinalize ng strategic plan, pinapakain ko naman si Kyle.
Yes, nasa opisina din siya. Ayaw niyang mag-isa akong pumapasok sa trabaho.
"Kyle naman eh, may presentation ako mamaya. Paano ko matatapos to kung kimukulit mo ako. May kamay ka naman na isa. Tsaka kaya mo naman kumaing mag-isa, nagpapasubo kapa diyan." pagrereklamo ko.
"Nyenyenye...." para siyang batang nang-aaway. Natawa na lang ako sa hitsura niya.
"I'm so bored, my girlfriend is so workaholic..booooriiiiiing.."
Tiningnan ko siyang mabuti.
"Sabi ko naman sayo na huwag kanang sumama dito dahil mabobore ka lang. Tingnan mo ngayon puro ka rants."
"Date mo ako."he blurted out.
Kulang na lang ay umikot ng 360° ang mata ko.
"Kyle naman..."
"Ano ba kasi yang ginagawa mo! Why are they stressing you?!You've been kidnapped last week. You should also take a rest. Tss! Di ka pa nga nakakabawi sakin."sabi niya na may pagtatampo which is very gay.
"Promise pagkatapos nito. Okay na?"
"I wish I just died in that incident."
Dahil sa sinabi niyang yun ay nagalit ako. Tumigil ako sa ginagawa ko at tinalikuran siya. Hindi ako natuwa sa sinabi niya.
"Love....where are you going?"
Pinigilan niya ako kaya napaharap ako sa kanya. Ang sama ng tingin ko sa kanya habang umiiyak ako.
"Hey.... why are you crying?" Nag-aalala siya hinawakan ang mukha ko. Lumayo naman ako.
"Hindi ako natutuwa sa biro mo. Akala mo ba gusto kong mamatay ka dun! Hindi mo alam lagi akong umiiyak tuwing naaalala ko ang nangyari sakin lalo na kapag naaalala ko nang makita kitang walang malay. Hindi nakakatuwa Kyle na sabihin mong sana namatay kana lang.! Hinding-hindi.."
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...