Fifty Seven

8 1 0
                                    

"Ma'am, masaya po ako na makitang okay kayo."

Pilit akong ngumiti kay Canary. Nakakalungkot isipin na kasabwat siya sa gustong magpapatay sakin.

Lihim akong nakipagkita sa kanya. Bahala na kung sabihin niya sa Tito ko na magkikita kami.

"Kamusta ka Canary? Pasensya kana kung pati ikaw nadamay dito. Okay lang sa akin kung maghahanap ka muna ng trabaho. Hindi ko din alam kung kailan matatapos to."

"Okay lang ho Ma'am. Kahit naman po nakaleave ako ay may sahod naman po. At least po ay naaalagaan ko ang nanay ko."

Pagkakataon ko na to para kilalanin siya.

"Bakit?"

"May cancer po kasi siya."

"I'm sorry. Paano yung mga gastusin niyo?"

"Sapat naman po ang sahod ko. Para sa mga gamot niya."

"Paano yung chemo?*

Natahimik siya bigla at biglang natuliro.

"M..may tumutulong naman po sa akin. Huwag na natin pag-usapan Ma'am. Kain muna tayo."

Halatang iniiwasan niya ang topic. Sa tingin ko alam ko na kung bakit.

Tumango ako.

"Nga pala, nasaan ang papa mo?"

Bigla niyang natapon ang baso.

"S-sorry Ma'am."

"Okay lang, huwag mong hahawakan."

Pinalinis namin ang natapon niyang inumin.

"Nagtext na po ang Mama ko na kailangan niya ako. Pasensya na Ma'am kailangan ko na pong umuwi."

Tumango ako. Masyado kang nagpapahalata Canary.

"Wait Canary."

Paalis na sana siya. Tumingin siya sakin.

"Po Ma'am?"

"Kapag kailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako. Handa akong tumulong. Para na kitang kapatid."

"Salamat Ma'am."
sabi niya at umalis pero halatang natataranta siya.

Tumawag agad ako kay sa Investigator namin.

"Paalis na siya."

"Okay Ma'am. Mag-iingat po kayo. May mga secret agent naman pong bumabantay sa inyo."

"Sige, salamat. Nga pala, pwede mo bang itext sa akin ang pangalan ng Mama ni Canary at kung saang hospital ito ngayon."

"Sige Ma'am."

Para akong nakikipaglaban sa taong hindi ko alam kung kailan aatake kaya mas mabuti na ang handa palagi.

Kung iisipin akala ng iba ay mag-isa lang ako. Pero sa loob ng restaurant na to ay mga secret agent na nagbabantay sa akin para siguraduhing ligtas ako.

Pagkatext sa akin ng investigator ng pangalan at hospital ay umalis na ako para magtungo doon.

"Miss, anong ward si Mrs. Elvie Perez?"

"Sino po sila?"

"Kaibigan po ako ng anak niya."

"Ahm pasensya na po Ma'am pero mahigpit pong pinagbabawal ngayon ang madaming, 1 visitor per ward lang po. Ngayon po ay may bisita siya."

"Ah okay po. Nandito naman pala ang anak niya."

"Hindi po. Wala pa po yung anak niya."

"Ah Miss pwede ko po ba malaman kung sino ang nagbabantay ngayon sa kanya?"

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon