Thirty Five

49 7 18
                                    

"Ouch."

"Ouch. ouch, hindi naman to masakit eh."
Ginagamot ko ang sugat ni Chester.

"Is he your boyfriend?"

"Hindi no."

"Suitor?"

Natigilan ako..

"Hindi din."

"Quit lying. You're caught."

Diniinan ko ang pagpahid ng alcohol sa pasa niya .

"Ouch!"

"Hindi nga kasi siya nangliligaw eh! Ang manliligaw dapat walang girlfriend! Anong akala niyo saming mga babae collection ninyo, collect and collect then select! At isa pa tigilan mo ako kakaenglish mo! Sawang-sawa na ako ng mga tao sa kompanya na english ng english!"

Hinawakan niya kamay ko at inilayo sa mukha niya..

"Hahahahahahahaha.. You are so funny! I wanna be your close friend."

"May mga kaibigan na ako!"

"Then add me. The more friends you have, the happier, right?"

"Hindi din. Minsan nakaka-stress din. Okay na yang sugat mo. Malayo naman yan sa bituka. Di ka naman niyan mamamatay agad."
sabi ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sina Casie.

"Hindi nila sinasagot." sabi ko.

"Why? Is there any problem?"

"I'm going home. Magtagalog kana lang nga. Para di ako mahirapan mag-english."

"Hahaha. I find it hard, but I'll try. Just don't make fun of my accent okay?"

"Oo naman." at nginitian ko siya. Bigla siyang natulala.

"Hoy."

"Ah sorry..Did they answer already?"

"Hindi pa eh. Gusto ko ng umuwi."

"Let's go. I'll drive you home."

Tiningnan ko siyang maigi.

"Are you sure?"

"Yeah, don't worry. I'm not a bad person."

Tinapik ko balikat niya.

"Ano ka ba, hindi ko naman inisip na masama kang tao. Sige na nga. Itext ko na lang sila Kuya Castie and Casie."

Ngumiti siya at inalalayan akong makasakay sa kotse niya.

"Please put on your seatbelt."

"Tandaan mo ah, nasa Pilipinas tayo ha. Wreckless drivers are not allowed here."

"Yes boss."
sabi niya sabay kindat.

Siguro kung katulad ako ng ibang babae, kikiligin na ako sa kanya. Gwapo siya at malakas ang dating, pero di ko alam kung bakit di ko maappreciate ang kagwapuhan niya.

"We have new site near your building. If you have time tomorrow, can I invite you for lunch?"

"I don't know. Let's see."

Nagkikwento lang siya tungkol sa buhay niya. Nalaman ko din na dalawa silang magkapatid. And he's very protective in his sister. Di naman siya madaldal. Very light lang.

"What about you Mariyah? How was your journey so far?"

"Okay lang naman. Namimiss ko pa din yung simpleng buhay. Nakakapagod din pala maging mayaman.Haha."

"Yeah, just like me. I really wanted to have a normal life. No pressure, no deadlines, no paperworks. I'm just so thankful that my dad assigned me here. At least I can enjoy and rest for a while."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon