Umalis kaagad si Tito at Tita Rose ng sabihin ng Pulis na nasa police station na ang suspect sa dahilan ng pagkawalan ng preno ng sasakyan ni Tim.
"Sana malaman na kung sino ang gumawa nito sa kotse ni Tim. Para maparusahan na sila ng batas."
Kinuha ko ang mga apple na dala ko at binalatan ito.
"Alam mo ba naayos ko na yung problema sa kompanya. Okay na ulit.Si Canary naman nakukuha ko na ang loob niya. Iniiwasan ko na din si Chester, kung may kailangan akong ipatanong pinapakisuyo ko na lang sa Engineer namin. Lumabas pala ulit kami ni Kristina kaninang lunch. Mabait pala talaga siya. Buti na lang naging kaibigan ko na siya."
Matapos kong balatan ang apple ay lumapit ako sa kanya at hinalikan sa noo.
"Miss na kita Kyle.. Gumising ka naman na oh. Hindi ako sanay na walang nangungulit sa akin. Sige na gumising ka na tatawagin na kitang Love araw-araw, promise."
Pinunasan ko ang luha ko. Araw-araw na lang ako umiiyak. Pinipilit kong magpakatatag pero tuwing naiiwan ako na mag-isa dito sa loob ng private room ni Kyle lagi na lang akong umiiyak. Naaawa ako sa kalagayan niya.
May cast ang isa nyang braso. Pati leeg niya ay meron din. Ang daming dugo na nawala sa kanya. May malaking tahi din siya sa braso niyang isa. He managed to go out of the car pero masama ang tama niya nabagok ang ulo niya. Si Tim naman ay nakalabas bago paman tumakbo ng mabilis ang kotse. Itinulak siya ni Kyle.
Tatlong araw ng coma si Kyle. Araw-araw ako pumupunta dito pagkauwi ko galing sa office.Kinikwento ko ang mga nangyayari sa akin araw-araw.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Miss ko na ang kakulitan mo. Miss ko na ang hawakan mo ako kahit saan tayo pumunta. Miss ko na pagkapossesive mo sakin."
*tok! tok! tok!*
Pinunasan ko ang luha ko at binuksan ko ang pintuan. It was Tim.
"Magpahinga kana muna. Ilang araw kanang pagod."
"Okay lang, off ko naman bukas. Dito na lang ako matutulog. Ikaw ang magpahinga. Di pa masyadong magaling yang mga sugat mo."
Ginulo niya naman ang buhok ko.
"I'm fine. Malayo to sa bituka. Nagdala ako ng pagkain. Kabilin-bilinan sakin ni Mama na kumain ka daw. Kaya sabayan mo ako sa pagkain."
Tumango na lang ako at naupo sa harapa n niya.
"Kainin mo to lahat."
"Ang dami nito Tim."
"Magpalakas ka, baka ikaw naman ang mahospital dahil sa ulcer. Ayaw kong paggising ni Kyle ay mukha kanang buto't-balat."
Natahimik ako bigla at napatingin kay Kyle. Iniisip ko palagi kung kailan ba siya magigising na sa tuwing mababanggit ang pangalan niya ay awtomatatikong napapatingin ako sa kanya.
"Sorry Iyah..It's my fault. Kung hindi ko lang siya niyayang lumabas hindi sana mangyayari to."
For the first time, nakita kong umiiyak si Tim.Lumapit agad ako sa kanya.
"Sshh.. Walang my gusto na mangyari to."
"Ako dapat ang nakahiga diyan eh. Ako dapat ang kritikal ang buhay ngayon. I'm his Kuya, I'm supposed to be the one to protect him but it was vice versa."
"Huwag mong sabihin yan. Kaya niya ginawa yun dahil mahal ka niya. Kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo."
Umiiyak na din tuloy ako. Pinunasan ko ang luha niya.
"Ayan ang pula na ng mukha mo. Huwag kanang umiyak di kana tuloy pogi."sabi ko kaya naman natawa siya.
"Thank you Iyah. Kumain na nga tayo."
After naming kumain ay sakto namang dumating sina Tita Rose.
Niyakap nila kami ni Tim.
"Kamusta ang lakad niyo Ma?"
"Nakakulong na siya ngayon. We have to be cautious more. Tahimik lang tayong minamatyagan ni Efren."
Nagulat ako sa sinabi ni Tito. So tama nga ako may koneksiyon nanaman to sa kapatid ng Papa ko.
"Sorry po, ng dahil sa akin pati kayo nadadamay."
"No Iyah, it's not about you. Dati paman may galit na din sakin yang si Efren because of helping your father back then. Ako ang kinakalaban niya. You see ang ginamit na kotse nina Tim noon ay isa sa mga kotse ko na nagkataong di ko ginamit noong araw na yun. Kung sakaling ako ang nandoon, malaking kawalan ako sa kompanya. At naiisip niya sigurong kapag nawala ako sa kompanya madami ang mawawalan ng interes sa Santiago's Construction Firm."
"So where's that Efren Santiago now. Did the cops caught him already?"
"Hindi pa eh. Malinis ang pagkakagawa kiya. Kahit ang mga private investigator natin ay nahihirapan hanapin kung nasaan siya."
"Ako. Ako na po bahalang mahanap si Tito Efren."
Napatingin silang lahat sa akin.
"Iyah, no!" Sabi kaagad sa akin ni Tita Rose.
"Sa aming pamilya po to nagmula lahat. Gusto ko ng tapusin to dahil ayoko na pong may madamay pang ibang tao. Lalo na kayo. Ayokong sa mga susunod na araw puro na lang pangamba at takot ang maramdaman ko. Kung hindi ko po to tatapusin, kailan pa."
"No Iyah, hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin." sabi ni Tito Arman.
"If you have a plan, let me help you."
Hinawakan ko ang kamay ni Tim.
"Hindi na Tim. Sobra-sobra na ang ginawa mong pagtulong sa akin.
Kayo din po. Magtiwala lang po kayo sa akin."Niyakap agad ako ni Tita Rose.
"Kung ano man ang plano mo sabihin mo sa amin para alam namin ang gagawin namin para makatulong."
"Opo."
Pero sa totoo lang, ayoko na silang madamay pa.
Lumabas muna ako para kausapin ng lihim si Canary.
Matapos ang ilang tawag ay sinagot niya na ito.
"Hello Ma'am Mariyah, napatawag po kayo?"
"May oras ka ba ngayon? Magkita tayo."
"Ah sorry Ma'am nasa hospital po ako ngayon."
"Pupuntahan kita."
Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Pinatay ko na yun at di na nagdalawang isip na puntahan sila kung saan nakaconfined ang Mama niya.
Nagpahatid ako sa driver ko.Habang nasa byahe ay kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.
Pagdating sa hospital ay dumiretso ako sa ward nila. Hindi na ako naghintay na sawayin na bawal ang dala-dalawang bisita, basta kailangan kong mapuntahan si Canary.Nagbuntong-hininga ako bago kumatok sa pintuan ng kwarto ng Mama niya.
Nagulat siya ng pagkabukas niya ng pintuan ay ako ang nakita niya."Ma'am Mariyah...."
"Pwede bang pumasok?"
Matagal bago siya sumagot pero pinapasok niya ako. Gising ang Mama niya at nagtatakang tumingin sakin.
"Paano niyo po nalaman na andito kami?"
Tumingin ako sa kanya pero blankong mukha.
"Alam ko na lahat
Canary Perez na anak ni Efren Santiago. Taong nagpapatay sa magulang ko at nais na ipapatay din ako. Alam na alam ko na ang lahat Canary."
Napatakip siya ng bibig at gulat na gulat sa isinambit ko.Lumapit agad siya sa akin at lumuhod.

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...