Twenty two

51 7 5
                                    

"I'm so sorry Iyah, I know I insisted that I'll be your escort but I think I'm gonna broke it."

"Bakit?"

Bukas na ang kaarawan ko. Hindi lang naman ito simpleng selebrasyon kaya kinakabahan ako.

"One of the daughters of our stockholders will attend your party tomorrow, as usual I'll be the escort of her. His parents requested me to be the escort of their daughter. Dad can't say no."

"Okay lang." sabi ko sa kanya at ngumiti. Halata kasing tensyonado siya.

"Okay lang yan Iyah, naku kapag nakita ka nila bukas I know they would go crazy to escort you. Ito kasing si Arman, pumayag agad." sabi ni Tita Rose.

"Sorry na mahal. Nasanay lang ako na laging kapartner ni Timothy ang anak ni Mr. Cruz."

"Ewan ko sayo!"

Hahahaha. Ang cute nila, nilalambing ni Tito Arman si Tita. Umalis si Tita Rose, at sinundan naman ito ni Tito.

"What should I do? I feel so guilty."

Tinapik ko siya.

"Hoy ano kaba! Okay lang talaga."

Biglang nagring ang cellphone niya

"Sorry I got to take this."

Lumayo siya sakin. Importante nga siguro.
Napabuntong hininga ako. Kinakabahan ako para bukas.

"Iyah, delivery daw sayo."

May inabot sakin si Rita.

"Buksan mo na."

"Agad-agad? Kanino daw galing?"

"Basahin mo kaya yung card."

Hinanap ko ang card pero wala naman.

"Wala eh. Buksan ko na lang, baka nasa loob."

Tinulungan niya akong magbukas ng regalo.

"Oh my! Ang ganda!!"

Sobrang ganda nga nito. Sandals ito, hindi naman masyadong kaatasan ang takon nito kaya nagustuhan ko din.

"Teka, wala namang card eh. Baka hindi saakin. Tinanong mo ba yung nagdeliver kung para kanino?"

"Sayo nga!  Nakita ko nga pangalan mo sa receivers name eh.Yun nga lang walang nakalagay kung kanino. Di ko na din natanong kung kanino galing kasi naexcite akong ibigay sayo. Haha.

Girl ang ganda talaga nitong stilletos mo. Bagay na bagay sa isusuot mo bukas."

"Hindi ko yan isusuot. Di ko nga alam kung kanino galing."

"Wag ka ngang nega. Malay mo naman galing kay Kuya Timothy diba."

"Bakit niya pa ipapadeliver eh magkasama naman kami."

"Ay oo nga no? Alam mo ang talino mo din no? Haha. Baka si Sir Kyle?" pagtataka niya din.

"Imposible naman yun. Di niya naman alam ang size ng paa ko."

"Eh sino!!"

"Hayaan na nga natin. Sige na magreview kana."

"Wait lang, pag tapos mo nang gamitin pahiram din ah. Para sa graduation namin."

"Hahaha. Oo naman. Ikaw pa ba?"

"Yaay! Ang bait mo talaga!"
niyakap niya ako saka siya umalis. Kahit papaano ay parang kapatid na din ang turing ko kay Rita.

Ibinalik ko sa kahon ang sandals na ibinigay sa akin. Kung kanino man to galing, nagpapasalamat na din ako.

Pag-akyat ko sa kwarto ay tiningnan ko ang gown na nakalagay sa maniquin. Ngayon lang ata ako makakasuot ng napakaganda at mamahaling gown. Hindi naman ako magdedebut pero parang talo ko pa ang magdedebut sa mga inihahanda nila sa akin.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon