"Wala akong passport dito. Nasa bahay."
Hindi ko akalaing tototohanin niya sinabi niya. May dinukot siya sa bulsa ng jacket niya.
"Hindi ka naman prepared noh?"
Sabi ko sa kanya, pinakita niya kasi sakin na nasa kanya ang passport ko.
Hawak niya pa din ang bag ko, di ko tuloy matawagan sina Tim.Nasa airport na kami.
"Let's go, it's our next flight."
"Ayaw, may team building pa kami."
Tiningnan niya akong masama. HAHAHAHAHA.. ang taray taray ng tingin niya.
"Ilagay mo nga hood mo,tinitingnan tayo ng mga tao."
"I don't mind." Inakbayan niya ako, mas lalo tuloy kaming tinitingnan ng ibang tao.
Nang papasok na kami ay napaatras ako.
"Why?"
"May team building nga kami, hindi pwedeng wala ako."
"I handled that already. Tss."
"Ayokong sumama."
"Wether you like or not, you will go with me." saka niya ulit ako sinama.
"Magbarko na lang tayo!!"
Bigla siyang natigilan ng sumigaw ako.
"By any chance, is this your first time in airplane?"
Yumuko ako at napatango na lang.
Kung sa barko lang sana sasakay ay okay lang di ako magdadahilan ng kung anu-ano, pero eroplano to. At di pa ako nakakasakay sa eroplano, nakakatakot kaya.
Umangat ang ulo ko, hinihintay ko na pagtawanan niya ako o sabihin na kung anu-ano. Pero hindi eh, nanahimik lang siya at tiningnan ako.
Hinawakan niya kamay ko.
"As much as I want to ride on a boat to go there, I can't. Masyadong matao, I won't risk our safety. Iniisip ko lang naman na pagkakaguluhan tayo. Besides, we could go in Batanes in just few hours if we ride on a plane. Don't worry you're with me. Hindi ako aalis sa tabi mo."
Napanatag naman ako sa sinabi niya kaya kahit labag sa loob ko ay nakumbinse niya na din ako.
-- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --
"Saan ka pupunta?"
Pinigilan kong tumayo si Kyle.
Simula kanina paglipad ng eroplano ay di na ako mapakali. Naiinis na nga si Kyle kasi para daw akong abnormal na tumitili nang papataas na ang eroplano. Kasi naman parang maalis ang kaluluwa ko sa katawan ko.
"Iihi lang ako. It's up to you kung sasama ka."
Binitawan ko kaagad siya ng masama.
"Bastos!"
"Ako pa bastos, ikaw nga diyan na kanina pa nakahawak sa braso ko."
"Tumae kana nga lang!" inis kong sabi sa kanya, dahilan naman para kumunot ang noo niya.
"Gross! I said I will pee, not... tss.."
sabi niya saka siya umalis.
"nye nye nye nye nye.. psh!"para nanaman akong batang ginagaya siya.
Pagtingin ko sa kabilang side ng upuan, tinitingnan pala ako ng matandang babae at natatawa siya sa akin. Hala! Nakakahiya, nakita niya akong nagmi-make-face kay Kyle.
"Sorry po. Naistorbo ka po ata sa kaingayan naming dalawa." sabi ko.
"Hindi hija, nakakatuwa nga kayong dalawa tingnan. Matagal na ba kayo ng nobyo mo?"
"Hala, hindi ko po yun nobyo."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Ay talaga ba? Akala ko magnobyo kayo. Kanina ko pa kasi kayo pinagmamasdan. Inaasikaso ka niya palagi."
"Katulong ko po siya. Hahahaha. Joke lang po. Kaibigan ko po siya."
"Bagay kayo hija. Hindi ka ba niya nililigawan?"
"Nililigawan po kaso AYAW niya pa kasi nagpapakipot pa daw siya lola."
Nagulat ako sa pagsulpot ni Kyle lalo na nung sumagot siya.
"Hahaha.. ay ganoon ba hijo, sa tingin ko naman ay gusto ka rin niya. Napakagwapo mo, ganoon din naman siya napakaganda. Bakit ayaw mo pa sagutin hija?"
Kinumutan ako ni Kyle habang sinasabi yun ni Lola. Bigla akong may naramdaman na parang ewan. Kinilig ata ako. Ay ewan!
"Oh tingnan niyo La, natutulala nanaman siya sa kagwapuhan ko."
Napasimangot ako nang tumawa silang dalawa.
Nagkaroon pa ata ng kakampi si Kyle.
"Oo nga hijo. Di ba artista ka? Baka kaya naman ayaw na sagutin dahil meron kanang iba?"
"Meron Lola. Margaux pangalan."
"Ay kaya naman pala."
biglang natahimik si Kyle.
Pagtingin ko sa kanya nakatingin lang siya sakin at magkasalubong ang kilay. (angry bird 😂)
"Bakit?"
Hindi siya sumagot, sa halip ay umayos siya ng upo at pumikit.
"Hala nagalit ata. Sige na hija, matulog na muna ako. Isang lambing lang yan hija, papansinin ka din niyan."
Nginitian ko si Lola at inayos ko ang upo ko.
Kumapit ako sa bisig niya at hinawakan ko kamay niya.Napatingin siya sakin at nginitian ko lang siya.
"Pwede bang sumandal sa balikat mo?" tanong ko sa kanya.
Para siyang natigilan sa tanong ko at napatingin lang siya sakin at sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"Hoy, bahala kang matulala diyan. Basta sasandal ako sa balikat mo." pagkasabi ko nun ay sumandal na ako sa balikat niya.
Napangiti ako, malandi na ba ako nito? Hahaha. Joke lang, naiisip ko tuloy si Rita. Ano kaya sasabihin niya kapag kwinento ko to.
Naramdaman ko na lang na umayos si Kyle ng upo niya at hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko.
"Sleepwell my Mariyah."
Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Unti-unti kong namamalayan na inaantok na talaga ako.
See you later Batanes!
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Chick-LitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
