Two

76 11 5
                                        

"Hi."

Bati ng nasa middle aged na babae at may kasamang lalaki na sa tingin ko ay asawa niya.

Tumayo agad ako at yumuko.

"Magandang gabi ho. Ako po si Mariyah Ellaine Santiago."

Nagulat sila sa sinabi ko, agad akong niyakap nung babae.

"Ellaine, is it really you? You've grown up so beautiful."

"Ah pinapapunta po ako dito ng Lolo ko.."

"I know, I know.. we've been waiting for you for how many years. What took you so long?"

"Kailangan ko po kasing maayos ang lupa at bahay na iiwan ko sa probinsya."

"Maupo ka muna, nagugutom ka ba? Kamusta naman ang pagpunta mo dito sa Manila?"

Gusto ko na sanang magsumbong sa nangyari kanina pero baka mag alala sila.

"Ok lang ho ako.Nagugutom lang po ako. May kamote po ba kayo?"

Biglang natawa yung lalaki.

"Ughh. You are so adorable darling. Wala kami nun eh, but don't worry bukas na bukas din ay magpapaluto ako nun? What do you want baked sweet potato wedges or fried wedges?"

Sa totoo lang wala akong naintindihan sa sinabi ng babae. Anong wedges kaya ang sinasabi niya. Pinakuluang kamote lang ang alam ko eh.

"Yung sinaing lang ho na kamote yung may prinitong isda na kasama. Naku the best po yun."

"I love your simplicity darling." sabi niya.

"Oh siya, samahan muna kita sa kusina. Mahal ikaw na muna bahala sa gamit ni Mariyah ah. Samahan ko lang siya sa kusina."

Tumango ang asawa nito at ngumiti sa amin. Ang sweet naman nilang mag-asawa naalala ko nanaman tuloy ang lolo at lola ko sa kanila.

"Manang Loreng pakihanda naman ho ng makakain si Mariyah."

Pinaupo ako nung babae sa upuan. Di ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kusina nila. Bahay ba talaga to o mansyon. Ang ganda talaga.

"By the way I'm your Tita Rose, ang pangit kasi ng pangalan ko kaya Rose na lang ah. Yung kasama ko kanina siya ang aking asawa ang Tito Arman mo. What do you prefer to call you?"

"Iyah na lang ho."

"Okay Iyah, feel at home ka lang dito ha. Dito ka muna samin titira. We have so many things to discuss pero pwede bukas na lang yun. I know you are dreadly tired."

Kumain muna ako at pagkatapos nun ay sinama niya ako paakyat sa bahay nila.. Ang lawak talaga ng bahay na to. Baka kahit ilang linggo na ako dito di ko pa matandaan dito.

"Dito na tayo. For the mean time dito ka muna sa guest room. Ipapaayos ko muna ang magiging kwarto mo bukas."

"Okay na ho ako dito, sobrang laki na nga po ito."

"No, you don't deserve to stay in this room. For now magpahinga ka muna Iyah okay."

"Sige po. Maraming salamat po sa pagpapatuloy."

Ngumiti ito at muli akong niyakap. Pagkaalis niya ay nilibot ko ang kabuuan ng guest room. Guest room ba talaga ito? Ang laki naman, swerte naman ng bisita nila. Meron din itong sariling C.R.

"Haay nakakapagod ang araw na to. Thank you Lord! Mabait sila, di naman siguro ako mangangatulong dito."

-- -- -- -- --

Kinaumagahan, nagsisi ako na maaga akong bumaba. Di ko alam kung saan na yung daanan papuntang kusina.

"Saan na ba yun?"

"Oh hija? Ang aga mo ata. Saan ka ba patungo?"

"Magandang umaga po Tita. Sa kusina po sana."

Natawa siyang bahagya, nahalata niya sigurong naligaw ako. Paano ba kasi imbes na sa kusina ay sa Garden ako napunta.

"Halika at sasamahan kita. Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Opo, medyo namamahay lang ho siguro."

Nang makaabot kami sa kusina may dalawang babae na nandoon. Ang isa ay yung babaeng nagpapasok sakin at yung isa ay sa tingin ko ay kaedaran ko lang.

"Iyah, siya si Manang Loreng at siya naman si Rita. Pag kailangan mo ng tulong sa kanila ka lang magtanong ah. Huwag kang mahiya sa kanila."

Yumuko ako at ngumiti sa kanila.

"Magandang umaga ho sainyo, ikinalulugod ko po kayong makilala."

"Oh siya Manang, kayo na muna bahala kay Iyah. Aasikasuhin ko muna ang mga mahal kong halaman."

Pagkaalis ni Tita Rose ay agad akong lumapit kina Manang Loreng.

"May maitutulong ho ba ako?"

"Wala po Maam, kami na po bahala dito."

"Oo nga, maupo kana lang dyan Maam."

"Huwag niyo na ho akong tawaging Maam, nakikituloy lang ho ako dito. Iyah na lang po. Saka sanay po kasi akong may ginagawa palagi kaya okay lang po na tumulong ako. Di po ako makakaabala."

"Oh sya kung yan ang gusto mo Iyah. Tulungan mo na lang si Rita dito."

Habang tumutulong ako nararamdaman ko ang pagkailang pa rin sakin ni Rita.

"Ahm Rita, kwento ka naman tungkol kina Tita Rose."

"Yan sina Maam Rose ay mabait na pamilya. Wala kang masyadong problema sa kanila kasi sobrang matulungin talaga sila. Marami silang negosyo. Meron din silang tatlong anak. Yung panganay ay may-asawa na at sa ibang bansa naninirahan. May negosyo din kasi sila sa ibang bansa. Ang namamahala doon ay ang kanilang panganay na anak. Yung pangalawa naman ay si Sir Timothy, kung ideal man lang din naman ang pag-uusapan kay Sir Timothy na ako. Di ba Manang Loreng? Hahaha."

"Ay tumigil ka nga dyan Rita, baka mahawaan mo yang si Iyah sa kakapantasya mo kay Timothy."

"Totoo naman kasi, yung bunso kasing kapatid ay nakakatakot. Artista pa naman pero napakasama ng ugali pag umuuwi dito sa bahay."

"Hoy Rita, yang bibig mo."

"Oh? Hala nakakatakot pala sya."

"Huwag kang mag-alala, madalang yun umuwi kaya wala kang dapat ipagkabahala."

"Alam mo naman ang sinasabi nila sa mga artista diba, ang bait daw sa tv pero sa personal di naman daw."

"Di ko alam eh. Wala akong kilalang artista."

Nanlaki mata niya na parang di makapaniwala.

"Wag ka ngang joker dyan Iyah.".

Tinapik niya ako at napangiti ako dahil gumagaan na ang loob nito sakin.

"Ayaw kasi ni Lolo na nanonood ako ng TV. Wala naman daw yun naidudulot na mabuti sa mga manonood."

"Good morning.." Bigla kaming natigil sa pagkikwentuhan ng may pumasok na lalaki na nakaayos ng damit.
Sunod na pumasok ang sina Tita Rose at ang asawa nito.

Ngumiti sakin ang lalaki at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon