Forty Six

32 2 2
                                    

Kinukurot-kurot ko mukha ko. Baka nanaginip lang ako. Baka sa panaginip ko lang kaharap siyang matulog. Baka sa panaginip ko lang talaga na kami na.

Gumalaw siya at niyakap ako.

Sinapak ko siya ng bahagya, baka panaginip ka nga. Nagulat ako ng unti-unti niyang inangat kamay niya para hawakan ang mukha niya.

"Mmmmm"

Napapikit ako ng mata.

"Why did you slapped me love.." ano ba yan. Para akong ewan na pinipigil ang ngiti ko. Love daw oh...

Nagkunwari lang akong tulog pa ako.

Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo ko.

"I know you're already awake."

Kaya naman minulat ko na ang mata ko. Nagpeace sign ako sa kanya.

"Sorry. Akala ko panaginip lang."

Hinagod niya ang buhok ko.

"You're not dreaming, sige na matulog kapa. I'll prepare our breakfast."

"Halaaaa.. panaginip nga.."
biro ko dahil magluluto daw siya ng almusal.

"Tss.. Crazy."

Bigla kong naisip yung trabaho ko sa Maynila. Kamusta na kaya sila. By tomorrow may pasok na uli. Nakakahiya, hindi ako nakasama sa team building. Kung iisipin, that will be my first time to attend such activity pero blessing in disguise din naman na di ako makasama kasi...eeeehhhh.. feeling ko namumula ako ngayon. Di pa rin talaga ako makapaniwala na magkakaboyfriend na ako. Hala.. Baka magalit sina Lola.

Tumayo agad ako at pinuntahan si Kyle sa kusina..

"Kyle, err... pwede ba magsuot ka ng damit."

Tumalikod agad ako ng makita ko siya na walang pangtaas na damit.

"You will see me naked in the near future so why bother."

"Ang bastos mo! Wala pa yun sa isip ko!"

Napaharap akong bigla dahil doon sa sinabi niya. Binabahiran niya ang utak ko ng kabastusan. Napapaisip tuloy ako. Ahhhhh... Tumigil ka Mariyah! Nagiging bastos na utak mo.

Tiningnan ko siyang masama. Naka-apron lang ito pero okay na yun atleast natatakpan ang katawan niya kahit papaano.

"Ahaha. You're flushing red Mariyah. Is it because I'm hot."
sabi niya ang tumataas-baba pa ang kilay niya.

"NAKU naman ang hangin talaga dito. Makaligo nga muna."

Palusot ko dahil para siyang baliw na inaalis na ang apron. Sinasadya niya talaga akong asarin. Akala niya naman may pakialam ako sa makinis niyang kutis. Wala kaya. Pero sa totoo lang, parang mas babae pa ang kutis niya sa akin. Tiningnan ko ang braso ko. Di pantay ang kulay kasi nabibilad ako sa  maaraw, di talaga ako naiinggit sa kutis ni Kyle. Promise!

Ilang minuto din ang itinagal ko sa pagligo bago lumabas ng kwarto ni Kyle. Oo dito na ako kasi ayaw niyang hayaan akong umuwi sa bahay namin nina Lola na hindi siya kasama. Nag-aalala pa rin siya na baka may mangyari  saking masama kahit na nakakulong na yung mga lalaki kahapon pa.

"Good that you're done already, let's eat."

Masaya nitong sabi. Nagulat naman ako na marunong pala ito magluto.

"Saan ka natutong magluto?"

"When I started my career in entertainment."sabi nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

There's this flinch inside my chest by his action. Pinagsisilbihan niya din kaya si Margaux?  Napailing na lang ako sa iniisip ko. Umagang-umaga pinapaselos ko ang sarili ko.

"I know I'm yummy, pero hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." nakangising sabi nito..

Inirapan ko siya dahil parang napahiya ako na nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Siya naman ay kumuha na ng pagkain.

Kakain na sana siya ng tinapik ko ang kamay niya.

"Let's pray in silence.." pagkasabi ko nun ay sabay kaming tahimik na nanalangin to bless our food.

Excited akong tikman ang luto niya. Bigla akong napa-inum ng tubig at iniluwa ang itlog na kinain ko. Agad naman siyang lumapit sa akin.

"Are you okay love?"

"Mukha ba akong okay?! Sana inubos mo na lang lahat ng asin dito sa itlog.  Baka nahiya kalang nagtira kapa." saad ko habang umuubo-ubo.

Sobrang alat ng itlog, flinip ko din ang mga hotdog and I was so shock to see it was too burned.

Naku ka talagang Kyle ka. Pagkatingin ko sa kanya ay parang frustrated siya na ewan.

"Fine, I'm not good in cooking.Kung ayaw mo niyan magluto ka mag-isa. Tss." Padabog siyang umupo sa harap ko at nagulat akong kinain niya yung itlog na niluto niya. Sobrang alat nun, pero kinain niya yun na parang wala lang.Pati yung hotdog ay inubos niya. Pagkakain niya ay iniwan niya ako sa kusina.

Halatang nagalit ito. Bakit ba siya nagagalit. Eh sa maalat naman talaga yung luto niya. haist.

Uminom na lang ako ng gatas,pagkatapos ay hinanap ko si Kyle.

Nakita ko siyang naglalaro sa kwarto niya. Pumasok ako dito, pero nakatuon lang ang tingin nito sa monitor ng PC. Bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Okay, anong problema nun.
Huminga ako ng malalim.

"Relax Iyah, nagpi-pPMS nanaman ang yabang na yan."

Sinundan ko siya, patungo itong sala at nahiga.

Ipinatong nito ang mga braso sa ulo at nagsalita.

"Get dress, later we will go home."

Saka ko nakita ang mga pasa sa mga daliri at kamay niya. May mga talsik pa ng mantika.

Bigla akong nakonsensya. Nag-offer siya magluto to impress me. Pero sinira ko ang moment. Hindi ko man lang naappreciate yung pagluluto niya. I felt so guilty.

Tumabi ako sa gilid niya pero nakaupo lang ako.

"Hmm..Kyle."

"Oh?"Walang gana niyang sagot.

"Sorry.."

"For what?" mataray nitong sabi at hindi pa rin makatingin sakin.

"Tumingin ka nga kasi sakin. Haist."

Tumingin nga ito pero parang wala man lang kaemo-emosyon.

"Sorry na kasi di ako kumain ng luto mo." Kinuha ko ang kamay niyang may paso.

"Alam kong di ka marunong magluto pero sinubukan mo pa din para sakin. Kahit na magkasugat kapa, okay lang sayo.  Dahil doon sobra ang kasiyahan na nararamdaman ko. Ang swerte ko sayo. Bukod sa gwapo kana, mapagmahal pa at  medyo mabait."

Unti-unti siyang ngumiti.

"Medyo mabait lang?"

"Sige na nga sobrang bait mo na. Hahaha"

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ang bango niya talaga. Minsan naiisip ko talaga na mas babae pa sya sakin.

"Let's get married."

Bigla akong kumawala sa yakap niya. Seryoso ito.

Ano ba yan wala pa ngang halos isang araw na naging kami, ngayon nag-aaya na siya magpakasal. Ginugulat niya talaga ako sa mga desisyon nya.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon