Nakailang gulong na ako sa higaan ko pero di ako makatulog.
Tumayo ako at binuksan ang laptop ko.
Oo na, hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Tim.
Sinearch ko kaagad ang balita tungkol sa kanya.
"Kyle Santos summer excapades with Margaux?"
Yan agad ang nabasa ko ng magsearch ako. Napakunot ang noo ko. Bakit hindi niya sakin sinabi?
Mayroon ding mga kuhang stolen picture nila. Naka 2 piece yung babae at karamihan ng picture ay masayang- masaya sila. Lalo na si Kyle, kulang na lang ay mapunit ang bibig niya kakangiti.
Napabusangot ako. Hindi ko maiwasang magtanong kung seryoso ba talaga siya sa pangliligaw sakin.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nagmessage si Rita sa messenger ko. Oo meron na ako niyan. Haha.. Ginawan kasi ako ni Rita.
Rita: Bakit gising kapa? VC tayo.
Me: Para namang ang layo nating dalawa. Punta kana lang sa kwarto ko.
Rita: Ay oo nga no? Wait,papunta na ako..
Maya-maya ay kumakatok na siya. Pinagbuksan ko agad siya ng pintuan.
"Mayora bakit gising kapa?" saad niya at dumiretso sa desktable ko kung saan naroon ang laptop oo.
"Hoy stalking ang friend ko oh. Hahahaha"
panunukso niya sakin.
"Huwag ka ngang tumawa diyan. Nakakainis na Kyle yan."
"Uy nangangamoy selos."
"Hindi noh. Naiinis lang ako."
"Oh bakit ka naman maiinis?"
"Syempre sino bang hindi, basahin mo nga yang article na yan. Some of the people in that beach says they're like couple. Di ba nga nililigawan niya ako. Ganyan ba ang nangliligaw? May girlfriend na pala siya tapos liligawan niya ako. Anong akala niya sakin. Tingnan mo nga din yang mga picture na yan. Tama bang humawak-hawak kung saan-saan sa ibang babae?! Porket ba hindi ko kayang magsuot ng ganyan naghanap siya ng iba.!"
Nakatulala lang sakin si Rita habang ako ay inis na inis. Bigla siyang pumalakpak at ako ang pinaupo. Tumayo siya sa harap ko.
"Confirmed! In love kana girl!"
Napatingin ako sa kanya.
"Huwag mo nang subukang i-deny! Naku friend yung promise mo sakin na trip to Korea, umayos ka di ko pa yun nakakalimutan. Hahaha.."
Tinalikuran ko siya.
Nagugustuhan ko na ba siya? Naiinis lang siguro ako kasi parang nakakabastos yung ginagawa niya.
"Tingnan nga natin tong video."
Tiningnan namin yung video.
"Look guys! It's Margaux and Kyle. OMG! Ang gwapo ni Kyle besh!!! Kita niyo yan, ang protective niya kay momsh Margaux!"
"Itigil mo na nga yan." sabi ko kay Rita.
Niloko niya lang ako. Sabi niya mahal niya ako. Kitang-kita sa video na gusto niya yung Margaux na yun. Tss.
Magkahawak pa silang kamay habang naglalakad sa tabing dagat. Tumayo ako at humiga ng padapa sa kama ko.
"Nakakainis ka Kyle! Manloloko ka!"
Naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Rita. Bigla na lang din akong naiyak.
"Bakit ganun siya?. Sabi niya mahal niya ako, bakit bigla na lang di siya nagparamdam. Bakit bigla na lang may kahawak siyang iba."
"Tahan na Iyah. Baka naman nagti-taping sila."
"Taping tapos sila lang?"
"Malay mo nagtitaping sila sa ilalim ng dagat."
"Ewan ko sayo. Ayoko ng ganito."
"Sabi ko naman sayo eh, mahirap pag nahulog ka, baka di siya ang sumalo."
Pinahid ko luha ko at umupo paharap kay Rita.
"Ano nang gagawin ko? Ayokong masaktan."
"Deadma mo muna. Hayaan mo na muna yang si Sir Kyle. Hayaan mong suyuin ka niya. Alam mo ba yung sinasabi nilang cold treatment? Yun ang ibigay mo sa kanya. As much as possible, wag kang pahahalata na may gusto kana sa kanya."
"Hindi pa naman ako sigurado kung may gusto na ako sa kanya."
"Sigurado o hindi, ang mahalaga dun din yan patungo kaya guard your heart. Paselosin mo din kaya.!"
"Paano ko naman yun gagawin?"
"Duhh..Use your beauty. Aanhin mo yang ganda ng mukha mo kung hindi mo gagamitin!"
"Paano?"
"Ang dami kayang nagkakagusto sayo. Paselosin mo sya. Sino ba kinaseselosan niya?".
"Si Tim? Si Ethan? Ayoko manggamit ng ibang tao. Hayaan mo na."
"Baka naman feeling mo lang na nagugustuhan mo siya, kasi nasanay ka lang na laging siyang nagpapacute sayo."
"Pacute talaga. Gwapo naman talaga yung tao."
"Hay naku, tinamaan kana talaga."
Sabay kaming napabuntong-hininga.
"Hoy sagutin mo na phone mo kanina pa tumutunog."
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Unknown number kaya sinagot ko kaagad.
"Sino to?"
"I miss you Mariyah.."
"Kyle?"
"Yes.." nainis ako ng malaman kong siya yun kausap ko kaya pinatay ko kaagad ang tawag.
"Si Sir Kyle?"
"Oo .. Kapal ng mukha niyang tumawag pa siya."
"Tama yan girl. Deadmatology ka muna. Oh siya, matutulog na ako. Matulog kana din ha. Huwag ka na ding mag-isip masyado. Baka friends lang sila. Friends with benefits. Ganun. Hahahaha. Good night."
Napasimangot tuloy ako dahil doon.
Tiningnan ko ang phone ko. May isa siyang text.
from: 09*********
I'm so drunk right now. I'm sorry I cannot contact you for the past days. Good night. I miss you.
"Tss.. Taping mo mukha mo."
Nag- isip ako kung magrereply ako.
Replyan ko na nga lang.
to: 09*********
Okay lang. Ang saya nga na walang nang-iistorbo sakin.
Magrereply pa kaya yun?
Maya-maya ay tumunog ulit ito.
from: 09*********
Drake is already asleep. This is Margaux his girlfriend. Would you mind, who are you?
Naibaba ko kaagad ang cellphone ko nang mabasa ko ang text na yun.
Hindi ko din maintindin ang sakit na nararamdam ko.
"May pamiss-miss pa siyang nalalaman, may girlfriend na pala siya! Mangloloko talaga."
Nagring bigla yung cellphone ko. Sinagot ko yun.
"Hello..."
ang lambing ng boses niya.
Pinatay ko na ang tawag.
Totoo nga siguro talaga si Rita, dapat hindi ako nagpahulog sa bitag niya. Artista siya, magaling umarte.
"Naloko mo ako Kyle."
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
