Seventy Nine

4 0 0
                                    

Paggising ko ay wala si Kyle sa higaan niya. Sa sobrang pagod siguro kaya late na din ako nagising.

Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago lumabas ng kwarto. Wala din sa living room
si Kyle.

"Good morning po Aling Sonya. Si Kyle po?"

Naabutan ko si Aling Sonya na nagliligpit ng pinagkainan.

"Good morning Iyah, almusal ka muna. Kakalabas lang ni Kyle. Maliligo daw siya sa dagat."

Kumuha ako ng pinggan.

"Kain po tayo."

"Sige lang Iyah kumain na ako kanina. Nga pala nag-aalala ako kay Kyle sabi niya kaninang umaga ang sakit daw ng ulo niya. Puntahan mo nga anak baka kung mapano siya habang lumalangoy."

Hindi ko muna tinapos ang kinakain ko at pumunta agad ako sa dalampasigan. Medyo malayo rin si Kyle mula sa pampang.

"Kyle!!!" sigaw ko nang makalapit ako

Tumingin naman ito.

"Huwag kang lalayo dito ka lang sa malapit lumangoy!" sigaw ko ulit pero di siya nakinig.
Mas lalo itong lumangoy papalayo.

"Kyle!" sigaw ko ulit.

Tiningnan niya akong masama at lumangoy papalapit na sa akin.
Pagkaahon niya sa dagat ay inabot ko sa kanya yung towel na andito.

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw? Tss."

"Paano kung malunod ka! Ang lalim lalim doon! Tapos sumasakit pa ang ulo mo paano kung mahimatay ka habang lumalangoy.! Buti sana kung maliligtas kita. Alam mo namang hindi ako marunong lumangoy." sunod-sunod kong sabi.

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mukha ko. Hindi ko alam na napaluha na pala ako sa sobrang inis at takot.

"Sorry." sabi niya lang at umupo. Tinabihan ko siya.

"My head hurts. Since yesterday, there are memories that keeps on flashing in my mind. Sa lahat ng nagfaflashback sa utak ko, laging mukha mo na nakangiti ang nakikita ko."

"Ininom mo na ba ang gamot mo? Isulat natin yan sa journal mo para pagbalik natin sa Manila maipakita natin kay Caspian." saad ko

Hindi siya sumagot.

"Iyah!" napatingin naman kaming dalawa ni Kyle ng may tumawag sa akin.

Sina Mang Cardo at Mang Jun. Kinawayan nila ako kaya kumaway din ako sa kanila.
Masaya akong lumapit sa kanila. Iniwan ko muna si Kyle.

"Mang Cardo, Mang Jun. Kamusta na ho kayo?"
nagmano ako sa kanila.

"Sabi ko na nga ba ikaw yan Iyah. Okay naman kami, ito mga mangingisda pa din. Haha. Ikaw kamusta kana?"

"Okay naman po ako. Ano po yan?" tinuro ko yung timba nila. Binuksan nila ito at nagulat ako ang may 3 mga pagong na maliliit pa.

"Naku kayo po ha. Mang Cardo masama yan." sabi ko. Natawa naman sila

"Mali ka ng iniisip nagbago na kami. Haha. Ibabalik namin ito. Nakasama sa lambat namin." sabi ni Mang Jun.

"Talaga po ba? Pwedeng ako na lang po ang magbalik nito sa karagatan?" masayang sabi ko.

"Aba pwede naman tulad ng dati mong ginagawa."

Inabot nila sakin ang timba.

"Oh siya aalis na kami, daanan mo na lang yang timba saamin." sabi ni Mang Cardo

"Opo. Ingat po kayo."

Nagpaalam na sila. Masaya naman akong bumalik kay Kyle. Nakakunot lang ang noo nito sakin. Hmm sungit.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon