Fifteen

69 8 11
                                        

"Kyle, palabasin mo na kasi ako. Gusto ko ng matulog."

"Edi matulog ka, ayan ang kama."

Sinimangutan ko siya.

"Don't give me that look. You're not cute."

"Bakit nagpapacute ba ako? Hindi naman ah. Sama nito."

"TULONG!"

"Kahit sumigaw kapa ng ilang beses walang makakarinig sayo. Sound proof ang kwarto ko."

"Bakit?"

Tinuro niya ang lahat ng musical instrument sa gilid.

"Wow!" Lumapit agad ako dito.

"Bakit ang pangit ng suot mo?"

Bigla akong napatingin sa kanya. Sa lahat ng nakakita sakin, siya lang ang namumukod-tanging nagsabi na pangit ang suot ko.

"Maganda kaya, bagay daw sakin."

"Uto-uto ka naman."

"Hindi ako uto-uto! Pangit na to."

"Sinong sinasabihan mong pangit?"

"Ikaw! Sino pa ba?"

Kapag siya talaga ang kaharap ko, nauubos ang lahat ng kabutihang asal na meron ako.

"Pangit pala ha."

Parang alam ko na kung ano ang mangyayari.

"Huwag kang lalapit, sinasabi ko sayo huwag na huwag."

"Takbo Iyah!"

"Aahhhhhhhhhh."

Tumakbo ako papalayo sa kanya.Bigla niya akong na-corner at kiniliti.

"Hahahaha. Kyle.. Ano ba! Tigil na! Nakikiliti ako. Hahahahah."

"No!"

"Hindi na ako makahinga."

Nang sinabi ko yun ay tumigil siya kakakiliti sakin. Hapong-hapo ako dahil sa ginawa niyang yun.

Tumalikod agad ito at pumunta sa cabinet niya. Ako naman ay naglibot-libot sa kwarto niya.

"Hala, ang cute.. Ikaw to?"

"Obvious ba? Alangan naman si Timothy, eh kwarto ko to. Tss."

"Bakit ba ang sungit-sungit mo? Tinatanong ko lang naman."

Nilapag ko ulit yung picture frame noong bata pa siya.

"Nakakatanga kasi ang tanong mo."

"Eh di ikaw na matalino."

"Oo alam ko."

"Oo alam ko. Psh. taray-taray." pag-uulit ko sa sinabi niya.

Umupo ako sa kama niya, habang siya ay kumukuha ng ilang damit at inililigpit sa bag niya.

"Aalis ka?.

Ay wait huwag mo na lang sagutin."

sabi ko, baka kasi sabihin niya 'Obvious ba. ...blah blah blah'

"Buti naman, atleast nag-improve ng 1% yang utak mo."

Kinuha ko yung damit na tinutupi niya binato sa kanya.

"Ang sakit mo talaga magsalita. Heto pa sayo!" at pinagbabato ko siya ng mga damit niya.

"Ah batuhan pala gusto mo ha." Kinuha niya yung unan niya at hinampas ako.

"Aray! Masakit yun ah!" Kinuha ko din ang isang unan niya at nagpukpukan kami ng unan.

Di ko namamalayan na tawa na pala kami ng tawa sa ginagawa namin.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon