Gabi na kami nakauwi ni Kyle.
"Wow!" yan ang bungad ni Kyle ng makita nya ang nakalatag na hapunan namin.
"Kain na kayo. Inihanda ko ang paborito mong ulam Kyle."
"Thank you Nay Sonya." Umupo agad siya at kumuha ng lobster.
Umupo na din ako.
"Tara Aling Sonya kain po."
Sinaluhan kami ni Aling Sonya. Masaya kaming nagkikwentuhan habang itong si Kyle hindi maistorbo sa pagkain niya.
*Burrrpppp
Napatingin kami kay Kyle ng dumighay ito.
"What?" Inis niyang sabi
"Busog yan?" biro ko
"Tss. Thank you Nay Sonya for the delicious food. Kelan kaya yung isa diyan magluluto?"
"Aba hinahamon mo ba ako Mr. Santos?" saad ko
"Bakit marunong ka ba magluto?"paghahamon niya
"Ay wow! Baka pag natikman mo ang luto ko makalimutan mo ang pangalan mo.Hahaha."
"Nakalimutan ko na nga ikaw tapos pati sarili ko malilimutan ko pa. Grabe naman yan."
ay oo nga no? ahaha natawa naman ako
"Eh di baka mainlove ka ulit saakin kapag natikman mo ang luto ko." saad ko
Namula naman ang mukha niya. Sana all.
"Let's see." sabi niya at umalis na
"Para akong nanunuod ng teleserye pag nakikita ko kayong parang aso't-pusa." saad ni Aling Sonya
"Ngeek. Naku Aling Sonya, for sure hindi yan Romance na teleserye. Action series." saad ko
natawa naman siya saakinPagkatapos kong kumain ay dumiretso na din ako sa kwarto. Pagpasok ko ay nasa loob siya ng shower room.
Kinuha ko naman ang cellphone ko halos maghapon kong di nahawakan ito.
"Hala ang daming text."
fr: 09*********
Kung nasaan ka man, mahahanap din kita. Papatayin kita.
Bigla akong natakot ng mabasa ko ito.
Gustuhin ko mang itext si Canary ay hindi pwede dahil baka kasama niya ang Tito ko.
Hindi ko na alam kung ano pang plano ang gagawin ko para matapos ang problemang ito.
"What's wrong?" napatingin naman ako ng lumabas na si Kyle sa shower room. Nakatapis lang ito ng pang-ibaba at walang saplot na damit.
Tinakpan ko kaagad ang mata ko.
"Ano ka ba?! Magdamit ka nga." sabi ko
"Tss. Maligo ka na nga ang baho baho mo na." saad nya
Kaya tumayo naman ako at kumuha ng towel at pamalit kong damit.Natawa siya ng pagilid akong naglalakad para di ko siya makita sa ganoong hitsura.
Tinagalan ko ang pagligo para paglabas ko ay tulog na ito. Siguro ay mag iisang oras din ako nagshower.
"Akala ko nilamon kana ng sink." saad niya ng makalabas ako sa Shower room.
"Muntik na." pang-aasar ko din sa kanya. Agad akong tumakbo ng makita kong hawak niya ang cellphone ko.
"Bakit hawak mo to. Akin na nga." sabi ko at kukunin sana ito pero itinaas nya ang kamay niya.

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...