Seventy Four

11 0 0
                                        

"Hi Kristina! Buti naman at napadalaw ka dito."

Bati ko kaagad sa kanya. Nasa garden siya kasama si Tim. Pero umalis si Tim at pumasok muna sa bahay.

"Oo nga eh.I brought something, here."

Inabot niya sakin ang isang eco-bag na may lamang dress.

"Nag-abala ka  pa. Salamat dito."

Naupo ako sa harap niya.

"Err.. No offense ha, but why are you wearing like that?" turo niya sa damit ko.

Napakamot ako ng ulo at natawa.

"Ah ito ba? Ganito kasi ako dati manamit.  Sabi kasi nila baka mas mabilis ako maalala ni Kyle kapag binalik ko yung dating pananamit ko."

Parang gulat naman siya sa sinabi ko.

"Really? Hahaha. I can't imagine myself wearing that."

"Sanayan lang naman. Anyway, kwento ka naman about sainyo ni Tim. Ikaw ha.."

Para naman siyang nagblush.

"As you can see.. We're starting to date again. Thank you talaga sayo Mariyah. Kung hindi mo kinausap si Timothy siguro hanggang ngayon galit pa din siya sakin."

"Kinausap ko pang siya, pero nasa sakanya pa din yung choice kung ano ang gagawin niyang step. Kaya for sure mahal ka din niya."

"I know he's not there yet. Pero I will make sure na mamahalin niya ako. Ngayon pa ba ako susuko?", sabi niya at kumindat sakin. Kitang-kita na masaya nga siya ngayon.

"Ikaw naman, kamusta si Kyle? Mataray pa rin ba?"

"Hay naku sinabi mo pa. Sobrang taray."

"Hayaan mo na. Anyway, I've heard na ngayon pupunta yung Therapist ni Kyle."

"Oo,hinintay na lang namin. On the way na daw eh."

"Kilala mo ba kung sino yun?"

"Dr. Caspian Regidor."

Bigla naman siyang natawa.

"Hahahaha.."

"Bakit?"

"Wala, I bet di mo pa siya nakikita."

As if on cue ay tinawag kami nina Tita Rose dahil dumating na daw yung Therapist.

"Bakit ba natatawa ka?" tumatawa pa din kasi siya.

"Wala lang, natatawa lang ako kina Tim."

Pagkapasok namin sa sala ay may kausap na lalaki si Tita Rose.

"Girls, this is Kyle's therapist Dr. Regidor."

Lumapit kami.

"Kristina? Am I correct?"

"Yes, buti naalala mo pa."

"Oh magkakilala kayo?"

"Yes classmate ko po siya sa ibang subject nung 1st year college."

"Ah see. By the way, this is Mariyah. My son's girlfriend."

Napatingin naman siya sa kabuuan ko. Siguro ay lalaitin din nito ang kasuutan ko.

"Hi." sabi niya at ngumiti.

"A..ah hello." at kinuha ko ang kamay niya at nakipagkamay.

"Ma, alis muna kami." Paalam ni Tim.

"Sige, Kristina dalaw ka ulit dito ha."

"Yes Tita." nagbeso silang dalawa.

Lumapit naman saakin si Kristina.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon