Fifty

30 2 0
                                    

"Thank you Iyah! I really owe you my future!"

Para siyang baliw na kanina pa thank you ng thank you at di nga maitatanggi na ang gwapo nito lalo na kapag nakangiti.

"Ngayon lang to ha! Hindi to makakalabas kahit kanino! At isa pa, nililigawan mo ako ha hindi pa girlfriend. Yun ang sasabihin mo." Paalala ko sa kanya.

Nagkasundo kasi kaming huwag ng girlfriend ang sabihin niya sa parents niya kundi ay nililigawan lang ako.

"Yes Maam!"

Papunta na kami ngayon sa venue kung saan tatagpuin namin ang parents niya.

Nang makarating kami sa restau ay inalalayan niya ako sa pagbaba ng kotse. Aba very best actor. Haha.

"Actingan na ba to? Haha."

"Yeah. Let's do this."

Kumindat ito sakin. Wala lang naman ito sakin. Si Kyle lang talaga ngayon ang iniisip ko. Huwag niya lang sana ito malaman.

Nakahawak ako sa braso niya habang naglalakad kami papasok sa restau.

"Pretend lang naman to, pero ang kaba ko sobra." natawa siya sinabi ko. Dahilan din para pisilin niya ang kamay ko.

"Relax Iyah, I must be the one shaking right now."

Pagkalapit namin sa table ng parents niya. Nasa hitsura ng daddy niya ang pagiging strikto, samantala ang mommy niya ay napakabait tingnan. Nakangiti itong sinalubong kami.

"I miss you my son." niyakap niya agad si Chester pagkatapos ay hinarap ako.

"Hi Sweetie, you must be Mariyah?"
nagbeso-beso ito sa akin.

"Ah..hello po. Ako nga po si Mariyah."

"I'm so happy to meet you.I'm your Tita Mila. I've heard a lot of good things about you. Have a seat." Inakay niya ako at pinaupo. Tumikhim naman ang daddy ni Chester.

Nakakaintimidate kung tumingin ang daddy niya. Kung gaano ka warm ang pagturing sakin ni Tita ay kabaliktaran naman ito ng asawa nito.

Nakakainis si Chester di man lang ako naorient na suplado pala daddy niya.

"What are you waiting there? Sit down." Madiin at ma-otoridad na utos nito kay Chester.

Pamilya pala to ng mga englishero.  Hay naku!

"So tell me when did you two meet?"

"Honey, you're so serious again. Let's enjoy our meal first before asking such things."

Pero walang kwentuhan na nangyari. Sobrang awkward ng atmosphere habang kumakain kami.

"Dad, what I meant was true. I and Mariyah are not dating.." pagsisimula ni Chester.

Siguro ay di niya na makaya ang katahimikan. Nakatingin lang ito sa kanya at parang naghihintay pa ng mas mahabang paliwanag.

"But I am seriously pursuing her."

Kinakalabit ni Chester ang kamay ko at alam kong humihingi siya ng tulong.

Ayoko nga, natatakot akong magsalita. Nakakatakot ang daddy niya kaya nanahimik lang ako.

"So, Ms. Santiago how do you define my son?"

Tiningnan ko si Chester.

"He's a good man sir.  He's very responsible, he can do amazing task within a day. I see him a very kind person. He's very willing to help someone. He have this attitude that I like most, he's very a happy person. I think being happy in simple things that's really him."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon