Fifty Two

23 2 0
                                    

Nagulat ako ng biglang may sumabunot saakin dahilan para magising ako..

"See? This is Mariyah! Still doesn't believe huh?!"

"Kuya Castie...aray masakit." kulang na lang ata masama pati ang anit ko sa pagkakasabunot niya. Nakatutok ang camera sa amin ni Kuya Castie at nakita ko sa cp ba kavideocall niya si Tim.

"F*ck it Castie! Stop what you're doing to Mariyah."

"Hahahahahaha.. This is just the beginning Timothy! Expect the worst kapag hindi niyo ginawa ang sinabi ko. I will give you 5 hours to prepare. Be sure na walang pulis kung ayaw niyong mamatay si Mariyah dito!"

"How could you do that to your cousin for Christ sake Castie!"

Naiyak ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Dahil mas lalo akong sinabunutan ni Kuya Castie at sinakal niya ako.

"Oh these? Hahaha. Kating-kati na nga ang kamay ko na patayin siya eh. Malay mo pag napikon ako sa inyo patayin ko na siya kaagad. Hahaha."

Sa tono ng pagsasalita niya, parang ibang tao siya. Nakakatakot siya.

"F*ck. Give us an hour to withdraw the money that you need.".

"Make sure to get it as fast as you can or else... alam mo na. Hahahaha." saka niya pinatay ang tawag.

Pagkatapos noon ay sinampal sampal niya ako.

"See... money is everything Mariyah..Hahaha."

Nagtungo siya doon sa driver na tila busy sa kung ano man.

"Totoo nga boss.. nakakahigh nga to. Hoaah.."

Natakot ako lalo na ng sumasayaw na ito. One of the sign na nagdadrugs nga ang isang tao.

"Sabi ko naman sayo dadalhin ka niyan sa langit Hahaha.Don't worry I have a lots of that. Here, get it." at tulad nung driver ay sabay na silang sumisinghot.

Mas lalo akong kinakabahan, baka kung ano ang gawin nila sakin. Lalo pa't wala sila sa katinuan..

Nagdasal ako, dahil sa sitwasyon ko ngayon di ko alam kung ano pa ang mangyayari saakin. Hindi ko alam kung ito na din ang huling araw ko. Umiiyak nanaman ako, dahil dito natuon ang tingin nila sakin. Mali atang napaiyak ako. Ngumisi si Kuya Castie sakin.

"You want also Mariyah? Here...Dadalhin ka niyan sa ibang level ng langit. Hahaha.."

Gumalaw-galaw ako para makaiwas sa kanya hanggang sa matumba ang upuan ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Di ko akalain na mararanasan ko to.

Akala ko ay itatayo niya ako pero hindi. Inalis niya ang ducktape.

"Singhutin mo to." Malumanay niyang sabi.

"Kuya please..... pakawalan mo na ako..." pagmamakaawa ko sa kanya habang hinahabol ko ang hininga ko dahil hirap na hirap na ako sa pag-iyak.

"Singhutin mo!!!!" Napapikit ako sa lakas ng boses niya..

"A...ayoko.. Kuya please. Ibibigay ko ang pera na kailangan mo pakawalan mo na ako...Aaraaaaaay...." Hindi ko inasahan ang ginawa sakin ni Kuya Castie.

Bigla niya akong sinuntok sa tiyan.Hinang-hina na talaga ako. Naririnig kong tumatawa yung driver.

"Patayin mo na yan boss!"

Tinayo ulit ni Kuya ang upuan ko at naglakad papalayo sa amin.

"Easy boy! Mamaya ko na yan papatayin pag nakuha ko na ang pera. Bahala ka muna dyan."

Mas gusto ko pa atang nandito si Kuya Castie kaysa maiwan akong mag-isa kaysa kasama ang lalaking ito.

"Yes boss.." sigaw niya sa papalayong pinsan ko.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon