Eighteen.

30 6 7
                                        

"Ano ba anak? Kahapon kapa tawag ng tawag. Buti sana kung ako ang kinakamusta mo? Malapit na akong magtampo sayo."

Napatingin kaming dalawa ni Tim kay Tita Rose na parang bata na nagrereklamo. Ang cute niya. Hahaha.

Si Kyle ulit ang tumatawag. Kahapon pa kasi siya tumatawag.

Pinatay na ni Tita Rose ang tawag. Hindi pumasok si Tim sa trabaho kasama namin siya ni Tita sa pag-aayos ng mga halaman niya.

Nagring ulit ang cellphone niya wala pa mang minuto nang ibaba ito ni Tita. Agad naman itong sinagot ni Tita.

"Anak kung gusto mong kamustahin si Iyah tawagan mo mismo siya. Huwag ako ang iniistorbo mo. Kapag garden time, garden time. Walang anak-anak!" saka niya ulit binaba ang tawag.

Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Ako kinakamusta ni Kyle? Bakit kailangan kay Tita pa siya tumawag pwede naman sa akin.

"Ito talagang kapatid mo Timmy masyadong kulang sa pansin. Ang kulit-kulit. Puslit ng puslit sa trabaho."

"Hahahaha. Para namang di ka pa sanay sa kalokohan ni Kyle. You said that he keep on mentioning Iyah, bakit daw?"

"Ewan ko dun sa kapatid mong baliw. May gusto ata kay Iyah. Naku Iyah, huwag kang magpapaloko sa anak kong yun ha. Magaling na artista yun."
Sabi ni tita habang nililipat ang ibang halaman sa mga bagong paso.

"Opo."

"Baka naman seryoso Ma. Ngayon ko lang nakita si Kyle na ganyan eh."

Bakit ba yan ang pinag-uusapan nila. Nandito kaya ako, nakakailang.

"You know your brother Timmy, maloko pagdating sa babae. Ayokong umiyak si Iyah balang araw."

"Ahm, Tita.. huwag kayong mag-alala sakin. Hinding-hindi po ako magkakagusto kay Kyle."

"Yun naman pala Ma eh.By the way Iyah, bukas isasama kita sa company."

Nagulat ako, hindi pa ako handa.

"Don't worry I'm not gonna introduce you to them. Not yet." dagdag niya.

"Hay buti naman. Kinabahan ako doon."

Muling tumunog ang cellphone ni Tita Rose.

"Ikaw na nga kumausap dito Iyah." inabot niya sakin ang cellphone niya.

"Bakit po ako?" tanong ko pero kusang inaabot ng kamay ko ang cellphone.

"Ikaw lang naman ang gusto niyang matanong kung kamusta. Hay naku mga halamang kong magaganda, mukhang may namumuong pag-ibig. Hahahahah."

Tumawa si Tita Rose, si Tim naman ay umalis muna para kumuha ng meryenda.

"Hello." sabi ko sa kabilang linya.

"Wala namang nagsasalita. End call ko na po Tita..

Wait..." bigla siyang sumigaw sa kabilang linya.

"Why are you ending the call?!"

Nilayo ko nang unti ang cellphone sa tenga ko.  Natawa din si Tita Rose sa akin..

"Bakit kaba naninigaw?"

"Because I want to."

"Eh gusto ko din patayin ang tawag!"

"I swear to God, when you end this call I'll be there. Tatakas ako sa taping."

Napakunot ako ng noo.

"Ako pa dinahilan mo. Pukpokin kita dyan eh.!"

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Hahaha, baliw. Sige nga, try mo ko pukpokin through phone. Baka sakaling magteleport. You're so funny Manang."

"Hindi nga ako Manang!"

"Iyah are you okay?" tanong ni Tita. Napasigaw kasi ako .

"Okay lang ho ako. Ito po kasing si Kyle, manang ng manang sakin."
Kinuha sakin ni Tita ang cellphone niya.

"Anak, kung aasarin mo lang si Iyah huwag ka nang tumawag ah."
saka niya binaba ang cellphone niya.

Buti nga sa kanya. Hahaha

Saktong dating naman ni Tim na may dalang meryenda.

"Ma, dad is calling. Di ka daw macontact. He's waiting for you."

"Oh ang aking mahal na asawa, namimiss nanaman ako."

" Ang cute talaga ni Tita Rose para siyang bata." sabi ko habang pinapanuod si Tita na parang batang kinikilig papasok sa bahay.

"Ganyan talaga yan si Mama, akala mo teenager kung kiligin. C'mon let's have some snacks."

"Have you read the books I gave you?"

"Oo pero di ko pa matapos-tapos, pero ang ganda ng kwento. Salamat ha. Ito oh, tinapay." Inabot ko sa kanya yung pinalamanan kong tinapay.
Namula siya ng unti pero tinanggap niya naman ito. Sinalinan niya din ako ng juice.

"Ang sarap naman ng palaman na to, sino gumawa?"

Naaliw ako kumain ng tinapay. Natawa siyang bahagya dahil doon.

"You have stains." sabi niya at tinuro ang mukha ko. Ako naman pinahid kung saan-saan.

"No no no. Let me do it."
Lumapit siya at pinunasan ang gilid ng labi ko. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Sobrang lapit na din ng mukha niya.

Akala ko pagkatapos niyang alisin yung dumi sa may bibig ko ay babalik na siya sa ayos na upo, pero tumitig ito sa mga mata ko.

"Bakit?" Medyo kinakabahan kong tanong.

"I didn't know you have beautiful brown eyes."

"Ahh..  di mo naman kasi tinitingnan mata ko."

Bigla siyang may inalis sa mata ko.

"May muta." sabi niya at umayos ng upo.

Napahampas ako sa balikat niya

"Ano ba yan, nakakahiya!" sabi ko habang tinatakpan ko mukha ko sa kahihiyan. Siya naman ay tawa ng tawa.

"Hahaha. It's okay Iyah, it's normal. Actually there is still on the other eye." Lumapit ulit siya at inalis ito bago ko pa man magawa ito.

"Yan, wala na." sabi niya ng nakangiti.

"Dapat ako na ang umalis noon. Nakakahiya sayo." sabi ko.

Pinat niya ang ulo ko at tumatawa.

"Ang cute mo." dagdag niya at pinisil ang pisngi ko.

"What's the meaning of this!"

Pareho kaming napatingin sa pamilyar na boses.

Si Kyle!

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon