"Iyah, wala ka bang pantalon na fitted or magandang skirt dyan?"
Hinalungkat ko ulit ang mga gamit ko. Gulong-gulo na ang mga damitan ko sa kama ko.
"Ah ito!" Kinuha ko ang palda na itinahi pa ng lola ko. Ito ang pinakamagandang palda ko. Napasimangot si Rita ng ipinakita ko sa kanya yung palda.
"Iyah naman eh, mukha ka namang sinaunang babae sa paldang yan. Wala ka bang pang Millenial dyan?"
"Grabe ka naman!"
"Eh kasi naman, nakakailang palit kana. Ayaw ng maldita mong tutor yung lahat ng dinadamit mo."
"Anong gagawin ko?"
Natatakot na din akong humarap sa matandang babae na tutor ko. Simula ng ipakilala ako sa kanya ni Tita Rose, nakasimangot na siya sa akin. At kung makatingin siya parang hinuhusgahan niya pananamit ko. Panglimang palit ko na din ito, at halos wala na akong maipapakitang disenteng damit sa kanya. Kaya wala akong ibang choice kundi magpakita na ganito pa rin ang suot.
Huminga ako ng malalim.
"Kaya mo yan Iyah! Para sa future. Fighting!"
"Salamat Rita."
Para akong nangangatog na naglakad papunta sa study room.
Pagkapasok na pagkapasok ko, tiningnan niya nanaman akong masama.
"Huwag mong mamasamain ang sasabihan ko Hija ha. Sino ba ang mas matanda sa ating dalawa? Bakit parang ikaw pa tong matanda manamit. Goodness! We are in 21st Century hija! Wala na tayo sa panahon ni Rizal. Di na uso ang ganyang pananamit ngayon. Paano ka haharap sa mga kalaban ng pamilya mo kung ganyan ka manamit? They might laugh at you. Baka sabihin nila, katulong ang tagapagmana ng Santiago."
Napayuko ako sa sinabi niya. Ang higpit din ng hawak ko sa saya ko. Pinipigilan kong umiyak pero di ko kaya.
"So you're just gonna cry?! Ay kung iiyak ka lang din naman, bumalik kana lang kung saan ka galing na bundok. Bumalik kana lang sa pagtatanin o pangingisda."
*Blaaaaaaag*
Nagulat kaming dalawa ng biglang bumukas ang pintuan.
"GET OUT!" Malakas na sabi ni Caleb.
"Sorry." sabi ko at humakbang para lumabas na pero hinatak niya ako papalapit sa kanya.
"Noy you! Tss..
you OLD WOMAN, my brother hired you because you are the best traineer. But I think they are wrong about you. You are the worst person I've ever met. My brother paid you to teach her the things she need to know about business not to humiliate her. Now, while I still have patience to you, please do me a favor. Go out and never come back!"
galit pero nagpipigil na sabi ni Caleb sa tutor ko. Galit din itong lumabas ng kwarto.
"Salamat."Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Don't thank me! I didn't do it to save you from her. No one is allowed to insult you aside from me. Ako lang dapat ang manglait sayo."
Parang tumaas nanaman ulit ang init ng ulo ko sa kanya. Akala ko pa naman nagpakabait na siya.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Yaak Virus!" sabi niya.
"Kapal mo ha! Ikaw tong humawak sakin." di ko na napigilan na sagutin siya. Nakakainis siya, ang arte-arte.
"Rita!!! Alcohol! Nakahawak ako ng virus!" Sigaw niya, agad naman na pumasok si Rita na may dalang alcohol.
"Hay salamat, I need to wash my hands
Baka may tira pang virus." sabi niya at iniwan kami ni Rita.Feeling ko sasabog na ako sa galit.
"Aghh! Nakakainis talaga siya!"
"HAHAHAHAHAHAHA.. Virus ka pala friend."
Sumimangot ako kay Rita, pati ba naman siya.
"Hahaha.. joke lang .. Natawa lang ako kay Sir Caleb. Tama pala si Manang Loreng makulit talaga siya. Pero nakapagtataka, bakit kaya dito na siya lumalagi sa bahay."
"Ano pa ba, edi para inisin niya ako. Di ko nga alam kung saan hinugot yung galit niya sakin."
"Halaaaa... Baka gusto ka ni Sir Caleb."
"Ako magugustuhan nun!? Yan naman ang imposible. Kita mo naman araw-araw kung paano niya ako asarin. Tinatawag pa akong Manang, nakuuuuuu nakakaasar talaga!"
Nagring ang cellphone na binigay sakin ni Timothy. Ginagamay ko parin kung paano gumamit nito. Ngayon lang naman kasi ako nagkaroon ng ganito.
Si Timothy at Rita lang ang nakakaalam ng numero ko.
"Sagutin mo na."
"Ayoko, tatanungin niya lang ako kung kamusta ang pagtuturo sakin. Baka mag-alala lang siya."
"Baliw! Mas dapat niya nga malaman eh. Ako na nga kakausap." Bigla niyang kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag ni Timothy. Lumayo ito sakin tumalikod. Sinusumbong niya ang nangyari. Ito talagang si Rita, pinapaalala pa si Timothy.
Habang kinakausap ni Rita si Timothy. Bigla akong hinatak ni Caleb papalabas.
"Ssssshhh.." pabulong niyang saway.
Tumakbo kami pababa, hanggang palabas ng bahay.
"Ano ba, hahawak-hawak ka sakin tapos mamaya sasabihin mo sakin na Virus ako."
"Don't worry nagpabakuna ako."
"Bakit mo ako hinahatak?"
"Kasi gusto ko lang, ang saya kaya tumakbo sa buong bahay. Hahahaha"
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya.
"Bakit ba pinagtitripan mo ako? Ano bang nagawa ko sayong kasalanan?"
Tumigil siya sa pagtakbo at humarap sakin.
"Hmm.. let me think, ay wag na lang pala. Ikaw na lang magfigure out kung bakit ako galit sayo."
Hahawakan niya nanaman sana ako pero umatras ako.
"Tumakbo ka mag-isa."
"Ayaw mo niyan, ma-eexercise ka. Para naman mabawasan yang bilbil mo."
Tinakpan ko tiyan ko.
"Bastos ka! Ang luwag luwag ng damit ko, nakikita mo pa bilbil ko. Bastos ka!"
"Hahahaha. Hoy Manang, hindi ka kabastos-bastos. Baboy ka. hahaha"
Baboy pala ha!.
Kinuha ko ang saplot kong tsinelas at tumakbo papalapit sa kanya.
"Takbo baboy! Takbo baboy!" Sigaw niya ng pakanta habang tumatakbo.
"Humanda ka talaga pag naabutan kita!"
"Haay naku, naglaro ang mga 22 gulang na mga bata!"
Dumating si Tita Rose at naabutan kaming nagtatakbuhan. Lumapit si Caleb kay Tita Rose at humalik sa pisngi nito.
"Ma oh, hinahabol ako ni Baboy.
Peppa Pig...Oink oink...Hahaha." Kumanta siya na parang baboy. Ako naman alam kong di na maipinta ang mukha ko.
"Araaaaay! Ma naman!"
Hahahaha.Natawa ako nang si Tita Rose na mismo ang naghampas kay Caleb.
"Sige na Iyah, umakyat kana muna sa kwarto mo."
Bago ako tumalikod ay binelatan ko si Caleb. Pero ikinagulat ko ng natawa siya sa akin.
"Crazy Woman."

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Chick-LitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...