"Sorry Ma'am. Hindi ko po ginusto to."
Nakaluhod pa din siya at umiiyak.
"Patawarin niyo na ho ang anak ko. Gipit lang kami kaya nagawa niyang pumayag sa mga kagustuhan ng Tatay niya."
Umiiyak na din ang mama niya. Nanlambot ako ng makita ko ang mama niya na umiiyak kaya hinawakan ko si Canary at pinatayo.
"Sabihin mo sakin bakit mo to ginawa?"
Malumanay kong sabi.
"Wala akong choice Ma'am. Ayaw ko man na lumapit sa kanya at humingi ng tulong, wala akong magawa kasi mahirap lang kami. Hindi namin kaya ang gastusin sa pagpapagamot kay Mama. Ayaw ni Mama na humingi ng tulong sa kanya dahil masama siyang tao. Pero wala na po akong makapitan. Siya ang dahilan kung bakit ako nag-apply sa kompanya ninyo bilang sekretarya. Alam ko pong darating ang araw malalaman niyo na ako ang naging spy ninyo. Handa po akong tanggapin ang lahat ng parusa Ma'am dahil alam kong mali ang ginawa ko. Nakokonsensya ako na tuwing may sasabihin ako sa kanya tungkol sa inyo dahil alam kong mabait ka. May mga araw na nagsisinungaling ako sa kanya para lang maiwas kita sa kapahamakan kahit man lang doon ay mabawasan ang kasalanan ko . Patawarin niyo ako Ma'am."
Niyakap ko siya.
"Naiintindihan kita." bigla siyang napaalis sa yakap at tiningnan ako.
"Bilib ako sa pagmamahal mo sa Mama mo. Matagal kana naming pina-imbestigahan pero gusto ko manggaling mismo sayo ang rason kung bakit mo to ginagawa at di ako nagkamali na mabuti kang tao."
Napaluhod siya lalo at umiyak.
Lumapit naman ako sa nanay niya na umiiyak na din. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Patawarin mo ang anak ko." Napaiyak na din ako at niyakap ko siya.
"Maswerte po kayo at magkasama pa kayo. Ako na po ang bahala sa mga gastusin niyo dito. Huwag niyo na pong iisipi ang mga gastusin dito."
"Salamat, salamat.!"
Lumapit ako kay Canary.
"Pinapatawad na kita."
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo pero sobrang salamat."
"Meron kang magagawa para makabawi sa kin."
"Ano yun Ma'am?"
"Gawin mo ang sa tingin mo kung anuman ang tama."
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako.
Ang sarap sa dibdib na masabi ko yun sa kanya.Umaasa ako sa mga susunod na araw ay magandang balita na ang malalaman ko.
Bumalik agad ako sa hospital kung saan nandoon si Kyle. Pero pagkadating doon ay dumiretso ako sa chapel ng hospital. Simula ng madala dito si Kyle ay kinasanayan ko na rin ang pumunta dito para manalangin.
Nanalangin muna ako saka nagnilay-nilay. Maya-maya ay nagring ang phone ko kaya sinagot ko kaagad ito ng makitang si Tita Rose ito.
"Anak, pumunta kana ngayon dito sa room ni Kyle. Nagising na siya!"
Masayang sabi ni Tita.
"Salamat Panginoon!"
Sobrang saya ng nararamdaman ko. Sa wakas ay nagising na siya. Ang lakas ng pintig ng puso ko habang papalapit ng papalapit sa room niya.
"Kyle!" Sigaw ko pagkapasok ko kaya lahat sila ay nakatingin sa akin kahit si Kyle. Pero blangko lang ang tingin nito sa akin.
Chineck agad ng mga doctor ang BP niya. Lumapit saakin si Tita at niyakap ako. Tahimik lang si Kyle habang tinitingnan ang mga ginagawa ng doctor at nurses sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
Literatura FemininaNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...
