"Stand straight Iyah, yan very good. Marunong ka naman pala maglakad with poise using stilletos. Sumasali ka ba sa pageant before?"
Ang sakit na nang paa ko, ang taas naman kasi ng sandal na pinapasuot sa akin. Ilang araw na kaming nag-aaral ng tamang paglalakad, pati tungkol sa mga assets and liabilities. Dumudugo na nga ang utak ko. Di ko din akalain na may mabigat akong responsibilidad bilang isang Santiago.
"Opo, pero isang beses lang. Ayaw kasi nina lolo."
"Ay naku, yan talaga si Tito napaka-strikto. Kahit kay mommy mo noon, strikto na talaga siya. Marami ka bang manliligaw?"
"Bawal daw, madami naman pong sumubok pero natakot ata kay lolo. Haha."
"Snack time!!"
Dumating si Tita Rose na may dalang merienda. Hay salamat, makaka-upo na ako."Iyah, based from your files you are outstanding student since elementary up to College. Alam ko naman na hindi mo na kailangan pang itrained in terms of speaking. You can handle it by yourself. What I want is, I want youn to be comfident of talking with other people. Kailangan kaya mong dalhin ang apelyido mo. Santiago's are not easy to compete with. Kung ipapakita mo sa kanila yang softside mo, they might used you and bring you down."
Sabi ni Tita Donna. Hindi ko naman talaga kasi gustong maging tagapagmana. Haist.
"Sa kanila na lang po kaya yung kompanya."
"Iyah, that is not the mindset of a heiress. Isipin mo, your mom and dad sacrifice their lives to you. Your Tita Rose and Tito Arman are protecting you since then. Your lolo and lola also took care of you and protected you also from your dad's family.If you're just gonna give them the company that easily, you're like throwing all the efforts of the people who protected you."
Napaiyak ako sa sinabi niya. Masyado itong malalim at masakit sa puso.
"Sorry po. Pag-iigihan ko po ang pag-aaral para sa ikabubuti ng kompanya."
"Now that's our Mariyah!"
--------------------------------------------------------------"Nasaan na ba si Timmy? Kanina pa si Mariyah naghihintay dito."
Katawagan ni Tita Rose si Tito Arman, schedule ko kasi ngayon sa Taekwando class. Medyo kinakabahan nga ako, kaya okay lang saakin kahit late dumating si Tim.
"Naku paano ngayon yan?
Sige I'll just wait you both here. Ingat kayo ha. I love you."
Ang sweet talaga nilang mag-asawa.
"We have a problem Iyah, yung hinired ni Timmy na personal trainer mo ay nagkafracture kaya kailangan natin na maghanap ng kapalit niya."
"Kailangan ho ba talagang mag-aral ako ng taekwando?"
"Yes, for your own good Iyah."
"Maam Rose, may tawag po kayo. Si Sir Kyle po."
Napatingin din akong bigla kay Rita nan g sabihin niyang si Kyle ang tumawag.
Ang tagal niya na kasing di nagpaparamdam. Last niyang tawag nung kay Tiger pa."Wait lang Iyah, I'll just answer the call. Minsan lang yun tumawag, bakit kaya?"
Iniwan kami ni Tita Rose.
"Uy bruha, namimiss mo?"
"Ha? Sino?"
"Asuuuuus kunwari kapa. Kurutin ko eyeballs mo dyan, makita mo."
"Hahaha, sino nga kasi?"
Tumabi siya sakin at hinampas akong bigla ng throw pillow.
"Keme mo Mariyah! Si Sir Kyle, sino pa ba!"
"Ah, hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit ilang araw nang hindi nagpaparamdam. Nakakapanibago."
"So namiss mo nga. Kaw naman, feeling girlfriend lang teh? Natural busy sa trabaho. Tsaka huwag kang mag-alala napapalibutan yun nang magagandang artista, baka nakalimutan kana. Hahahahahaha."
Kung makatawa naman tong si Rita, akala mo naman nakakatawa sinabi niya. Kulang na lang sumayaw pati ngala-ngala niya.
"ehem.. Ang korni mo, nakabusangot ka dyan. Ang halata mo girl. Joke lang yun noh, so far wala pa naman akong alam na pinakilalang girlfriend si Sir Kyle kina Maam Rose kaya relax ka lang ha?"
"Nalulungkot lang siguro ako."
"At bakit ka naman nalulungkot? Kasi nasanay kang laging nandyan si Sir Kyle na pinapangiti ka kahit asar na asar kana?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga noh? Kahit naaasar ako sa pagmumukha niya, pinapatawa niya parin ako palagi.
"Siguro."
"Ay paktay na!"
Napahiga siya sa sofa.
"Are you okay Rita?" biglang dumating si Tita Rose kaya napaayos siya ng tayo. Natawa akong bigla, hahaha.
"Okay lang po. Nag-aacting-acting lang ho baka sakaling makuhang extra. Haha"
"Malay mo Rita makuha ka nga, maganda ka naman."
"Ay talaga Maam? Pwede ko ho bang maging leading man si Sir Kyle kapag nangyari iyon?"
"Pwedeng pwede, yun ay kung okay lang kay Margaux. Haha."
Natahimik ako. Sino si Margaux?
"Mas maganda naman doon Maam si Iyah, natural na ganda pa. Si Margaux maldita daw ho iyon eh."
"Ay talaga namang higit na maganda itong si Iyah, di ko ipapatalo si Iyah."
Napangiti ako kay Tita Rose.
"Kung sakali ho bang manligaw yung dalawang binata niyong anak kay Iyah, sino ho ba ang gusto niyong makatuluyan ni Iyah?"
Nanlaki ang mata ko sa tinanong ni Rita. Natawa ding bigla si Tita Rose.
"Ano ba yan Rita! Kung anu-anong tinatanong mo!"
"Katuwaan lang naman diba Maam Rose?"
"Hahaha. Sounds interesting actually. Mahirap iyon na maging magkaribal ang magkapatid. Pero since biro-biruan lang naman na tanong, syempre mas gugustuhin ko nang si Timmy makatuluyan ni Iyah. Ito kasing si Kyle Caleb puro kalokohan ang alam, baka lokohin lang si Iyah."
Di ko alam kung bakit parang nalungkot ako sa sinagot ni Tita Rose. Totoo namang mas mabait, mas responsable si Tim pero ibang-iba si Kyle sa kanya. Mas komportable akong makipag-usap kay Kyle kaysa kay Tim.
Hay naku ba't ko ba iniisip yun! Para naman akong umaasa na isa sa kanila ang makakatuluyan ko.
"Hoy Iyah, may tinatanong sayo si Maam Rose. Tulala ka diyan."
"Ah sorry. Ano ho ulit yun?"
Ngumiti siya at binigyana ako ng makahulugang tingin.
"Sabi ko, kung ikaw papipiliin sino mas gugustuhin mo sa dalawa kong anak? Si Timmy o si Caleb?"
"Ahh....."
Napaisip ako, bakit puro pagmumukha ni Kyle ang naiisip ko.
Hindi ba pwedeng mukha ni Timmy makita ko?
"Hindi mo naman po pwedeng piliin kung sino mamahalin mo diba? Kapag naramdaman mong mahal mo na, di mo naman pwedeng palitan kung sino ito. Mabait man o hindi, kusang titibok ang puso mo at hindi ka na makakareklamo. Only God knows who are destined to you."
Ito na lamang ang naisagot ko. Mas safe siguro kung ganoon nga ang isagot kaysa pumili kung sino sa kanilang dalawa.
"Ang seryoso niya Maam Rose oh, joke joke lang naman tanong natin. Hahahaha"
Nag-aappearan silang dalawa. Napangiti na lang ako. Sana lang talaga huwag dumating sa punto na mangyari iyon.

BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...