Twenty-One

44 7 8
                                    

"Uy Iyah, ito na oh. Manood kana dali."

Inagaw ni Rita ang aklat na binabasa ko at pinatay ang lampshade sa sidetable ko.

"Ano ba yan Rita, ang ganda na ng part na binabasa ko. Haist."

"Akala ko ba manonood ka nang teleserye ni Sir Kyle. Ending na kaya."

"Oo na, oo na. Manonood na po."

Saktong pagtingin ko sa TV ang eksena ay maghahalikan sila nang babae.

Inoff ko agad yung tv.

"Iyaaaaaah!!!!!!"

Napasigaw si Rita, hala siya. Nagalit? Inagaw niya sa akin ang remote at in-on ulit ang TV.

"Ayun na eh, magkikiss na sila. Panira ka.. Ayyyyyy ano ba yan!! Bakit nakabulagta si Maegan! Ikaw kasi Iyah, di ko tuloy alam sunod na nangyayari."

Sinisi niya pa ako. Yung Maegan ay ang pangalan sa teleserye nung Margaux.
Maya-maya ay umiiyak na si Rita.

"Okay ka lang Rita?"

Tinuro niya ang TV. Gusto ko na siyang batukan, ang OA palabas lang yun.

"Huwag Rico!! HUHUHUHU!" Mas lalo siyang humagulgol nang binaril ni Rico pangalan nang ginagampanan ni Kyle ang kanyang sarili.

"Ano ba yan!! Ang pangit ng ending. Patayin mo na nga! Makapagpost nga sa Fb. Pangit, pangit ng ending.!"

Napaismid na lang ako. Siguro nga ay magaling talagang artista sina Kyle at Margaux na yun dahil pati ang mga nanonood ay nadadala sa mga emosyon na nais nilang ipahatid sa manonood.

"Kita mo yan Iyah? Hindi lang ako ang nagrereklamo sa ending. Ang dami namin oh."

"Alam mo Rita, nangangahulugan lang yan na magaling ang gumawa ng kwento dahil nakuha niya ang atensyon ng madla. Hindi dahil pangit ang ending ay ikinapangit na ito ng kwento. Minsan kailangan lang ibase sa realidad ang pagtatapos ng isang kwento. Hindi sa lahat ng kwento ay may happy ending, minsan sorrow comes in disguise. Malay mo may part 2 yun kaya ganoon yung ending."

Biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Tama ka! Ulitin mo nga yung sinabi mo. Yun na lang ang ipopost ko. Dali! Baka magviral ito at maraming magshare, naku instant famous ako niyan."

"Ewan ko sayo. Sige na matulog kana, may paiyak-iyak kapang nalalaman."

"Ewan ko din sayo, selos ka lang dyan eh."

"Bakit naman ako magseselos?"

"Syempre, si Sir Kyle yun eh. Ayaw mong makikitang may ikikiss siyang iba kahit pa palabas lang yun."

"Hindi noh. Gumagawa to ng issue."

"He, lokohin mo na lahat, wag ako Iyah! Huwag ako. Hahahaha."

"Baliw ka. Nga pala, huwag kang mawawala sa kaarawan ko ah. Baka ma-out of place ako doon."

"Hindi no. Baka nga ako pa ang ma-out-of-place kasi balita ko bigatin ang mga invited sa birthday mo."

"Hindi ko naman sila kilala lahat."

"Gustuhin ko man Iyah, hindi ako pwede. Finals ko yan. Hindi pwedeng mag-absent."

Napabusangot ako, alam ko kasing mga mayayaman ang pupunta sa kaarawan ko.

"Okay lang."

Lumabas na siya nang kwarto. Ako naman ay lumabas muna sa may terrace ko para tingnan si Tiger.

"Hello Tiger. Tumataba ka ah." sabi ko sa ibon pero binibigyan ko pa rin ito ng makakain.

"Tama yan, magpataba ka lang para pag nakita ka ni Kyle matutuwa siya sayo."

"Mas matutuwa ako kung makikita kitang payat na."

Bigla akong natigilan sa ginagawa ko at tumingin sa kinaroroonan ng boses.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Bawal bang tumambay sa terrace ng kwarto ko?"

"Wala kang trabaho?"

"Parang ayaw mo naman ata akong pagpahingahin."

Nasa kabilang terrace si Kyle. Oo umuwi siya. At mukhang stress na stress ito sa trabaho.

"Okay ka lang?"

"Himala tinatanong mo kung okay lang ako. Haha."

"Bakit masama ba?Hmmp."

"Uyy nagpa-pouty lip nanaman siya. Hahaha. Hindi sayo bagay."

"Pang-asar ka din no? Makapasok na nga."

"W...wait! Huwag ka munang pumasok."

"At bakit?"

"Pagod na pagod ako sa trabaho. Can you please humor me?"

"Anong gagawin ko dito magtambling?"

"Haha. Pwede din. Simula dyan hanggang dito tambling ka nga."

"Baliw!"

"Hahaha..Are you done reading the novel I gave?"

"Hindi pa."

Umupo ako sa may terrace.

"Huwag kang uupo dyan!"

Nagulat ako ng sumigaw siya, eh nakaupo na ako.

"Bakit?"

"You might fall! Goodness! Are you crazy!"

"Balit galit ka nanaman! Ikaw nga nakaupo din eh!"

"I can handle myself!"

"Kaya ko din naman sarili ko."

"Pwede ba stop arguing. Just follow what I've said."

"OKAY OKAY! Relax!"

"You're giving me heart attack young lady!!"

"Ewan ko sayo. Matulog kana, halatang pagod ka. Tulog lang kailangan mo."

"And you."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ano?"

"What I mean is what about you what do you need?"

Ah yun naman pala, akala ko ako din ang kailangan niya. Ay assuming ako dun ah.

"Wala lang. Gusto ko lang simpleng buhay."

"Why do you want simple life?"

"Kasi wala masyadong pressure sa buhay. Wala masyadong problema."

"So hindi ka masaya sa buhay mo ngayon."

Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Eh ikaw masaya ka ba sa buhay mo?"
tanong ko din sa kanya.

"Oo. I have so many fans, sinong hindi sasaya nun?"

"Yabang mo."

"Hahaha. Joke lang. Of course I'm happy."

"Maganda yan. Maging masaya ka lang, kasi bibihira ang mga taong totoong masaya."

"Para ka talagang Manang. Ang tatalinghaga nang mga sinasabi mo. Hahaha"

Inirapan ko siya.

"Matutulog na ako. Bahala ka diyan."

Bago paman ako makapasok ay tinawag niya ako.

"Thank you."

"Para saan?"

Hindi niya na ako sinagot at pumasok na lang bigla sa kwarto niya.

"Pinapaisip mo talaga akong mabuti Kyle!"

Para saan naman kasi yung Thank you niya?

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon