Agad na ginawa ni Tim kinabukasan ang sinabi ni Mariyah. Sinabihan niya na din si Canary na mag day-off muna habang wala pa si Mariyah sa office.
Ayaw sana ng dalaga ngunit wala siyang magawa.
Kasalukuyang kausap ni Tim at Mariyah ang private investigator nila. Nasa bahay sila ngayon ni Mariyah.
"Yan po ang mga larawan na nagpapatunay na may kaugnayan siya sa Tito mo."
Hindi makapaniwala si Mariyah sa mga nakikita niyang larawan. Napapaisip sila kung bakit nito tinutulungan ang Tito niya na nakalabas pa lang sa kulungan. Ang pagkakaalam nito ay wala itong pamilya.
"Ito po ang kanyang bahay at ang kanyang nanay. Ayon sa aming pag-iimbestiga, anak sa labas ng iyong Tito si Canary. Dahil din sa ipinakita mong kuha sa cctv,nagpapakita lang ito na apprentice siya ng kanyang tatay at malamang ang Tito mo din ang nagmamatyag sa buhay mo. But we don't have enough evidences to file a case, so the least that we can do for now is to act normal. As if wala kayong alam. Be aware always Maam Santiago."
Tumango agad ang dalaga.
"Thank you for your hardwork. Notify us if you gather new information."
sabi ni Tim sa investigator nila.Pagkaalis ng investigator ay nagplano agad si Tim at Mariyah.
"Kung komprontahin ko kaya siya?"
"No Iyah, kunin mo muna ang loob niya. I really believe that she's a good person..Kailangan muna natin malaman ang pakay niya, before we make move."
Tumango si Mariyah sa sinabi ng binata.
"Salamat Tim sa lahat ng tulong mo."
"You know how much you mean to me, to our family Iyah. And family means nobody's left behind. Right?"
Kusa siyang lumapit at niyakap si Tim. Ikinagulat naman ito ni Tim pero sinuklian niya ito ng yakap.
Alam niyang sila ng kapatid nito, pero di niya talaga maiwasang hindi humanga sa dalaga dahil sa kabutihang loob nito.
"Buti na lang nandiyan kayo palagi ng pamilya niyo para sa akin. Ikaw na lang bahala magpaliwanag kina Tita."
Di namalayan ng dalawa na bumukas ang pintuan.
"What's the meaning of this?!"
Nagulat si Iyah ng makita niya si Kyle sa bahay niya, napaalis siya ng yakap kay Tim. Di niya inaasahan na malalaman nito kung saan siya nakatira.
"Whatever you're thinking is, it's not what it is."
"Then why the hell are you hugging each other!" Hinatak ni Kyle si Iyah papalayo kay Tim.
"Kyle ano ka ba. Nagpapasalamat lang ako kay Timmy sa lahat ng tulong niya. Yun lang yun, walang malisya! Huwag kang mag-eskandalo!"
"Tang*n* naman! Ako nanaman ang mali! I'm your boyfriend Mariyah! Why are you keeping secrets from me?Sa tingin mo ba di kita matutulungan?! Ganun na lang ba kababa ang tingin mo sakin?!"
"It's not what you think Kyle. Just trust Mariyah,she knows what she's doing."
"You shut up! Just give us the time to talk. Just the two of us."
Walang nagawa si Tim nang makitang galit alam nito ang kayang gawin kapag galit.
Humingi ng tawad si Mariyah kay Tim bago ito lumabas ng kanyang bahay.
"Ano yun Kyle ha? Kabastusan naman ata ang ginawa mo sa kapatid mo?"
Naiiritang sabi ni Mariyah sa kanyang nobyo.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...