"Done. You're so beautiful Ms. Santiago."
Inikot ang upuan ko ng make-up artist paharap sa salamin.
"Hala ang ganda ko. Ako ba to?"
"I told you Ms. Santiago, I can make you more beautiful. Oh siya, tayo na diyan. We're running out of time, isuot na namin sayo gown mo." Nakangiti nitong sabi.
Hindi ako makapaniwala na ganito ang magiging hitsura ko pag naaayusan ng sobra. Naayusan naman ako noon pero hindi ganito kaganda.
Nang nasuot ko na lahat ay tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin.
"Sayang wala sina Lola. Hindi nila makikita kung ano ako ngayon."
"I'm sure Ms. Santiago, they're watching over you."
"Salamat ha." sabi ko sa make-up artist. Ang bait-bait niya kasi.
"Mauna na kami sa baba Ms. Santiago. Hintayin kana lang po namin sa baba."
Tumango ako. Kinuha ko yung sapatos na iniregalo sakin.
"Sayang naman kung di kita magagamit." Isinuot ko ito.
Nanalangin muna ako bago ako tuluyang lumabas.
"Presenting Ms. Santiago!" sabi ng make-up artist. Nasa may hagdanan pa lang ako.
Nandoon sa hagdanan sina Manang pati sina Tita Rose. Sobrang handa niya at ang gwapo din ni Tito Arman.
"Is that really you my Iyah? You are so pretty!"
"I told you Mamang, she is so gorgeous."
"Thank you for making our Iyah beautiful."
"Oh di ba Sir.....Hala nasaan na yun?" Parang may hinahanap sila.
Lumabas na lang bigla ang isang lalaki.
Kyle? Si Kyle ba ito? May dala itong bulaklak at sobrang ganda din ng kasuotan niya. Nagpagupit siya, wala na din siyang balbas. Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit siya pinagkakaguluhan ng mga fans niya.Ibang-iba siya kapag maayos ang buhok. Mas maayos kaysa kay Timothy.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya hanggang makalapit siya sakin.
Inabot niya sakin ang bulaklak.
"Happy birthday." Nakangiti nitong sabi. Di pa rin matanggal ang tingin ko sa kanya.
Inilapit niya ang mukha niya sakin at bumulong...
"Huwag kang masyadong tumitig, baka mainlove ka." at ngumisi ito.
"Mamamiyaaaaah! Hindi mo naman sinabi Mamang may chemistry pala tong anak mo at si Ms. Santiago. Kinikilig ako. Hahahaha." Nagsitawanan sila, kaya umayos ako.
Ano bang nangyari sakin? Haist
"If Timothy broke his promise, me I won't. I got your back on your special event." Ngumiti ito at inilalayan ako pagbaba sa hagdanan.
"I forgot to tell, nagmukha kang tao ngayon in fairness."
Napanguso ako sa sinabi niya. May mas maayos naman na compliment di ba. Hay naku.
"Do not pout. Hindi ka pa rin cute magpout."
"Ihulog kaya kita sa hagdanan, makita mo."
Natawa siyang bigla sa sinabi ko. Pssh"Mahal, nakikita mo ba sila. Bagay pala ang anak natin kay Iyah." sabi ni Tita Rose. Lumapit sa akin si Tita Rose.
"Happy Birthday Iyah! We are so happy to have you in our family. Wish ko sana mapangasawa mo isa sa mga anak ko.Hahahaha." sabi ni Tita at nagbeso-beso sakin.
BINABASA MO ANG
Meeting Halfway (On Going)
ChickLitNa-U.T.I. kana ba? Yung Umibig Tapos Iniwan? Na-love at first sight kana ba? Eh yung nagmahal pero wrong timing? Yung tipong mahal mo na siya pero may mga hadlang. Nagsacrifice ka na rin ba para sa taong mahal mo? Well, congratulations! Isa kang n...