Forty Three

35 5 0
                                    


"Bye!! Ingat kayo!!"

Masaya akong kumakaway sa mga pagong na naglalakad papalayo pabalik ng dagat.

"Silence please."

Nagulat ako nang may nagsalita sa gilid.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala ba akong karapatang tumambay sa private resort ko?"

"Diba natutulog kapa nung iniwan kita."

"Nagising ako ng "Good morning Batanes!" mo. Tss."

Ginaya niya pa yung boses ko.

"Kasi naman sabi kong sa kwarto ako ni lola matutulog ayaw mo!"

"Nakakatakot kasi ang bahay niyo. Tss."

Sinimangutan ko siya, oo sa iisang kwarto kami natulog pero hindi kami magkatabi. Ayaw niya akong palabasin kagabi after kong magpirma ng papeles ng lupa. Natakot pala siya. Haha.

Sinundan ko siya patungo sa bahay nila.
Ay di pa pala siya umuuwi sa bahay niya dito simula kanina pagdating namin kahapon.

"Pasyal tayo mamaya."

sabi ko habang nakasunod sa kaniyaTumigil siya sa paglalakad.

"Are you asking me a date?

"Pwede din."

Natigilan siya at parang gulat na tumingin sa akin.

"Totoo?"

"Oo nga. Ipapasyal ka namin sa magagandang lugar dito."

"Namin?" kumunot ang noo niya.

"Oo namin. Ipapasyal ka namin ni Jacob."

"Seriously? Manhid ka ba talaga Mariyah? o pinipikon mo lang talaga ako?" galit niyang sabi at mabilis na pumasok sa kanila.

Ano ba ang gagawin ko para mabawasan ang init ng ulo niya? Palagi na lang siyang galit.

Sumunod ako sa kanila. Ito ang pangalawang beses na papasok ako dito.

"Nanay....."

"Kyle ...hijo...Kamusta kana?"

Agad na niyakap ni Aleng Sonya si Kyle pagkakita rito. Halatang namiss niya ito.

"Bakit ngayon ka lang bumalik ha? Buti naman at nagpagupit kana."

"Aleng Sonya!" Napatingin silang dalawa sakin nang sumigaw ako.

"Aba Mariyah, ikaw na ba yan anak?"

Agad ko siyang niyakap.

"Uho.. Kamusta na ho kayo?"

"Okay lang ako anak. Naku Mariyah di kita nakilala. Ang ganda ganda mo na.

Teka! Bakit kayo magkasama?"

Tiningnan niya kaming dalawa ni Kyle

"May dapat ba ako malaman mga anak?"

Ngumisi lang si Kyle at iniwan kami ni Aleng Sonya.

"Sungit." saad ko.

"Sabihin mo nga Iyah, ano ba ang meron sa inyo nitong si Kyle."

"Wala ho Aleng Sonya. Sa kanila lang ako tumitira sa Maynila."

Nagulat ito sa sinabi ko. Pinaupo niya muna ako at pinaghandaan ng makakain.
Kwinento ko  sa kanya ang nangyari.

"Aba nakakatakot pala talaga ang maging mayaman, ano? Hahaha..Pero buti na lang at nasa pudir ka nila Kyle. Ligtas ka nga doon."

"Laking pasasalamat ko po talaga sa kanila."

"Nanay Sonya..." biglang pumasok si Kyle sa kusina at nakapang  ligo itong outfit.

"Ano yan hijo? Maliligo ka sa labas?"

"Opo. Pahanda po nay ng paborito kong ulam. Ito ho ang pera. At ikaw Manang samahan mo si Nanay Sonya. Ikaw magbitbit ng mabibigat." Pagkasabi nito tumalikod agad siya. Sarap sipain di ba.

Naningkit ang mata ko.

"Masusunod po kamahalan."

Natawa si Aleng Sonya sa inasal ko.

"Nakakaasar talaga Aleng Sonya ang lalaking yun. Di malaman-laman kung mabait o may saltik."

"Ganoon talaga yan si Kyle. Pero mabait yan. Naalala ko nga pala, di ba nakapunta kana dito dati?"

"Opo."

"Aha.. Ikaw nga ang matagal nang hinihintay ni Kyle. Ang tadhana nga naman. hihihi."

Tumatawa siya habang papaalis. Napakamot na lang ako ng ulo ko.

--------------------------------------------------------------

Pagkauwi namin galing palengke, natuwa ako dahil madami akong nakitang mga kaibigan ko.

Kaya pasalamat na din ako na pinasama ako ni Kyle kay Aleng Sonya na pumunta sa palengke.

"Ako na lang dito hija. Sige na samahan mo na doon si Kyle."

Tumango ako, pero imbes na patungong dagat. Dumiretso ako pauwi ng bahay.

Habang naglalakad ako, nararamdaman kong may nakasunod sa akin. Tumigil ako at tumingin sa likod. May nakasunod nga sa akin, pero malayo sila. Baka pareho lang ang daan na tatahakin namin. Masyado lang akong OA mag-isip.

Bakit ang bilis nilang maglakad. Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa di ko namamalayan na halos tumatakbo na ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Isa lang nasa isip ko ngayon ang makalayo sa kanila.

"Hindi ka makakatakas samin Miss!"Sigaw ng lalaki.

Hinahapo na ako sa kakatakbo at naiiyak na din ako sa takot.

Sa pagkamalas-malas, bigla akong natapilok..

"Lord God. ." humihikbi na ako. Pagtingin ko sa likod malapit na sila. .
Tumayo agad ako.

Kumikirot ang paa ko habang tumatakbo, dahil siguro sa pagkakatapilok ko.

"Huli ka. Doon ka sa kabila Pare." Mas dumoble ang kaba ko.

"Maawa po kayo sakin." nagmamakaawa kong sabi.

"Sigurado ka bang ito yung Santiago? Bakit ganyan ang damit niyan."
sabi nung isang lalaki habang kinakaladkad ako. Pinipilit kong makaalis sa pagkakahawak nila.

"Oo, ang ganda mo pala Miss sa personal."
Nakakatakot ang mga mukha nila.

"Tulong!Tulong!"sumigaw ako sa abot ng aking makakaya para may makarinig.Pero imposible atang mangyari dahil malayo pa ang mga kabahayan dito.

"Manahimik ka!" bigla akong sinuntok ng lalaki sa tiyan ko..

"Arhhh" hindi ko kinaya ang sakit. Sa tanang buhay ko. Ngayon ko lang to naranasan.

"Gago pare, bakit mo sinuntok?!" binitawan ako ng isang lalaki. Napahawak ako sa tiyan ko. Sobrang sakit kaya mas lalo akong napaiyak.

"Gago eh! Sumisigaw! Tss Dalian mo na at hinahanap na tayo ni Boss."

Hahawakan sana ulit ako nung lalaki pero may biglang humawak sa kanya. Pagtingin nito agad na may sumalubong na suntok sa mukha niya.

"Aray!"

Bumitaw saakin yung lalaki, pagkabitaw niya ay unti-unti akong nanghina at  napahiga na lang basta. Di ko na alam nangyayari kasi napapikit na lang ako.
Naririnig ko lang na nagsusuntukon na sila. Iniinda ko ang sakit ng tiyan ko. Nararamdaman ko ang mainit na tubig na dumadaloy galing sa mata ko.

"Mariyah...Mariyah! Wake up.."
Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko si Kyle. Bakat sa mukha niya ang pag-alala sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya at nginitian ko siya..





"Mariyah!"

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon