Sixty Six

15 1 0
                                    

"Pagod na pagod ako."

Napahilata agad ako sa sofa pagkarating ko sa condo.

"Oh tubig, inum ka muna."

Buti na lang kasama ko si Rita, pag dumadating ako lagi niya ako inaasikaso.

Okay naman sa trabaho kaso may mga bagay talagang hindi inaasahang aberya.
Plus, dumagdag pa yung mga reporter na bigla-bigla na lang sumusulpot para interviewhin ako. Buti may mga nakabantay sakin at hinaharangan sila.

Simula kasi ng sabihin ni Kyle na ako ang girlfriend niya madami ang gustong ma-interview ako.  Kahit sa social media, oh diba alam ko na ang social media.Haha. Nagugulat na lang ako sa mga nakikita kong stolen pictures ko. May mga kaklase ko din na nagshi-share ng mga picture ko nung high school at college ako. Ang dami ko tuloy basher sa pananamit, pero mas madami naman ang pumupuri sakin. Hindi naman sa natutuwa ako pero nakakataba din pala ng puso pag madaming nakaka-appreciate sayo.

"Ilang araw ka nang laging pagod sa trabaho. Mag day-off ka din kaya."

"Hindi pwde ngayon pa na may problema. Mas lalo pa akong napapagod kasi kahit saan ako magpunta umiiwas ako sa mga reporter. O kung hindi man sa reporter, sa mga fans ni Kyle."

"Kaya nga eh, lagi na lang akong nakakakitang picture mo sa internet.Nakakasawa, hahaha..Joke lang. Magbihis kana at kumain, nga pala mag-iintern na ako. Magboboarding house muna ako para malapit lang dun sa papasukan ko, kaya aalis muna ako dito. Nagpaalam naman na ako kina Ma'am Rose. Baka maghanap na lang daw siyang pansamantalang kasama mo."

"Naku, sana sinabi mong huwag na lang. Okay naman ako kahit ako lang."

"Hindi ako papayag noh! Kaya sinabi ko kay Sir Kyle kanina nang tumawag siya. Mamaya nga papunta na siya eh."

Nagulat ako sa sinabi niya. Baliw talaga tong si Rita.

"Hala siya! Baliw to. Inistorbo mo pa yung tao."

"Baka nga pabor na pabor pa yun kay Sir Kyle eh. Haha. Hayaan mo na boyfriend mo naman siya. Hoy ang bataan huwag mo isusuko."

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Wala. Wahahaha." Tumayo na siya at umalis pero ang tawa niya parang yung pang-bruha na tawa.

Nagbihis muna ako ng mabilis sa kwarto. Di paman ako tapos ay may kumakatok na sa kwarto ko kaya nagmadali tuloy ako magbihis.
Pagbukas ko ng pintuan, mukha agad ni Kyle ang bumungad sakin. May dala siyang bulaklak.

Ibinigay niya yun sakin at humalik sa pisngi ko. Nasasanay na ako na lagi niya yun ginagawa kapag magkikita kami at aalis siya.

"Hi." Nakangiting sabi niya, sarap kurutin ang adams apple eh!

"Mukhang pagod na pagod ka nanaman. Let's eat. Pumapayat ka oh."

Inakay niya ako sa kusina,andun din si Rita na inaayos ang hapag-kainan. Tinitingnan naman ako ni Rita ng nakakaloko kaya pinangdilatan ko siya ng mata. Lagi niya kasi akong nilokoko kapag sweet sakin si Kyle.

Pinaghila niya ako ng upuan.

"Sumabay kana Rita sa amin. Salamat sa pag-aalaga kay Mariyah ah."

"Naku Sir, syempre naman. Aasawahin mo pa yan eh."

Nag-aappearan naman silang dalawa. Naku kung alam lang ni Kyle na sinisiraan siya saakin ni Rita dati. Hahaha. Naaalala ko pa dati nung bagong dating pa lang ako sa bahay nina Tita Rose, kung anu-ano sinasabi niya kay Kyle. Haha. Pero ngayon close na close na sila..

"Tumigil nga kayong dalawa.  Sige na Rita, kain na tayo." Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Kyle.

"Sana all may jowa." Natawa naman kami sa sinabi ni Rita.

"Sabi ko sayo Rita single yung P.A. ko."

"Hay naku Sir Kyle ang pangit naman nun. Ang sama pa ng ugali. Pinaglihi ata yun sa sama ng loob eh."

Nanggigil siya pati tuloy paghiwa niya ng karne gigil na gigil.Haha.

Lagi niya kasi yun nakakaaway kapag pumupunta daw sa bahay nina Kyle.

"Hahaha..Ganun lang talaga yun, pero mabait yun."

"Ah basta pangit siya. Kung magrereto ka lang naman Sir, edi sa artista na. Hahaha. Baka naman Sir Kyle oh!"

"Hahaha, naku Rita tapusin mo muna pag-aaral mo."

"Ayan nanaman si Manang Mariyah, ang seryoso. Hahaha. Syempre, biro-biro lang .Pero malay mo totohanin ni Sir. Baka naman Sir Kyle oh. Kahit si Daniel Padilla na lang Sir. Hahaha."

Natawa si Kyle sa part na tinawag ako ni Rita na Manang. Naalala niya siguro yung tawag niya sakin dati.

"Tumigil kana Rita at kumain."

Ako na mismo ang nagsubo kay Rita. Di na natigil magsalita eh. Haha.

"Ako nga din Love, ahh."

Ngumanga din siya at nag-aktong gusto din magpasubo.

"Malaki kana Kyle, kaya mo na yan." sabi ko.

Natawa ako ng makita ang mukha niyang parang nagtatampo. Haha.

After namin kumain at magligpit ng pinagkainan ay pumunta kami sa sala para manood daw ng movie.

"Sir Kyle at Iyah punta na muna ako sa kwarto ko, aayusin ko pa ang gamit ko.Maaga kasi akong aalis bukas."

"Sige, sumabay kana lang sakin bukas pag-alis ko." Sabi ko, tumango ito at pumasok na nga sa kwarto niya.

"Hindi ka ba kumakain ng maayos?" tanong niya agad ng makaupo kami.

"Kumakain, ang dami ko nga kumain eh."

"Bakit pumayat ka?"

"Pagod lang siguro sa trabaho."

"Humiga ka nga dito. Ipatong mo  ulo mo sa lap ko. Hihilutin ko ulo mo."

"Huwag na. Pagod ka din naman sa trabaho."

"I'm fine, bilis na."

Humiga naman ako sa lap niya. Pipilitin at pipilitin kaya mabuti na ang sumunod na lang. Nagsimula siyang hilutin ang sentido ko. Parang narelax nga ang ulo ko.

"Kamusta ka ngayon?"

"Okay lang, medyo napapagod din sa dami ng project at endorsement. Parang ayaw ko nga muna tumanggap ng bagong teleserye. Tatapusin ko lang muna yung ginagawa naming movie ngayon tapos pahinga muna ako."

"Okay lang ba yun?"

"Oo basta kakausapin ko lang ang manager ko at ang management."

"Pangarap mo na ba talaga mag-artista simula nung bata ka pa?"

"Oo, pero ngayon parang hindi na. Haha. I want something new. Gusto kong mag-aral ng Business Administration."

"Oh? Talaga? Nakakaproud naman ang boyfriend ko. Bakit naisipan mong mag-aral?"

"Gusto ko magtrabaho sa company niyo. Gusto ko maintindihan ang ginagawa niyo nina Tim at dad. At higit sa lahat gusto ko kasama kita palagi at madamayan diyan sa problema mo sa trabaho mo."

Natouch naman ako sa sinabi niya. Lagi niya talagang iniisip ako.

"Thank you Kyle kasi lagi mo akong sinasama sa mga plano mo."

Pinitik niya akong bigla.

"Aray, anong nasabi kong masama?"

"Syempre kasama ka talaga sa lahat ng plano ko. Para sayo lahat ng ginagawa ko diba."

Umupo ako at humarap sa kanya.

"Ang swerte ko talaga sayo."  Ngumiti naman siya ng sinabi ko yun.

"Ako din naman ah. Wait, hindi na natin napanood yung movie. Haha. Matulog na nga lang tayo."

Nasobrahan ata kami sa kwentuhan. Useless din na nakabukas ang TV.

Magkatabi kaming natulog. Siguro dahil pareho kaming pagod sa trabaho ay nakatulog kami kaagad.

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon