Seventy Two

6 0 0
                                    

"May dala akong prutas. Gusto mo pagbalatan kita ng apple?"

Lahat ng galaw ko parang kinikilatis niya simula pagkarating ko. Sa totoo lang pagod na pagod ako ngayong araw pero gusto ko pa din na dumiretso dito.

"Are you really my girlfriend?"

May pagdududang sabi niya.

"Oo nga!"

"Why so angry? Tss.."

"Nakakainis kana kasi. Kanina mo pa tinatanong. Pwede namang maghiwalay na lang tayo!"

Bigla kong nasabi, naiinis na kasi ako. Alam ko naman na hindi ko dapat siya pinapatulan dahil sa kalagayan niya pero nakakainis kasi ang ugali niya. Parang bumabalik yung ugali niya noon.

"Fine.Much better."

sabi niya, natigilan naman ako sa sinabi niya. Pwede bang batuhin tong apple sa kanya mismo?

"Okay." Ibinaba ko ang apple at peeler.

Kinuha ko ang gamit ko.

"Hindi mo man lang ako pipigilan?"
Inis kong sabi.

"Ingat ka pauwi." sabi niya at ngumiti ng nakakainis.

Padabog akong lumabas.

Nakasalubong ko naman si Timothy.

"Hey .. What kind of face is that? Pfftt.." Natatawang sabi ni Tim sakin.

"Yang kapatid mo nakakainis ang ugali. Uuwi na nga ako! Ikaw na bahala sa kanya!" sabi ko at di ko na hinintay pang sumagot siya.

Umuwi na kaagad ako.

Nagresearch kaagad ako na pwedeng gawin para mabilis na makaalala ang nakakaranas ng head injury.

Ay ewan, bahala na nga. Madami pang bagay akong iniisip. Pupunta pa ako bukas sa presento para kausapin yung gumawa nito sa sasakyan ni Tim.

Hanggang ngayon di pa rin ako kinocontact ni Canary, last naming pag-uusap ay yung sa hospital pa. Wala na din sila sa hospital.

Sana naman mapag-isip-isip niya yung sinabi ko sa kanya.

Nagulat ako nung magring ang phone ko at si Kyle ang tumatawag.

"Bakit?"

"Who are you?"

Nilayo ko naman nag cellphone sa tenga ko at tiningnan to ng masama.

"Baliw ka ba.. Tatawag-tawag ka tapos di mo alam kung sino tinatawagan mo."

"Anong malay ko, eh ang nakalagay dito na pangalan mo Love." para akong kinilig na ewan.

"Oh natahimik ka dyan. Kung sino kaman,pumunta ka dito sa hospital."

"Di ba wala na tayo! Manigas ka dyan! Tsaka ako to si Mariyah. Bye!"

Naku naku ka talagang lalaki ka. Inuubos mo ang pasensya ko!

Maya-maya ay tumawag nanaman siya.

"Ano nanaman?!"

"Pumunta ka sa hospital.!" pagsabi niya nun ay pinatay niya na ang tawag.

"Bastos."

No choice kundi pumunta doon. Nagpahatid ako sa driver papuntang hospital.

Habang nasa byahe ay di ko maiwasan mag-isip kung ano nanaman ang trip niya.

Pagkapasok ko sa room niya siya lang ang mag-isa.

"Nasaan si Tim?"

Tanong ko kaagad.

"Tss. Akala ko ba girlfriend kita, bakit kapatid ko kaagad ang hinahap mo?"

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon