Fifty Eight

5 1 0
                                    

"Grabe naman pala ang ginawa ng Canary na yan. Naku Iyah pag ako nakagraduate kunin mo akong secretary. Pagsisilbihan kita ng buong puuuuusoooo."

Natawa ako ng makitang humahaba din ang nguso niya. Andito kami sa kwarto ko at nagkikwentuhan..Namiss ko din siyang kausap eh.

"Feeling ko mabait siya. Hindi ko lang alam kung ano ang nag-uudyok sa kanya para gawin yun."

Nararamdaman ko kasing mabait talaga siya. Gusto kong malaman kung bakit niya to ginagawa dahil ayokong madamay siya in case na mahuli si Tito Felix.

"Sabagay tama ka nga. Baka wala lang siyang choice kaya ginagawa niya yun. Pero kahit na. Dapat alam niya pa rin kung ano ang tama sa mali. Buhay na pinag-uusapan dito eh."

Sabay kaming nagbuntong hininga kaya natawa kami.

"Huwag na nga natin pag-usapan ang problema.Pag-usapan natin ang lovelife mo."

Bigla akong nailang.

"A..ano? Bakit lovelife ko. Pwede namang lovelife mo."

"Ito naman lakas makaasar. Wala akong lovelife!"

Pagtatampo niya kaya natawa ako sa mukha niya.

"Oh sa ganda mong yan?"

"Talaga maganda ako? No joke?"

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nagpuppy eyes pa. Haha.

"Oo nga. Lahat naman tayo maganda. Walang ginawa ang Diyos na pangit."

Bigla niyang tinapik ang kamay ko.

"Oo na. Pero huwag mong iibahin ang topic. Iniiba mo eh."

"Hahaha. Ano naman kasi ang sasabihin ko sa relasyon namin ni Kyle? Eh halos di nga kami magkita. Last week pa yung last namin na pagkikita."

"Pero syempre nagtatawagan din at text kayo."

"Oo naman. Pero nitong mga nakaraang araw hindi masyado.Busy kasi siya sa taping nila."

"Naku, paktay na. Diyan yan nagsisimula.  Pagkawala ng komunikasyon. Marami kayang nagbibreak dahil sa walang communication."

"Ikaw ata may gustong magbreak kami eh."

"Hahaha. Grabe ka naman. Pero totoo kasi yun. Kaya dapat lagi kayong may time nagtext or tawag. Di na nga kayo nagkikita tapos wala pa kayong time magtawagan o text. Sino ba ang lagin nauunang magtext or tawag?"

"Siya."

"Eh ikaw?"

Napaisip ako. Oo nga no? Never ko pang ginawa na ako ang mauunang magtext or tumawag sa kanya. Di ko man lang matanong kung kamusta ang araw niya.

"Oh di ba hindi ikaw ang nauuna.Effort effort din pag may time ghorll."

"Hindi ko nga kasi alam kung paano ba maghandle ng relationship. Alam mo namang first time kong magkaboyfriend di ba?"

"Don't you worry mah friend. Andito ako, ang Love guru. Pag dating sa mga love, sakin ka magtanong kasi expert ako diyan."

"Bakit nagkaboyfriend kana ba?"

Bigla siyang nabilaukan.Hahahaha.

"Dahan-dahan naman sa tanong. Nakakasakit ho! Hindi pa. No boyfriend since birth."

"Paano ako magtatanong sayo kung wala ka namang experience sa pagkakaroon ng boyfriend."

"Syempre sa binabasa kong mga story sa wattpad. Basta magtiwala ka, master ko na yan. Kaya ikaw, tawagan mo na si Sir Kyle kung ayaw mong may umagaw sa boyfriend mo."

Meeting Halfway (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon