Luiz's POV.
Nasa library ako ngayon dahil early dismissal. Mag hahang out sana kami ng mga kaibigan ko pero kailangan nilang tapusin ang presentation nila sa PE.
Sa aking pagbabasa ay may biglang umupo sa harap ng table ko. Napatingin ako at nakita ko si Mich, nakangiti ito sa akin.
"what are you doing?"
"magbabasa ako"
"Okay"
Ayaw kong makasira ng relasyon ng iba, kaya ako ang umiiwas. Kung gusto niya ako bakit hindi niya hiwalayan si Kiej.
Tss, stupid.
Walang imikan ang naganap pero alam kong gusto niyang magsalita.
"Go on, what is it?" sa libro parin nakatuon ang aking mga mata.
"A-Ah Luiz, I know that na a-annoy ka na sa akin---"
"sinasayang mo oras ko"
"wait Luiz"
Tumayo na agad ako at kinuha ang bag ko noong bigla niya akong hinila. Hawak niya ang aking pulso tiningnan ko iyon at napatingin ako sa kaniya. Bigla niya namang kinuha iyon at napayuko.
"Luiz.. can you please forgive me?"
"forgiven, happy?"
Hindi ko na siya muling inaksayahan ng oras at umalis na agad. Hindi ko dala ang kotse ko kaya kahit umuulan ay napasakay ako ng Jeep sa kanto.
Pinunasan ko ang aking buhok, hindi masyado masikip sa jeep dahil mga iilan lang ata kaming nakasakay doon. Napalingon ako sa kaharap ko.
Tss, antokin.
Noong sinabi ko sa kaniya sa field ay gusto ko tuloy bawiin dahil nakokonsensya ako. Ayaw ko lang mapahamak si Lhex dahil sa maling desisyon na gagawin niyang pagpasok sa section one.
Ang kanang kamay niya ay sinabit niya doon sa reles ng jeep sa taas.. sinandal niya ang kaniyang ulo sa kamay na nakasabit.
Ilang beses ko na bang tingnan ang mukha ng babaeng to noong nasa elementary kami? nasa likod ko siya noon.. laging tulog. Sabay kaming nag lu-lunch at minsan kasama ko siya maglaro.
Inaaway niya lagi ang mga batang nangbubully sa akin, dahil bakla daw ako, mapayat at iyakin. Nandoon si Lhex para takutin sila, matangkad at mataba siya noon. Ngayon naman ay hindi siya gaanong sexy pero payat siya.
Lagi nga kami sa bahay nila noon dahil pinagluluto ako ni Tita Min yung mama niya ng homemade burger, yun na ata ang pinakamasarap na burger.
Bigla siyang nagising at nagulat siya noong nakita niya ako. Agad naman akong lumingon sa ibang side kunyaring hindi ko siya nakita .. Umayos naman siya ng pagkakaupo, gusto kong matawa dahil sinishake pa niya ang ulo niya kung totoong nasa harap niya ako.
Huminto ang jeep ng bigla niyang pindutin ang buzzer sa taas, baga para bell siya. Alam kong hindi pa roon ang bahay nila. Nagmamadali siyang bumaba kaya bumaba na rin ako at sinundan ko siya ng patago. Umuulan parin ng malakas at may payong siya.. ginamit kong panangga ang aking bag sa ulan na dumadapo
"Nakakahiya!" bulalas niya, gusto kong matawa.
ganoon ba talaga siya ka apektado sa presensya ko?
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...