A/N: This is Ara
Ara's POV.
First time to.. I'm Beara Cease Liendon.
Nandito kami sa court kung saan nagdi-discuss na si Maam Avon. Kasawiang palad parang naiihi ako.
Tinaas ko ang aking kamay para magpaalam. "Maam!"
"Yes Ms. Liendon?"
"mag jejewi lang Maam" natawa naman ang lahat.
"Anong jejewi Ms. Liendon?"
"Abnoy di niya alam yan" sambit ni Lhex.
Lumapit ako kay Maam Avon ayaw kong ipagsigawan. "Wiwi Maam"
"Hahaha okay Ms. Liendon" humarurot naman agad ako sa CR para umihi. May tatlong babaeng nag aayos ng kanilang sarili sa harap ng salamin.
Pumasok na ako doon.
"Talaga?"
"A-huh nakita ko talaga si Mich and Luiz sa isang restaurant noon"
"baka nagkakamali ka lang"
"Duuuh Tiera hindi ako magsasabi ng balitang hindi makatotohanan."
"Baka friends na sila"
"Alam nating girlfriend siya ni Kiej tapos kasama niya ex niya??"
"Nakakainis yun, what a bitch"
"Humahabol talaga si Mich kay Luiz"
"you mean niloloko niya si Kiej??"
Hapong tapat nagchi-chismissan tong mga to. Umalis na agad roon, huwag naman sana mangyari yung sinasabi nila.
Ako talaga makakalaban noong Mich kahit gaano pa ka anghel ang isang yun! Nakita ko naman yung isang kaibigan ni Luiz na si Riel.
Napatingin siya sa akin at kumaway, inismiran ko naman siya.
"Hoy masungit!!" nilingon ko siya at tinaas ang kilay ko.
"Ikaw patay gutom!"
"HAHAHAHA gutom ako pero hindi ako patay gutom" tumakbo siya papalapit sa akin.
"Cheee! huwag ka ngang lumapit sa akin"
"sa gwapo kong to.. hoy para sabihin ko sayo lahat ay nagkakarandapa sa itsura ko"
Huminto ako at pinagmasdan ang mukha niya.
"Letche saan banda diyan" natawang sambit ko at nagpatuloy ako
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...