"Loves?" nabigla ako dahil sa paglabas ko ay nadatnan ko si Kiej, may dala itong dalawang supot. "bakit ka nandito?" tanong niya pa.
What should I do? I knew it!
"Ikaw bakit ka nandito! Don't tell me ay dadalawin mo si Lhex?" nilakasan ko ang aking loob at may galit na tono.
"Yes kasi sabi ni Mom," inosenteng usal ni Kiej.
"What?!" di makapaniwalang usal ko, "sabagay nga pala! Di ako gusto ni Tita Zeb kaya kung e rito ka niya kay Lhex ay nag-aasam siya na magiging kayo talaga! Right?" ganoon parin ang tono ko.
"Mich, hindi ganoon yun. Malapit si Lhex kay Mommy kaya nilutuan niya ito at-"
"nagpresenta kang dalhin yan sa kaniya?" pag-iintoriga ko sa kaniya. Unfortunately, wala naman akong pake kung gusto ni Tita Zeb si Lhex, duuuuuhhh. If she don't like me, then I don't like her too.
"Hindi! Inutusan niya talaga akong ihatid ang mga to," naniniwala ako sa sinasabi niya, pero kailangan kong gawin na magalit galitan para di niya maitanong kung bakit ako nandito.
"NO! Sabihin mo na lang kasi na nagugustuhan mo na siya!!!" sigaw ko para magulat siya sa sinabi ko, nakita ko sa kaniyang mga mata na nag-iba ang kaniyang ekspresyon.
No, this can't be happen!!
"p-pwede ba Mich! Di ko siya gusto, at alam mong ikaw ang girlfriend ko! Mahal kita higit sa inaasahan mo," gusto kong bigyan ng ngiting nagmamalaki pero sa oras na to ay kailangan kong galitin ang sarili ko para umalis sa harap niya.
"No Kiej!! Alam kong may nararamdaman ka sa kaniya, lalaki ka at alam kong lagi kayong nagkakasama. Kaya huwag mong sabihin sa akin na wala kang nararamdaman!!!" sigaw ko tsaka iniwan siya sa kinatatayuan niya, nakita ko ang paghinto niya habang tinatanaw ako papalayo sa kaniya.
Sorry Kiej kailangan kong gawin to. Pumasok ako sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis, sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay parang sasabog ako sa mga oras na to.
Third Person's POV.
"Anong balita kay Lhex?" kakarating lang ni President Eclipse sa kaniyang opisina at agad itong naupo. Si Lucas naman ay nakatayo sa harap ng office table niya.
"Sa ngayon ay di parin nagigising ang batang 'yon President Eclipse," dahil sa usal ni Lucas ay napatayo siya.
"What?! Ilang linggo na ang nakalipas, kung tutuusin ay mag-iisang buwan na siyang tulog." di makakapaniwalang usal ni President Eclipse dahil sa pagkabusy ay nawala sa ulirat niyang bisitahin ito.
"sabi po ng Doctor ay nanghihina ang kaniyang katawan kaya di agad nakakarecover si Lhex," kinuha niya ang kaniyang bag.
"Lucas, lets go!" sumunod naman si Lucas sa kaniya na nagmamadali.
"Saan po tayo pupunta President Eclipse?"
"sa Hospital kung saan siya naka confine. We need to check her," pagkalabas nila ay nauna si Lucas para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. Pumasok naman si President Eclipse at seryosong napatingin sa labas ng bintana.
Ilang sandali lang ay agad naman silang napatigil sa hospital, di na siya naghintay pa na pagbuksan ni Lucas. Siya na mismo bumukas at nagmadaling pumasok sa hospital, lahat ay humahanga sa kaniyang pagdating. Sikat siya bilang isang CEO sa business industry, kahit ata ang mga nurses at karaniwang tao ay kilala siya dahil misnan na siyang na featured sa isang business magazine, tabloids, interviews in television.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...