Chapter 65

3.4K 119 82
                                    

Kiej's POV.

K I N A B U K A S A N

Naghahanda na ngayon ako dahil sa may pasok kami, pero maganda ata at nakikisama ang panahon kay Lhex dahil sa maulan ito. Sino kuot ang leather jacket ko tsaka lumabas sa kwarto, napalingon pa ako sa guestroom. "Brother! Lets eat na!" maingay na tawag ni Ate Jas na kakalabas niya palang sa kwarto. "Bakit naka uniform ka?" gulat niyang tanong sa akin.

Nagmadali akong kunin ang cellphone ko dahil baka sabado na ngayon at nahihibang na ako. Pero di ako nagkakamali dahil Friday palang ngayon, napalingon ako kay Ate Jas na pasimpleng nakangiti. "ano naman ba ang trip mo Ate Jas ha?!" inis kong tanong sa kaniya.

"ikaw yung malakas ang trip, brother. Heller! di ka na ata nakikinig sa balita na walang pasok ngayon due to red alert typhoon sa lugar. Sobrang talino mo at pati bagyo ay susuungin mo no?" napasapo ko na lamang ang aking noo.

"Si L-Lhex b-ba?"

"Well, ayun! Tulog pa rin siya hanggang ngayon, ikaw lang tong masyadong dedicated sa school. Naturingang apo ng Dean pero di updated, hayssss." napailing iling pa siya hanggang sa makababa siya. Napabalik naman agad ako sa kwarto at nagbihis, mabuti na lang ay di ako nakita ni Lhex dahil mang'aasar yun ng mang'aasar.

Napabalik ako sa kama at napatingin sa terrace kung saan ay nakikita ko ang ulan, naalala ko naman na dumaan siya sa maliit na espasyong yun. "Takaw disgrasya tong babaeng to!" usal ko na lamang, yakap ko ngayon ang aking unan habang pinagmamasdan ang ulan.

No wonder Lhex loves the rain.

Nagpapagaan talaga ang tunog at ang lamig ng ulan na 'yun. Napapikit naman ako dahil ang araw na to ay para makapagpahinga man lang.

ZzzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZz

"Baby wake up," napamulat naman ako at napatingin kay Mom.

"M-Mom,"

"kumain na kayo ni Lhexii, it' s already 10AM di pa kayo nagb-breakfast," malambing na sabi niya sa akin, ngumiti naman ako tsaka tumango.

"Yes, Mom." bumangon naman ako, lumabas na rin si Mom. Kaya inayos ko ang aking sarili at pumasok sa banyo para mag toothbrush at hilamos. Pagkatapos ng aking pag-aayos ay lumabas na rin ako sa aking kwarto.

Pagkalabas ko ay sakto rin na lumabas si Lhex sa guestroom, nagkatinginan naman kaming dalawa. Pero dahil siya si Lhex na di naiilang sa anong oras ay kaya niya akong titigan habang nakapamulsa at humahakbang papunta sa gawi ko. "Hoy!" tawag niya sa akin.

"bakit?" usal ko.

"wala, tara na." bumaba naman siya kaya sumunod naman ako sa kaniya.

"GOOD MORNING!!!!" bati sa amin ni Ate Jas na alam kong inaasar ako ngayon dahil sa tonong niyang yun.

"Good Morning," bati ni Lhex sa kaniya, ako naman ay dumeristo na lang sa kusina at inasikaso naman ng mga katulong ang pagkain namin ni Lhex.

"Brotherrrr! Bakit di mo ko binati?" nakangising tanong niya.

"pwede ba ate!!" naiinis kong sabi.

"hahahahaha! Oo na, okay okay I'll stop. Maiiwan ko muna kayo, eat well lovers," napatingin namam ako ng masama sa kaniya at kininditan niya ako. Napakuyom na lamang ang aking kamao sa inis dahil sa sinabi niya, na batid kong di narinig ni Lhex o kaya binabalewala niya lamang 'yun.

Nagsimula nga kaming kumain at umugong ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Di ka pa makakauwi," napalingon siya sa gawi ko at napakunot naman ang noo ko dahil tama ba ang sinabi ko? Dapat ay patanong iyun.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon