Kiej's POV.
Ilang oras rin para magstay roon at naisipan ni Mich na umuwi na nga, hinatid ko siya gamit ang kotse ko. Hindi niya dala ang kotse niya dahil nakisabay lamang siya kay Ken, "you didn't tell me, Loves. Saan kayo pupunta pagkatapos ng finals? diba may University Week pang gaganapin?" napatango naman siya.
"I forgot sasali pa kami ng University week bago umalis, and I don't know where." sa tono niyang walang kaalam alam kung saan sila pupunta.
"be my date on University Week Ball, Loves." sinserong sabi ko.
"Yes of course, ikaw naman talaga ang date ko Loves." napatingin siya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko. "Kahit kami ni Luiz ang host, ikaw parin ang unang lalaking tatanggapin ko para sayawin ako, got it?" malambing na sabi niya.
"Got it," sagot ko naman sa kaniya. Napangiti naman ako, hinigpitan ko ang aking hawak sa kaniya. Mas mahal ko parin si Mich at alam kong binabagabag lang ako ng aking isipan dahil sa naawa ako kay Lhex. "ang sarap magmahal," sumisipol pa ako pagkatapos kong sabihin 'yun, natawa naman siya sa inasal ko.
"mas masarap mahalin ka," di ko inaasahang babanatan niya ako ng ganiyan.
"saan mo natutunan yan, ha?"
"totoo kasi' yon." natatawa niyang sabi sa akin.
Nakarating na kami sa bahay nila, pinagbuksan ko siya ng pinto at ngayon ay magkaharap kaming dalawa. "you looks so tired, magpahinga ka na agad sa bahay niyo. May mga kasama na si Lhex, nandoon na yung cousin, titas, titos and Lola niya, hmm?" malamabing na sabi niya para mapaOo ako.
"Yes Loves, tatawagan ko na lang si Mom na umuwi na ako," nilalaro ko ang kamay niyang hawak ko.
"Good, ayaw ko pa namang magkadate ng panget," nakangusong sabi niya para matawa ako. "Seryoso ako," may pagtatampong tono niya.
Napatango naman ako na pinipigilan ang ngiti, "I know, go on." usal ko para pumasok na siya sa bahay nila.
"anything else?" napakunot ang noo ko, at natantuhan ko naman na may sasabihin ako sa kaniya na nakalimutan ko.
"I love you," matamis na sabi ko para magbago ang kaniyang itsura, kitang kita ko at parang natauhan siya.
"I love you more, Kiej Caven," sa paraang pagtawag niya ay parang mas pinakaba ako, may kung ano sa puso ko na kumirot sa mga oras na 'yun.
Umuwi na nga ako sa bahay, walang katao tao roon dahil lahat sila ay nasa bahay nila Lhex. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng tubig, umupo ako roon na tila ay nag-iisip sa aking naramdamang kaba. Nakita ko naman na nagmamadali ang isang katulong namin galing sa taas.
"Sir, may tao ata sa loob ng kwarto niyo," kinakabahan na di siya mapakali sa kaniyang sinasabi.
"wala bang mga gwardya?"
"wala po, rest day rin po ni Mang Marcos. Lahat sila ay nakarest day," natatakot na sabi niya, tumayo ako para magmadaling puntahan yun.
Kinakabahan ako sa bawat hakbang na binibitawan ko mapasok lang ang kwarto ko, pagbukas ko ng pinto ay pinagmasdan ko ang kabuuhan ng kwarto. Walang tao ang nandoon, isasara ko na sana ng biglang may sumipa sa tiyan ko para mapahiga ako.
Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa pamimilipit na sakit, "Sino ka!!" sigaw ko naman. Hindi ko makita ang kaniyang itsura dahil nakatakip ito at ang tanging mga mata niya lang ang nakalabas.
"baka mamamatay ka pagsinabi ko," nakangisi siya ngayon dahil sa kaniyang tono ng pananalita.
Dinikwat niya ang kwelyo ko, tsaka hinampas muli. "ANO BA!!" pero bago pa man ako makatayo ay sinipa niya ako sa mukha para manghina na ako ng tuluyan. Isinandal ko ang aking sarili habang nakaupo, napaupo siya kung saan ay tanging ang isang tuhod ay naging suporta niya.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...