Chapter 49

2.8K 113 49
                                    

A/N: Happy birthday to @Yunis0501 Godbless you, applicable lang yung dedication sa laptop eh nakamobile lang ako.

NAPABANGON ako dahil sa malakas na ingay sa labas kung saan ay tumatahol ang mga aso. Napatingin ako sa gawi ni Delabin na mahimbing na natutulog, kinuha ko ang kumot at inayos yung nilagay sa kaniya. Tumayo ako para tingnan sa bintana ang dahilan kung bakit tumatahol ang asong yun. Sa di kalayuan ay may nakita akong isang anino ng tao na papalapit sa gawi ng bahay.

"Lhex?" napalingon ako sa tumawag sakin na si Delabin. Napakusot pa siya sa kaniyang mga mata na tila nabubulabugan siya sa ingay ng aso. Lumingon ulit ako sa aninong yun na huminto marahil ay narinig niya ang boses ni Delabin ng tawagin ako.

"Bakit di ka pa tulog?" napakagatlabi na lamang ako, kung sasabihin ko ba sa kaniya.

Isa ring matatakutin ang isang to.

"A-ah dahil sa ingay ng aso." napalingon ako muli at wala na doon ang aninong nakita ko. Napatungo sa gawi ko si Delabin at tiningnan rin ang nasa labas ng bintana.

Bumalik naman ako sa higaan na nasa lapag at ganoon rin ang ginawa niya. "Hoy Lhex! okay ka lang?" nagtataka parin ako.

"Oo, matulog ka na." usal ko. Napanguso naman siya para maupo na rin, napakamot pa ito na parang na isturbo sa kaniyang pagtulog.

"Tssssk! alam mo Lhex sa sobrang weird mo nakakatakot ka na." napangiti naman ako dahil nakakunot na naman ang noo ng lalaking to.

"bakit nandiyan ka parin kung nakakatakot ka sa akin?" inayos ko ang kumot na ilagay sa mga paa ko papuntang hita.

Napaisip naman siya sa sagot niya na di mahanap ang angkop na salitang sasabihin niya. "AH! BASTA! yun." napailing naman ako.

"ang ingay mo." tsaka ako nahiga.

"ikaw tong di natutulog! at nagpagising sa akin!!" naiinis niyang tugon.

"ni wala nga akong salitang sinabi para magising ka, baka talaga naramdaman mong wala ako sa tabi mo." napangisi kong sabi, tinuro niya naman ako na nanggigil.

"Kung di ka lang babae! ay sinasabi ko sayo Lhexien!! hmmm!" nagpipigil niya tsaka inis na tinalukbong ang kumot na yun sa kaniyang sarili.

Napapangiti na lang talaga ako sa mga inaasta niyang ganiyan, napatitig lamang akong nakatalikod na si Delabin. Pinagmamatyagan ko rin ang mga aso na baka tumahol pa ito, biglang gumalaw si Delabin para mapatitig kami sa isa't isa. Malalim ang titigan na yun, seryoso ang mga mata niya.

Di ko maipagkakailang gwapo talaga ang binatang ito sa aking harapan. Yung tipong di ka magsasawa sa kaniyang angking kagwapuhan, may batang awra kasi si Delabin. Walang nagsalita sa pagitan naming dalawa, kundi nagtitigan lamang. Malayo ang espasyo sa pagitan namin dahil may unan yun. "Kahit ata ang mga mata mo Lhex di ko nakikita kung anong nararamdaman mo." usal niya. "Sa dinami dami ng tao sa mundo ang mga mata mo lang ang nakita kong di maipinta ng isang pintor."

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon