Chapter 81

2K 148 43
                                    

Lhex's POV.

"Jules! gising na," napamulat ang aking mga mata ng gisingin niya ako. Matagal na akong gising, sadyang kailangan kong ipahinga ang aking sarili para sa gananapin naming pagtatapat. "Nakaalis na 'yong, santatita mong bestfriend," dagdag na sabi niya.

Napabangon naman ako, "nahanapan mo na ba ako ng masusuot?" tanong ko sa kaniya. Nakiusap ako na hanapan niya ako ng masusuot sa gaganaping University Week Ball, dahil a-attend ako.

"I have your outfit," napalingon kami sa pinto kung saan ay nandoon si Ate Jasmine na may mga dalang mga damit. "Well, alam ko talagang magigising ka," maarteng sambit niya tsaka nilagay ang mga dala niya.

"Hi, I'm Jasmine Gayle Delavin." lumapit siya kay Janeth habang nilalahad ang kamay nito, parang napastatwa naman siya na humahanga sa ganda nito.

"Ate po kayo ni Kiej?" manghang manghang usal niya.

"Ow, you know my brother's name," nakangising usal niya na hinihintay ang kamay ni Janeth na abutin ito. Namalayan naman niya, kaya napahiya siyang hinawakan ito.

"Janeth, diay. Este, pala." nakangising sabi niya, "Ang ganda niyo po, para po kayong artista," na walang palyang pinagmamasdan ang bawat detalye ng kabuuhang mukha ni Ate Jasmine. Ngumiti ito ng napakalapad na nagbibigay papasalamat sa kaniya.

"Thank you, well. Hindi na dapat tayong magtagal at kailangan nating umalis sa hospital na to," mabait na sabi niya na napatingin pabalik balik sa amin.

"Hindi pa pwedeng makalabas si Jules, kasi nga akala ng mga Nurse ay ngayon palang siya nagising," pagpapaliwanag naman ni Janeth sa kaniya na may puno ng pag-aalala, na di ako makadalo ngayong gabi.

"that's a problem nga," napakagat labi naman si Ate Jasmine na nag-iisip kung ano ang gagawin. "A-Huh!" napalingon kami bigla sa kaniya, nandoon ang bakas ng ngiti sa kaniyang mga labi na may naisip na paraan para makalabas.

"sure ba kayo na di tayo malalaman nito?" habang nagpapalit kami ng damit ni Janeth.

"Of course! Hindi no, don't worry. May magbabantay naman sa labas na walang makakapasok, and kung papasok ang Nurse. Alam mo na ang drama, okay?" usal ni Ate Jasmine sa kaniya. Lahat ay plano ni Ate Jasmine ang mga ito, ang suot ko ngayon ay isang uniform ng nurse.

"Yakang yaka ko ang acting, basta erito niyo lang ako kay Kiej," kinikilig na sabi ni Janeth sa kaniya.

"Tsssk! I got you girl," tsaka niya tinuro si Janeth. "pero alam mo naman 'yong kapatid ko may gusto ng iba, ayaw lang aminin sa sarili. Baka umasa ka lang," maprangkang sabi niya saka nilingon ako na inaayos ang aking sarili. Ayaw kong bigyan ng malisya ang sinabi niya, pero pilit itong binibigyan ng kahulugan ng damdamin ko. Napailing ako, dahil impossible ang bagay na 'yon.

"Okay lang, yieeee! alam ko naman na may girlfriend na siya at mahal na mahal niya,'yon." napapatangong sambit na sabi ni Janeth, na pilit pinapaniwala ang sarili.

"Well, I didn't say na 'yong girlfriend niya ang nagugustuhan niya. Lets go, Lhex. Baka may makakita sa atin dito," hindi naman maipinta ang mukha ni Janeth dahil sa sinabi nito sa kaniya. Alam kong iba ang pagkakaintindi niya.

"hmm," nauna naman siyang humakbang at sumunod si ako. Nilingon ko muna si Janeth bago ko siya tuluyang lisanin, "mag-iingat ka,"

"Tsaaaar! Concern si frenny, don't worry. Lagi akong handa sa ano manglaban, nasa palabas pa sila, nakahanda na ako." pinakita pa niya ang ang muscles na dapat ay di ako mag-aalala sa kaniya. Ngumiti naman ako tsaka umalis na nga ng tuluyan.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon