"AWWWW! Hehehehehe! Alam mo ba freennyyyy bet na bet ko 'yong pumupunta sa Coffee shop na pinagtatrabahuan natin," kinikilig na sabi ni Janeth habang naglalakad kami sa hallway ng apartment.
Nagkasalubong kasi kami ng pauwi ako galing skwelahan, wala na rin akong balak na pumunta sa Fireworks display nito sa opening. Kailangan kong bumawi sa trabaho, dahil nag-iisa na lang ako. "Sino doon?" tanong ko.
"Yung cute na sobrang gwapo??!"
"si Luiz?" napangiwi naman siya.
"Hindiiii 'yoooon! Hahahahaha gwapo kasi' yong, ano yung alam mo na ex mo." nag-aalinlangan na sabi niya. "pero 'yong isang lalaki pa? ayieeee crush na crush ko kasi siya! cute na tapos ang gwapo gwapo gwapo paaaa, kyaaaahh!" animong tumitili pa.
"si Delabin,"
"pangalan niya 'yon?" gusto ko tuloy matawa dahil sa naw-wierduhan siya.
"Kiej ang pangalan niya," sagot ko.
"pangalan palang!! Panlaglag pantyyyy naaa kyaaaahhh!" habang niyayakap ang bag niya na tumitili. "may jowa na ba?" umaasa siyang isasagot ko ay wala.
"meroon na, nangangain pa ng tao ang girlfriend noon."
Napanguso naman siya, "Grabeeeee! sabagay, sa gwapo niyang 'yon? walang girlfriend?" napabuntong hininga naman siya.
Pagkarating namin sa aparment ay nagsipasukan na kami agad. "juleeees!" napalingon akong muli sa kaniya, "simula ngayon ay Jules na ang itatawag ko sayo," napangiti naman ako.
"Ikaw bahala," usal ko.
Kumaway naman siya, "7:30 ang pasok natin sa trabaho," tumango ako tsaka pumasok.
Hiniga ko ang aking sarili sa kama at pinikit ang aking mga mata, pero bigla namang napamulat. Bakit ako napunta sa lugar na to? Tanong na nasa aking isipan. Biglang tumunog ang aking cellphone,"Tuuuuleeeeeg! Saan ka ha?" batid kong si Ara ang nasa kabilang linya.
"umuwi na ako," sagot ko.
Hindi nila alam na lumipat ako ng apartment at mas nakakabuti 'yon. "Umuwi? A-ahhh s-sige magpahinga ka muna baka pagod ka,"
"hmm," sagot ko sa kaniya.
Pinatay ko naman ang linya na di sinasadya, pinikit kong muli ang aking mga mata hanggang sa nakatulog ako.
"Yieeeeee ganito pala na magkasama na tayong pupunta sa trabaho at lalo na ang pag-uwi." usal ni Janeth habang sinusuklay ang kaniyang buhok na basa. Naglalakad kami pababa ng apartment na tinutuluyan naming dalawa.
"hmm,"
"alam ba ng mga kaibigan mo na dito ka nanunuluyan?" tanong niya.
"hindi pa at wala akong balak na ipagsabi sa kanila," hawak ko ang strap ng bag ko at isang kamay ay nakapamulsa sa hoodie.
"Ayy taray ka Freennyyyyy, bakit naman?"
"they are a traitor,"
"tar-raay," humina ang pagkasabi niya dahil sa gulat at lumingon sa akin. Ngumiti naman ako at tumango, "tama ba narinig ko?"
"hmm,"
"Whyyyyyyyy oh, whyyyy do I feel this way
When I'm with you
I feel so alive," kanta niya, napatawa naman ako. Parang si Kakay na artista talaga ang ugali ni Janeth. Inayos niya ang kaniyang sarili, "pero why?"
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...