Mich's POV.
K I N A B U K A S A N
Kaharap ko ngayon si Mommy, napayuko naman ako habang nakaupo sa sofa and nasa opposite side nito. "Tell me Mich, hindi ako naniniwala na kaibigan mo lang ang bunsong anak ni Zeb." konpronta niya sa akin, habang kinuha ang kape niya para inumin. Hindi ko alam anong isasagot ko sa kaniya ngayon, dahil Mom knows me. "gusto mo pa bang makarating ito sa Daddy mo Michelle?" pamimilit niya na umamin ako, sa tono niyang lumalabas ang liyab. "may relasyon ba kayo? Sumagot ka!"
"Y-Yes M-Mom," nauutal utal kong sagot sa kaniya. "but makikipagbreak na ako sa kaniya Mom," dagdag ko pa.
"How long?" hindi siya makapaniwala sa sagot ko, nakita ko ang pagbaba ng tasang may kape sa mini table sa harap naming dalawa.
Paano ko sasabihin sa kaniya na noong naging kami ni Luiz ay may relasyon na kami ni Kiej? mas lalong magagalit siya sa akin. "3 months ago," nakayuko kong sabi at sinilip ang papikit niyang pagtitimpi.
"Gosh Michelle I don't know what to do! Nag'iisip ka ba? ipapakasal ka na kay Luiz and then ayaw may dala kang mas makapapalala ng sitwasyon ngayon, so anong gagawin mo?" ang nanggigil niyang reaksyon habang sinasabi iyun ay nagbibigay kaba sa akin.
"Mom I said na hihiwalayan ko naman siya but now hindi ko pa kaya, let it be." deritso kong sagot sa kaniya.
"What? Ganoon kadali? alam niya ba ang tungkol sa pagpapakasal mo kay Luiz in a right time?" umiling naman ako, inaasahan ko na ang tanong na yan. "Gosh Michelle pinalaki kitang maayos at hindi magdala ng malaking pagkakamali." hinihimas himas niya ang kaniyang noo para hudyat na nahihirapan siya. Tumayo ako at niyakap siya I know my Mom.
"Mommy huwag niyo pong sabihin kay Daddy ang tungkol rito, tsaka di naman po alam ng family ni Kiej na may relasyon kami."
"Exactly Michelle! Dahil pag nangyari ang bagay na yan ay pareho kayong malilintikan kay Felix at hindi lang yun, mas mag'aaway si Loyd and Felix dahil bakit nagkaboyfriend ka," giit ni Mom.
"Mom duuh! Si Luiz nga may girlfriend—"
"Dahil plano yun ni Loyd para makuha ang tiwala ni Luiz," I know. "kaya huwag ka ng dumagdag pa sa problema, alam ba ni Luiz na kayo ni Kiej?" tumango naman ako para mapabuntong hininga siya. "Then kaya pala humanap siya ng iba, noong naghiwalay kayo ay siya yung habol ng habol noon. Gosh Michelle ang tanga mo, sa sobrang talino mo hindi ka na nag'iisip ng tama." niyakap ko siya habang napanguso.
"Mom huwag kayong mag'aalala dahil kahapon ay nagdate lang naman kami ni Luiz." napalingon siya at binigyan ako ng reaksyon na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Mom! It's true duuuh,"
"kasama mo si Kiej kagabi and you will tell me nagdate kayo ni Luiz? Are you crazy?" I rolled my eyes and open my phone para ipakita sa kaniya ang pictures and videos na kinuha ko.
"See?" pagmamayabang ko.
"bakit kasama mo si Kiej kagabi?" napangiti naman ako at finlip ang aking buhok.
"Well naghintay lang naman si Kiej sa gate para makita ako, I told him na busy ako at tsaka sinabi kong di niya ako iisturbuhin. Kaya habang I'm with Kiej walang disturbo sa amin, guess what? Sa Mall natin kami nagdate," napangiti naman ako habang inaalala ang mga nangyari kahapon.
"you're unbelievable right now baby." hinawakan niya ang baba ko na hudyat na proud siya sa ginawa ko.
"Saan pa ba ako magmamana, kundi sa inyo rin naman?" mayabang na sagot ko sa kaniya.

BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...