Chapter 27

3.9K 115 40
                                    

A/N: Thank you for votes, comments and follow loves💕 stay safe everyone. Update ako tomorrow loves ko💛

 Update ako tomorrow loves ko💛

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Luiz Alcantara

Lhex's POV.

Pauwi na ako sa bahay ng nadatnan ko pa nga ang kotse na nakapark sa harap nito. Kaya nagmadali akong pumasok ng madatnan ko si Luiz na natutulog sa sofa, napatingin ako sa aking relo na nasa 10:30 PM.

"Anak nandiyan ka na pala.." napatingin ako sa kababa na si Papa may dala itong mug at alam kong kape ito.

"Pa." lumapit ako sa kaniya at nagmano. "bakit hindi pa kayo natutulog?" takang tanong ko sa kaniya.

"Wala naman.. gusto ko lang bantayan ang manliligaw ng aking anak." nakangiting sambit niya rito. "Alam kong bata pa kayo, pero may tiwala ako sa kaniya at lalo na sayo.. alam ko ang ugali mo anak." napaupo naman siya sa upuan na nasa kusina at nilapag sa mesang pinagkakainan ang kaniyang mug. Hinila ko rin ang upuang malapit sa kaniya na nakaharap kung saan makikita ko si Luiz na natutulog.

"Matapang siya.." napatingin siya sa gawi ni Luiz habang napapatango. "Hanga ako doon, pero hindi ko akalain na magugustuhan ka niya."

"Papa.." napailing sambit ko.

"ang ibig kong sabihin sa matagal na panahon na lumipas ay hindi ko akalain na magtatagpo kayong muli.." tama nga si Papa, hindi ko rin akalain na darating ang araw na ito.. na ang panahon na mismo ang mag'aayon para sa aming dalawa. "gusto ko lang sabihin sayo na ayaw ng Papa ni Luiz sayo.." kahit hindi sabihin ni Papa iyon ay nararamdaman ko. Malaking pangamba ang nangyari kahapon na baka nandoon ang kaniyang Daddy, kung nagkataon ay baka mapalayas na naman ako. "Anak.. isang paalala ko lang sayo, malaking sakripisyong ginawa ni Luiz para ligawan o mahalin ka. Pinag'isipan niya ang mga bagay na iyon upang magawa ito, hindi karaniwan ang kaniyang Ama dahil ayaw niya sa mga katulad natin. Sinabihan ko si Luiz tungkol roon pero lakas harap niyang sinabi na hindi siya susuko sayo." napangiti naman ako dahil sa sinasabi ni Papa ngayon tungkol kay Luiz.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon