Chapter 78

2K 111 42
                                    

Lhex's POV.

"tsaaaar! ang gara naman ng buhay mo, Frenny!" nandito kami ngayon sa apartment ko, kumakain kami habang may alak sa harap namin. Naisipan naming uminom dahil rest day namin ngayon, gabing gabi na sa mga oras na to.

Nag-iingayan kaming dalawa at may pakanta kanta pang nalalaman, I feel relieved with her accompany. "Oh tapos? bakit ayaw mong puntahan ang pamilya mong totoo? mayaman naman sila!" di ko sinabi ang apelyido ng mga ito, pero kinuwento ko lang ang mga tungkol sa kanila.

"paano ko matatagalan ang pagmumukha nila? na sila mismo ang may gawa nito sa akin?" nilalaro ko ang mga yelo na nasa baso ng alak na 'yon, tsaka tinunggang ininom.

May bigla namang kumatok para magkatinginan kaming dalawa, napailing pa siya. "Jules wala akong pinapunta! I swear mamatay man ang nasa kabilang apartment, hihihihi," nangiti naman ako tsaka tumango.

"they're my friends," tsaka ako tumayo, pinigilan niya naman ako gamit ang paghawak ng kamay ko.

"you mean, yung mga ano?!" natatakot na sabi niya.

"of course not," natatawang sabi ko, "the real one." napahawak siya sa kaniyang dibdib at nag exhale.

"wooohhh! akala ko mapapasabak tayo sa labanan ngayon, ah. Wala pa naman akong dalang pocket knife," pinaypay ang sariling kamay na animo'y naiinitan siya.

Napatingin ako sa kamay niya, nabitawan niya naman agad 'yon, kaya tumungo ako sa pinto. Bumungad sa akin si Hannah and Gericka, nilakbay ng kanilang mga mata ang apartment na tinutuluyan ko."Dumaan kami sa bahay ng Ale sa gilid, goshhh ang daming aso Lheeexxx!" tumitiling sabi ni Gericka na animoy naiisip ang nangyayari.

"pasok kayo," sabi ko. Pumasok naman sila at nakita si Janeth na kinawayan sila, tumayo si Janeth.

"Hi, Janeth pala.." inunahan niya akong ipakilala siya sa mga ito.

"I'm Hannah," maarteng sabi niya, pero 'yong maarteng nasa ugali na talaga at di lang sa pag-iinarte. Gets niyo?

"Ang ganda niyo po!" puri naman nito kay Hannah.

"I like you na!" masayang sabi ni Hannah rito.

"Yiiieeeeeee," tili niya at binaling ang tingin kay Gericka, "Hi,"

"I'm Gericka, sabihin mo rin 'yong sinabi mo kay Hannah para sabihin ko rin na I like you," makulit na utos nito kay Janeth.

"saan doon? marami akong nasabi sa kaniya, e." pagbibiro naman ni Janeth.

"Huuuwaaah! I hate you na talaga!" si Gericka. Natawa naman kami dahil sa inusal niyang 'yon.

"Tsaaaar! joke lang' yon, ano ka ba! syempre mga magaganda tayo, no?" sabi ni Janeth.

"Yaaaay! I likeee you na!" tili rin na sabi ni Gericka.

"taraaa na! kumain na kayo at may inumin rin kaming hinanda," sabi ni Janeth at pinakita ang nasa mesa. May alak ang mga 'yon, at pagkain.

"I think may kulang, I will order some spicy chicken wings from Bonchon," tsaka nilabas ni Hannah ang kaniyang phone at dinial ito.

"ang gagara naman pala ng mga kaibigan mo, kinilaw' yong handa natin pero nakuha pang umorder ng chicken wings" dumikit niyang bulong sa akin, natawa naman ako.

"masanay ka na," sagot ko.

Nagtawanan at puno ng kwentuhan ang samahan naming apat sa gabing 'yon, parang temang silang tatlo na kumakanta dahil may sabog na. Marami naman ang umangal at kumatok, kaya tumago agad kami sa kwarto. Malakas na tawanan ang aming pinakawalan dahil sa mga kabulakbulan namin, nagsimula na naman ang inuman. Hanggang sa napunta ang usapan sa tungkol kina Ara, Kyla and Belle.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon