Kiej's POV.
MONDAY, walang ginawa kundi mag review dahil sa malalapit na exam ngayong Wednesday, Thursday and Friday. Sa Linggo naman ang libing ng pamilya ni Lhex, sa nakikita ko ay lagi niyang kinakausap ang mga bisita pero pag sa kwarto lamang siya ay tudo iyak niya.
Naririnig ko pa minsan na kinakausap niya na lang ang sarili niya, minsan nga ay sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkawala nito. "Are you done, Mr. Delavin?" tanong ni Ms. Agwas, napailing naman ako at tinuonan ng pansin ang aking test paper sa summative test na 'yon.
Lahat ata ay tapos na pero ako ay nakakahalati pa lang, di ko alam pero ramdam ko ang pagkapagod. Matapos ang summative test na' yon, ay naisipan ng ibang teachers na pumasok na mag review na lamang dahil sa malalapit na Finals. Hinayaan nila kaming e scan ang mga libro and notes namin. Nakita ko naman si Mich na abala sa kaniyang ginagawang pagbabasa, hinawi niya ang kaniyang buhok papunta sa likod ng kaniyang tenga.
Kaya ako humanga sa babaeng to dahil sa angking ganda, talino at kasipagan. Napatingin siya sa akin at kinausap ako pero tanging wala akong narinig sa mga oras na 'yon, ang aking paningin ay nasa mukha niya lamang. Unti unti namang napalitan' yon ng itsura ni Lhex para mapaiwas ako. "Whats wrong?" si Mich.
"Ano nga ulit yun?" tanong ko.
Napangiti siya, "sabi ko sa sobrang talino mo ay di ka na nagr-review, pero parang nagagandahan ka sa akin kaya di ka makasagot," natawang usal niya, "Girlfriend mo na ako pero kung makatingin ka parang crush na crush mo ko, a." pang-aasar niya, ngumiti siya at humarap sa akin.
"Ah heheh!" napakamot na sagot ko na lamang sa kaniya. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kaniya na nakita ko si hays! HINDI PWEDE TO!
"are you sick?" hinawakan niya ang noo ko gamit ang isang kamay, at ang isang kamay niya ay nasa kaniyang noo para alamin ang temperatura nito.
"I'm not, Loves." sagot ko sa kaniya.
"Maybe you're tired, mamaya ay umuwi ka sa bahay niyo para matulog, okay?" naalala ko naman noong umuwi ako sa bahay namin ay may nangyaring masama. Naalala ko naman ang mga pagpikit ni Lhex dahil may dugo sa mukha ko, yung mga salita niya sa mga oras na 'yon."may nakakatawa ba sa sinabi ko, Loves?" napatikom ko ang aking bibig tsaka umiling. "Tsskkk!"
"Sorry, may iniisip lang ako." sagot ko.
"hays! di ka makausap ng matino!" pagtataray niya tsaka binaling ang mga mata sa libro na ayaw magpaisturbo.
"Sorry na," mahinang usal ko pero tinalikuran niya ako.
"kainin mo yang sorry mo!" tumalikod siya sa gawi ko.
Alisin mo kasi yang iniisip mo. Tinuon ko na lang rin ang aking sarili sa pagbabasa ng libro, pero pati ata ang mga letra ay nagiging kamukha ni Lhex. "PISTE! BAKIT BA HA!!" napatayo kong sabi, napalingon naman lahat sa akin. Napahiya akong umupo at tiniklop ang libro ko.
"Nagmumura ka na! Did Lhex taught you about that?"
"Ayaw kong marinig ang pangalan niya! Kaya please lang!!"
"what??! Kasi totoong siya nagturo sayo magmura?!" galit na sabi ni Mich.
"of course not!" nababaliw ako sa pangalan niya!!! Gusto ko sanang idagdag sa sasabihin ko 'yon. Hindi pwede!!! Hindi pwede!!!
"Good, mag focus ka nga." nagtataray na sabi niya.
Hiniga ko na lamang ang aking ulo sa mesa ko at parang nawalan ng pag-asa. Hinintay ko ang breaktime pero parang wala akong ganang lumabas sa ngayon, dahil last subject na ngayon morning ay napapatingala na lamang ako sa orasan. "Yes? come in Ms. Macalintal," naantig naman ang aking tenga dahil sa tawag na 'yon ni Maam.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...