Kiej's POV.
Office of Ms. Konsiho and Mr. Konsihal.
Basang basa ko bago ako pumasok sa mini office na yun. Dalawang araw nang lumipas mula noong nangyari sa akin, doble naman ang tagabantay ko at lalo na kay Ate Jas dahil sa posibleng mangyari.
Kinuha ko ang coat ng aking uniform tsaka yun nilagay sa upuan ng sandalan tsaka umupo. Malapit na ang breaktime at siguradong may dadarating na naman na magrereklamo mamaya. Maaga kong natapos ang quiz ko kaya naman pumunta na agad ako rito, alam na rin ni Mich na di ko siya masasabay sa oras ng lunch time.
Sinabi na rin ni Lolo na doon na lang rin ako kakain dahil mahihirapan kami ni Lhex kung pupunta pa ng canteen. Tungkol sa babaeng yun, ay di ko na rin nakakausap, masyado siyang tahimik at kung kakausapin mo nga ay dapat may itatanong ka.
Nakikita ko lamang siya sa oras ng PE time namin, dahil sa roof deck rin kasi ang klase ko. Bigla namang bumukas ang pinto para pumasok si Lhex, tahimik niyang nilapag ang kaniyang bag tsaka umupo sa katabi kong umupuan.
Nakita kong sinandal niya ang kaniyang sarili, pinagkrus ang braso at pumikit pa. Di ko tuloy mawari kung pagod ba siya ngayon. "Huwag mo kong titigan." napaiwas naman ako ulit.
"A-anong t-tinitigan! DI NO!"
"abnoy" mahina lang yun pero rinig ko, para tingnan ko siya.
"Hoy! anong abnoy abnoy!! nakakaini---"
"Good noon po." napalingon naman ako sa mga students na yun na kinikilig pa, may dala itong mga pagkain. "Pinadala po ito Ms. Agunda for the two of you." nilapag nila yun sa table na nasa harap namin, nagbubulung bulungan pa na parang kinikiliti.
Iba talaga ang kagwapuhan ko HAHAHAHA!
"A-ah Ms. Konsiho, pwede po bang pa autograph?"
-_-??
"para?"
"crush po kasi kita.." napangisi naman siya at kinuha ang binigay na sketch paper ata yun na may itsura niya.
"drawing mo to?"
"Opo.. yieeee, crush na crush po talaga kita."
Pisteee! kung ako babae!! di ko magugustuhan ang kapwa kong babae kung kasing tulad niya.
"hmm."
"yieeee thank you po.."
Sinamaan ko lamang sila ng tingin. "Tama na yan!! di to book signing para magpa'autograph kayo!" inis kong sabi, tama naman kasi!!
Napahiya naman sila tsaka umalis agad, kinikilig pang nagbubulungan ang mga yun. "Ikaw naman! hinayaan mo pa silang magpa'autograh, alam mo namang marami pa tayong gagawin!" angil ko.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...