A/N: Sorry loves! kung may nakikita kayong grammatical errors or yung mga kulang kulang don't worry if natapos natin ang SEASON ONE mag r-revise tayo okay? Btwwwww! Thank you sa supporta, share, comments, follow, votes o kahit sa mga message niyo. Mag-iingat kayo lagi, okay?
Lhex's POV.
Ang hirap.
Nakatunganga lamang ako sa harap kung saan ay tatlo silang nawala sa buhay ko, may kaibigan na tinatraydor ako at ang taong mahal na niloko ako.
Tell me, ano pa ba ang kaya kong malaman sa mundong ginagalawan ko? Hating gabi na nga, tulog na ang iba at ako na lang ang gising. Tumayo ako para pagmasdan ang itsura ni Kyle, sobrang hirap. Napahawak ako sa aking ulo at napapikit na pinipigilan ang iyak.
Nakita ko naman ang itsura ni Papa na mahimbing na natutulog, napaiyak na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Naalala ko 'yong mga araw na nasasaktan ako ay nasa tabi ko siyang inalalayan ako, ginagawa ang lahat para sa amin. Hindi napapagod sa kakatrabaho para lang mabuhay kami, at higit sa lahat mapagmahal na Ama.
Huwag kayong mag-aalala, malapit na. Gusto kong takbuhin isa isa ang bahay nila at saktan sila. "Lhexii," napapunas ako ng aking luha at napalingon kay Tita Zeb. Laking pasasalamat ko dahil di nila ako iniwan, lagi silang nandito at hating gabi na rin kung umuuwi.
Niyakap ako ni Tita Zeb, para mapayakap ako at humagulgol ng iyak. "Shhhh, iiyak mo lang lahat, anak," parang hinaplos ang puso ko ng tawagin niya akong anak. Mas lalong napaiyak ako dahil sa naisip ko si Mama, ang mga yakap, pagmamahal, pag-aalaga, pag-aaruga at pagpapasensya sa lahat ng bagay.
Kumalas ako ng pagkakayap, ngumiti siya ng konti at pinunasan ang mga luha ko. "Lhexxii? pwede kaming magstay ngayon dito, if you want," nagmamalasakit niyang sabi, nangiti naman ako.
"Okay lang Tita," usal ko.
"alam mo bang nasasaktan ako pag umiiyak ka?" para siyang si Delabin, dahil nagawa ring sabihin 'yan ng anak niya. May pumatak na luha sa kaniyang mga mata, para punasan niya agad. "sorry if naiiyak ako, pagnakikita kitang nasasaktan nadudurog rin kasi ako, Hija. Alam mong di ka na iba sa amin, right?" hinaplos niya ang buhok ko na tila ay inaayos ito.
"Salamat Tita Zeb," 'yon na lang ang tanging na sabi ko. Matapos ang pag-uusap namin ay napag-isipan na nga nilang umalis.
Last day na pala bukas. "Ate? matulog na po kayo," usal ng isa kong pinsan sa akin. "Kami na po magbabantay ni Ate, matulog na po kayo." napangiti ako tsaka tumayo, napako ako sa aking kinakatayuan ng makita si Delabin.
Lumapit ako sa gawi niya, "Di ka umuwi?" takang tanong ko.
"someone to lean on?" ngumiti naman ako at umiling. "matulog ka na," dagdag niya pa.
"ikaw?"
"dito na lang ako," turo niya sa upuan. Napailing ako tsaka hinila na lang siya papasok sa bahay, pinaupo ko siya sa sofa at doon rin ako sa kabila.
"diyan ka, dito ako." sabay pagpag nito. "matulog ka na, matutulog rin ako. Bawal tayo sa kwarto dahil natutulog ang ibang pinsan ko roon," dagdag ko pa. Hinagis ko naman sa kaniya ang unan para masalo niya, napatango siya at inayos ang higaan.
Malayo man ang distansya namin, ay nagkatinginan kaming dalawa. May mini table sa pagitan naming dalawa,"matutulog na ako Delabin," malumanay na sabi ko.
"hmm, matulog ka na." usal niya.
Napapikit naman ang mga mata ko, pero bigla ko na lang nakita kung paano walang awang pinagsasaksak ang kapatid ko. Pinagtutulungan nila 'yon dahil pumipiglas ito. "Huwag po maawa po kayo!" umiiyak na sabi niya, habang hawak ng isang taong nakaitim ang ang kaniyang dalawang kamay. Nasa likod niya ang taong' yon, habang nasa harap niya ang isa na may hawak na patalim.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...