Chapter 85 - LAST CHAPTER Season 1

3.3K 150 64
                                    

HEEEP!!!

BASAHIN!

panuorin niyo muna ang video at pakinggan ang song na ito, LHEXIEJ ang nandiyan. Ang kantang 'yan ay nasa last basta! pakingan niyo habang binabasa' yon, magsisi kayo paghindi.

Hindi kayo magkakajowa niyan! bye.

Lhex's POV.

Kasama ko ngayon ang pamilya ni Delabin, habang sinusugod siya sa hospital papasok sa operating room. Si Tita Zeb naman ay panay iyak habang napapatakbo na sundan ang anak na nakahiga sa hospital bed. "Baby, nandito na si Mommy. Gumising ka naman, anak, oh!" napapahagulgol niyang tawag rito, habang hinahalikan ang hawak nitong kamay.

Napasunod rin ako na puros duguan ang damit at lalong lalo na ang kamay ko. Hindi ko alam anong gagawin sa oras na 'yon, pinagsisihan ko kung bakit pinuntahan ko pa siya.

Dahil napahamak siya dahil sa akin.

Pagpasok sa OR ay sinarado ang pintong' yon, lahat kami ay napaupo na para bang naghihintay ng himala. Napayakap si Tita Zeb kay Tito Harold na umiiyak, "Hija, where's Kiej?!" kakarating na hinahanap ng Lola niya si Delabin.

Napapunas ng luha si Tita Zeb at buong pusong hinarap ang Ina, "Anong klasing Lola kayo? anong klasing Ina kayo?" hindi mapigilan ang pagluha niya, hinawakan naman ni Tito Harold si Tita Zeb dahil baka anong magawa niya.

"Gusto ko lang na di siya mapahamak, Hija," pagpapaliwanag nito sa kaniyang anak.

"di mapahamak? mas lalong napahamak siya dahil sa ginawa mo!!! sa ginawa niyo! Mama!!!!" napasigaw siya, napamilog naman ang labi ng matanda dahil sa di siya makapaniwala. "All of my life naniwala ako sa inyo! lahat sinunod ko, lahat naman kontrolado niyo, lalong lalo na ang pakikipagkaibigan ko kay Amanda. Bakit?????!!!!! Bakit sa anak ko pa, Ma? bakit kay Kiej pa mangyari lahat ng to? bakit hindi niyo matanggap na kahit balik baliktarin ang mundo ay magk-krus ang landas ng pamilya natin sa kanila!" ramdam ko ang galit ni Tita Zeb sa sandaling 'yon.

"Anak, Hija..." tawag niya.

"kasabwat kayo ni Loyd? sa pagpatay kay Amanda, lalong lalo na pagtangkaan ang buhay ng anak ni Amanda?" napapunas siya sa kaniyang luha.

"how did you know?" mahinang tanong niya kay Tita Zeb.

"So alam niyo! unang una palang ay anak na siya ni Amanda! kaya pala noong unang kita mo sa kaniya ay pinaalis mo agad siya! hindi niyo matanggap na pinili ni Kiej na samahan siya sa araw na 'yon, at sana naisip niyo na di na magbabago ang pagkikita nilang dalawa. You tried to avoid it, right? pinalipat ni Loyd si Luiz, at ikaw ang nag desisyon na ilipat si Kiej kahit gusto niya sa dating school niya! Dahil alam niyo, unang una palang!!!" sa narinig ko ay parang ako ang puno't dulo ng lahat. Kung bakit nagkakaganito ang mga tao sa paligid ko.

Ako ang dahilan. Kung wala ako sa landas nila, ay hindi mapapahamak ang pamilyang nag-aruga sa akin. Hindi madadamay ang pamilya nila Ara o kahit sinong nasa paligid ko. Hindi ko rin magugulo ang isipan at buhay ni Luiz, kung di ako nagpursigeng lapitan siya. Hindi niya magagawang piliin ang pamilya niya, dahil lang sa akin. Hindi rin magp-plano ng masama si Tito Loyd and ang Lola ni Delabin, kung walang ako.

Lahat ng 'to ay dahil sa akin. Sa mga oras na' yon ay hiniling ko na sana namatay na lang ako. "Siya ang may kasalanan nito!" turo niya sa akin. Gusto kong sumagot na.

Oo ako ang may kasalanan nito, "Dahil sa kaniya ay nagkaganito ang lahat, dahil sa kaniya bakit napahamak si Kiej! dahil sa kaniya ang mas lakong lumala ang nangyayari, bakit nabuhay ka pa!!!" sigaw niya sa akin.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon