Chapter 17

4.5K 95 12
                                    

A/N: Thaaankyou Loves for comment, vote and follow niyo.. thank you so much. Finally nabalik rin lahat ng draft ko. Thank you sa supporta💕

Kiej Caven Delavin with Lhexien Vien Jules Macalintal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kiej Caven Delavin with Lhexien Vien Jules Macalintal

KIEJ'S POV.

Napabangon ako ng makita ko sa aking gawi ang natutulog na si Lhex. Nakakrus ang kaniyang mga hita at ang kaniyang kamay tsaka sinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng maliit na sofa na iyon.

Napatingin naman ako sa tray na nasa taas ng mesang iyon. Napamulat naman siya at inayos ang kaniyang buhok.. "Gising ka na pala, papainitin ko lang tong sopas." seryosong sabi niya. Pinagmasdan ko lamang siyang gawin iyon.

Kahit paano ay nabawasan naman ang masamang pakiramdam ko dahil nakatulog ako. Tumingin ako sa orasan na nasa wall nila, pasabado 1 PM pa, ang haba rin pala ng aking itinulog.

Kinuha ko ang aking cellphone.

5 message:

From: Ate

Are you okay? hinanap ka ni Mom, bakit wala ka sa condo mo.

From: Mommy

Where are you anak? bakit wala ka sa condo mo, nagwo'worry na ako.

From: Daddy

Son? where are you, bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?

From: Mommy.

Are you okay now baby?

From: Mommy

On the way sa condo mo

Wala naman akong load, pagkabalik ni Lhex ay dinala niya ulit ang tray. Nilapag niya naman ang tray sa mesa at napaupo ulit.

"Bakit?" tanong niya, na para bang alam niya na may sasabihin ako.

"May load ka?" nahihiya kong tanong sa kaniya.

"hmm.." kinapa niya ang cellphone na nasa side niya at binigay sa akin. Kinuha ko naman agad at dinial ang number ni Mommy roon.

"Hello? who's this?"

"Mommy" napatingin ako kay Lhex na nakatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko. Napangisi naman siya na nang'aasar.

"Baby! gosh akala ko talaga hindi ka natatawag, bakit ibang number ginamit mo? Where are you? nag'aalala na ako sayo because 3 hours na wala ka parin sa condo mo, e rereport na sana namin sa pulis station about you." napasapo naman ako sa aking noo.

"Mom.. I'm fine, nandito ako sa bahay nila Lhex and nakatulog kasi ako kaya hindi ko nasagot ang tawag niyo" pagliliwanag ko kay Mommy.

"Kina Lhexii?? yieeeee! hindi mo naman sinabi edi sana diyan na lang ako dumeritso kanina, so how are you?" kinikilig pang sabi niya.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon