Third Person's POV.
Before umuwi sina Robert and Min sa bahay nila sa General Trias. Nagkita sina Min and Loyd dahil sa pagbigay impormasyon ng Agent ni Loyd na di matatakasan ng mga Eclipse. Nakasunod naman si Nemia sa kanila na nasa kabilang mesa.
"ilayo mo si Lhex sa anak kong si Luiz," usal ni Loyd at binigay ang envelope kay Min, kinuha niya yun at tiningnan ito kung saan ay malaking pera ang nandoon.
"Hindi ko magagawa yun Sir Loyd, anak ko si Lhex." tumayo si Min para aalis na sana.
"Alam kong alam mong di mo siya anak, Min. Paano mo kaya itrato ang batang yun kung malaman mong siya ang dahilan ng pagkamatay ng totoong anak mo?" napako sa kinatatayuan si Min dahil sa narinig niya, unti unting lumabas ang luha sa kaniyang mga mata.
"Huwag mong bilugin ang utak ko Loyd!! Anak ko si Lhex!! Anak ko siya at alam kong anak ko siya!!" sigaw niya.
Napatawa naman si Loyd at pumalakpak ng mahina. "Alam ko naman na pinipilit mo parin pinapaniwalaang sarili mong siya ang tunay na anak mo, pero paano ang hustisya ng anak mong yumaon ng di mo man lang alam? Nakakasigurado akong kamumuhian mo rin ang batang yun," pagdidiin na sabihin yun ni Loyd sa kaniya, napakuyom naman ni Min ang kaniyang kamao.
"Hindi totoo ang sinabi mo Loyd! Hindi.." napapailing pa siya na bumabagsak ang kaniyang luha at nanginginig pa. Nilapit ni Loyd ang envelope sa kaniya at ngumiti.
"take it and siguraduhin mong mapapalayo mo si Lhex kay Luiz. Kung saktan mo sa paraang pagsasabihan mo si Luiz ay ayos na yun! Aalis na ako, pag'isipan mong mabuti yan Min." tsaka ito tumayo at umalis na nga ng tuluyan. Tumayo na rin si Nemia at pumasok sa kotse tsaka ito pinaandar papunta sa mga Eclipse.
"Nemia," si Chairman Eclipse. Napayuko ito bilang pagbibigay galang sa isang Chairman.
"May pinapagawa si Loyd Alcantara sa naturingang Ina ng batang si Lhex, si Min," pagbibigay niya ng impormasyon.
"Ganoon ba? Anong pinapagawa niya rito?"
"Gusto niyang ipalayo ang kaniyang nag'iisang anak na lalaki sa batang ito, Chairman."
Napailing naman si Chairman, "Gusto niyang di madamay ang anak niya? Pero ginagamit niya ito ngayon? Ipatawag si Amnasha and Amelia na bumalik na si Lhex, at bantayan ang bawat sulok ng bahay nila."
"masusunod Chairman." yumuko itong muli at umalis upang tawagin ang magkapatid, tulad ng sinabi ng Chairman sa kaniya.
Macalintal Residence.
"Min na iintindihan kita kung nagkakaganiyan dahil depressed ka sa nangyayari pero yung pagalitan mo si Lhex? Huwag naman sana ganoon Hon," pakiusap ni Robert sa kaniyang asawa.
"Pagalitan?! Para sa kapakanan niya yun Robert! kung di niya ako susundin pwede siyang lumayas sa pamamahay na ito!" sagot niya sa asawa.
"Simula noong umalis tayo rito at nagkamalay ka ay nagbago ang lahat, hindi ko alam kung anong nangyayari! Sabihin mo sa akin Min para naman maintindihan ka namin, kung bakit nagkakaganiyan ka," si Robert na nagmamakaawa sa Asawa.
Nag-alinlangan naman si Min na sabihin sa asawa ang nalalaman niyang di niya tunay na anak si Lhex, na siya ang dahilan kung bakit nawala ang totoong anak niya. Ayaw niyang pagkamuhian ni Robert sa kadahilahanang may pagmamahal pa rin siya sa batang 'yun. "Gusto ko lang na di siya mapahamak, yun lang Loyd," pagpapaliwanag niya.
"Hindi yun ang solusyon Hon, yung ikulong siya sa kwarto niya.. paglimitahan mo siya sa kaniyang gagawin para sa kaniyang sarili at kontrolin mo siya sa bagay na di niya gusto. Kilala mo siya Min, gagawin ni Lhex ang pinapagawa mo kahit hindi niya gusto dahil mahal ka niya." napaupo si Robert sa salas at napahawak sa kaniyang noo habang si Min ay hinihintay sa pinto ang anak na dalaga.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...