A/N: I'm very busy jud loves, but thankyou sa pag votes, follow and comment.
Lhex's POV.
Isang buwan akong walang malay at walang kamalay malay, tss. Walang makakapagtago. Kinuha ko ang aking test paper at sinimulang sagutin 'yun saa mini office ako sumagot dahil excuse naman ako sa klase. Di ako pumasok dahil pinapunta ako ni Dean sa Dean's Office para magtake.
Pagkatapos kong sagutin ang exam ay pabalik na ako ng mapansin ko ang result. Napangiti naman ako dahil nasa section one na si Ara at ang iba naman ay nasa section two na. Samantalang ako ay nasa section three, napalingon ako dahil wala na masyadong studyante.
Pinasa ko 'yun kay Dean. "Ms. Macalintal, you can go home now." sabi ni Dean.
"Thank you Dean."
"sana ay mag-iingat ka lagi," binigyan ko naman siya ng ngiti tsaka tumango para umalis.
Nasa parking lot na ako habang naglalakad at sariwa parin ang mga nangyari sa mga araw na 'yun. Tsss. "L-Lhex?" napalingon ako at nakita ko si Ara na may kinukuha sa kotse niya. "LHEEEX!!! HUWAAAAAAAAHHHHHH!!" bigla siyang tumakbo at niyakap ako ng mahigpit.
"Bakit nabigla ka?" seryosong tanong ko.
"HUHUHUHUHU!! akala ko talaga matatagalan pa,"
Tss talaga lang ha.
"Tss, malakas kaya ako." humiwalay naman siya at napangiti.
"Ayan kasi!! Huhuhuhu nakakainis ka, wala man lang pasabi na nandito ka na pala." mangiyak ngiyak na usal niya.
Ngumiti naman ako. "May pasok ka pa diba?"
"Oo! Huhuhu nakakainis ka Lhex! Dapat tinext or tinawagan mo ko!! Namissss kita nakakaloka ka, tuleg!!" tsaka niya naman ako dinakma ng yakap.
"Sige na, aalis na ako." umalis naman siya sa pagkakayakap niyang yun.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Ara.
"Uuwi syempre, bukas pa ako makakapasok." tipid na sagot ko.
"Talaga?! Ayiiiiiiieeeeeee, aasahan ka namin bukas ha?!" tumango naman ako. Kumakaway siya habang pahakbang akong umalis, kitang kita ko ang pag-iba ng kaniyang ngiti o baka nagmamalik mata lamang ako.
Ang raming tanong sa isipan ko kung si Luiz ba ang tumulong sa akin papunta sa hospital ng araw na 'yun at sino naman ang nag-umalis na imahe sa oras nayun. Nakapamulsa akong naglakad palabas ng unibersidad ng di sa kalayuan ay napansin ko ang matandang nagtitinda ng mansanas.
"Ening!!" tawag niya sa akin, ngumiti naman ako at lumapit sa gawi niyan.
"Hanggang dito ba ay nagtitinda kayo?" tanong ko sa kaniya, napalingon lingon naman siya sa kaniyang paligid tsaka tumango. Pinagmasdan ko rin ang paligid pero walang kahina hina ang mga taong nandoon. Bukod sa may apat na vendor ng mga street foods, at may mga nakaturnong jeepney driver.
"Kamusta ka na?" napakunot ang noo ko at nagtataka. May alam ba siya? "Kamusta ka na matagal na kitang di nakikita. Mahigit isang buwan rin na di kita nakita sa lugar niyo," ahhh..
"okay lang po ako," napatingin naman siya sa benda ko kung kaya't napaiwas ako sa kaniya.
"sana ay maging maayos na ang lahat, sana ay malaman mo na rin, sana ay huwag mo ng hayaan na masaktan ka nilang muli. Sana ay lumaban ka na rin at sana ay makita mo na ang mga sagot sa mga tanong mo." naiwan akong tulala matapos niyang sabihin 'yun. Di ko alam kung saan siya pumunta dahil sa mga oras na to ay may naudyok sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
أدب المراهقين[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...