Beara's POV.
Wednesday na ngayon dahil sa walang pasok kahapon dahil sa bagyo. Medyo maulan parin ngayong araw nato.
"sigurado akong good mood na naman si Lhex.." masayang sabi ko habang pinapark ko ang kotse ko.
"Hi Ms. Beautiful" kaya napatingin ako kung sino iyon..
parang tanga HAHAHAHA!
Binabati niya lang naman ang mga nagagandahang babae na dumadaan sa harap niya. Habang inaalis ang kaniyang sun glass.
Kinuha ko ang aking bag at huminto sa kaniya. "Hanep talaga ang trip mo no? Umuulan na't naka sunglass ka parin"
"baka gusto mo lang batiin kita ng Hi Ms. Beautiful"
Kaninang nakangisi kong bibig ay napalitan ng pagkainis sa sinabi niya. "Hoy! kahit hindi mo sabihin yun.. maganda ako! kaysa naman sayo para kang baliw.."
"tawag dito pormahan, sabagay wala naman sayong apog ang salitang yan" mayabang niyang sabi..
"MALAMANG!! kasi di ako abnoy tulad mo. Alam mo para kang tanga sa ginagawa mo" nagsimula siyang mamula at nagpatuloy na akong pumasok..
Napahinto ako ulit at tumingin sa kaniya "Hindi mo na ba mabingwit kaya ikaw na ang lumalapit?.. poor Riel"
Natawa naman akong iniwan siyang nakanganga dahil sa sinabi kong yun sa kaniya.
Gwapo naman ang isang yun, kaso chickboy halata sa itsura niya. Maingay rin at sa kanilang tatlo siya ang malakas mang'asar. Maputi, matanggkad at alam mong galing sa mayaman na pamilya. Si Luiz naman ang nakakalamang sa kagwapuhan, masasabi mong gwapo si Ken and Riel pero hindi tulad ni Luiz na mas malamang ito sa itsura.. Si Ken kaya rin niyang makisabay sa trip noong si Riel pero minsan tahimik. Si Luiz once in a blue moon mo lang makakausap yan, pag kinakausap mo o may itatanong ka sa kaniya.
Kung sa tatlong makakaibigan ay si Luiz ang lamang sa kagwapuhan ay may mas ilalamang naman si Delabin. Nahawa na ata ako sa katatawag ng Delabin dahil kay Lhex. Si Delabin yung tipong makulit, isip bata, mas gwapo sa mga mata ko , pikonin at mayaman.
Sa aking paglalakad ay nakita ko si Lhex na naka hoodie na gray. Nakapamulsa pa ito sa may hoodie niya.
"LHEEEEX!!!" sigaw ko.
Kumaway ako noong napalingon siya. Tipid ngumiti si Lhex, sa kaniyang pinapakita o sa kaniyang maga mata ay hindi mo mababasa ang takbo ng isip ng babaeng to. Hindi mo alam kung kailan siya masaya.
Heeeep!! alam ko pala kung kailan siya masaya.
Pagkausap niya ako tungkol kay Luiz, nag iiba siya pag tungkol na kay Luiz ang pinag'uusapan. Kinikilig rin naman siya, napapatawa ng konti pero sa iba tipid ngumiti at tahimik. Isang tanong isang sagot lang makukuha mo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Novela Juvenil[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...