Lhex's POV.
"Anong nangyari sa pisngi mo! juskong batang to kung ano ano na naman ang pinasukan mo!" nagmamadaling kumuha si Mama ng isang medical kit para lagyan ang bangas ko sa aking pisngi. Ayaw kong mag'alala siya at sinabi ko na lamang ay nabangga ako tsaka ayun. Mabuti na lang ay naniwala naman sila sa akin, si Papa naman ay seryoso akong tiningnan na di kombinsido sa sinasabi ko.
"Ah," naiusal ko dahil sa hapdi na naramdaman ko.
"kanina ko pa nalagyan ngayon ka lang umangal ng ganiyan, hays nako Lhexien. Anak naman mag'iingat ka naman," napangiti naman ako dahil sa pag'aalala niya, kaya napayakap ako sa kaniya. "Aysus! di mo ko madadaan sa paganiyan ganiyan mong bata ka," napapikit lamang ako habang yakap si Mama.
"Ma? pagod na ako," seryosong usal ko. Natahimik naman siya at naramdaman ko ang pagbuntong hininga niyang yun.
"halika na tapusin natin yang paglalagay ng gamot sa pisngi mo-"
"may gamot rin po ba sa puso, Ma? at sa napapagod na tao?" ngumiti lamang ako tsaka napatayo at tumungo sa kwarto.
Mahirap bang magsabi ng totoo?
Pinikit ko na lamang ang aking mga mata tsaka niyakap ang unan, sa gabing to wala akong kakampi kundi ang unan na hinihigaan ko at ang kumot na nagbibigay proteksyon sa aking pagtulog. Di ko na malayan na tumulo na pala ang luha ko, bigla namang umulan ng malakas.
Di ko pala namalayan na anong oras na at di parin ako tulog, bumaba ako at lumabas ng bahay. Gusto kong mapag'isa sa mga oras na to, gusto kong ibuhos lahat ang nararamdaman ko. Habang naglalakad ako ay napahinto ako at umupo na yakap ang aking sarili tsaka umiyak ng umiyak.
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba ang lahat nangyayari.
Naramdaman ko na walang pumapatak na ulan sa bahagi ko, kahit rinig ko namang malakas talaga 'yun. Nakita ko ang paris na sapatos at napatingala sa isang lalaking pamilyar sa aking mga mata. "Bakit ka umiiyak?" kasing edad niya si Papa.
Tumayo ako at pinunasan ang aking mga luha pero dahil sa rami noon ay naunahan niya akong bigyan ng panyo. "Sa isang tulad mong binibini ay dapat di tumatangis ng ganiyan," nakasuot pa ito ng isang business attire, bakas sa kaniyang mukha ang mayaman na awra at ang kaniyang mga galaw at pananalita.
"Di mo ba ako natatandaan?" napailing naman ako at seryosong pinagmasdan siya na baka maalala ko ang kaniyang kagawian. "Ako si Felix ang Daddy ni Mich," pagbati niya.
"hmm," tanging sagot ko, napatawa naman siya.
"by the way nakita lang kita dito because I'm stuck here." napaturo siya sa kotse niyang umuusok sa harap
"kailangan niyo ba ng tulong?" tanong ko.
"It's okay, if you wanna cry then cry." napailing naman ako.
"okay na ako, tapos na." napatawa naman siya ng malakas sa di ko inaasahan. Pinunasan ko naman ang aking mga luha tsaka tinitigan siya ng mapatalim.
"Okay fine, fine. You know about fixing a car?" hindi ko siya sinagot at kahit maulan ay sumugod ako, siya naman ay hawak hawak ang kaniyang payong.
"may mga tools kayo?"
"Oh yes! Wait." tsaka siya bumalik sa loob at kinuha ang tool box, nilatag niya yun. Sinimulan ko naman ang pag'ayos noon, pamilyar ako doon sa pag'aayos dahil yun ang pangunahing business ni Papa noon ang vulcanizing. Pero dahil sa nakuha siya ng Papa ni Luiz sa planta ay iniwan niya iyun.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...