Chapter 35

3.2K 93 48
                                    

Lhex's POV.

Nasa event kami ngayon na naghahanda para sa battle of the bands. "Are you okay?" tanong ni Karl ang isang kasamahan ko.

"hmm.."

"may hinahanap ka ata?"

Hindi ko naman siya sinagot, pagkatapos kasi ng laro ay hindi na nakapagpaalam si Luiz ang sabi ni Riel ay dumating ang kaniyang Daddy, kaya nagmadali itong umuwi at babalik daw bukas. Pero umaasa parin ako na sana ay makadalo siya sa event na ito, dahil gusto ko masaksihan niya lahat ng mga e perform ko.

"Momsh! kinakabahan ako" may pag'iinarteng sambit ni Danda sa aming dalawa ni Eunice.

"ako rin, sana makuha tayo sa limang makukuha at tapos makasali rin tayo sa top 3 for finals." pag'aasam ni Eunice. "pero mas kailangan ni Jasper ang perang iyon." napatingin naman ako kay Jasper na hawak ang kaniyang guitara na nag e'ensayo.

"Oo nga.. kawawa naman siya." malungkot na sambit ni Dandang Bebe.

"anong nangyari?" takang tanong ko.

"kailangan niya kasi ng pera para sa operasyon ng kaniyang lola, yun kasi ang nagtayong magulang ni Jasper ng inambanduna siya ng kaniyang Ina. May sakit kasi ang kaniyang lola ngayon at kailangan ng malaking pera para doon." di ko maialis ang aking paningin kay Jasper, bakas sa kaniyang mukha ang pagkabahala at may lungkot.

"Di naman dapat siya dadalo sa dec'outing pero noong sinabi ni Ms. Avon ang tungkol sa cash price ay parang nabuhayan siya ngayon." pagk'kwento naman ni Eunice iyon.

"sabi ni Karl ba e d'donate niya lang yung hati niya, kaya napag'isipan naman namin ni Eunice Momshy ang tungkol sa kalagayan niya ngayon."

Naglakad naman ako papalapit sa kaniya at noong dumaan ang server ay kumuha ako ng juice. "Oh." napatingin siya sa inaabot kong tubig na iyon. Kinuha niya naman agad ang inabot ko iyon.

"salamat." bakas ang lungkot at may pangamba sa kaniyang boses.

"kung gusto mong manalo tayo, huwag mong dalhin ang lungkot na bumabalot sa iyong puso. Isipin mo lahat ng mga rason para manalo tayo sa battle of the bands." seryosong sambit ko. Napangiti naman akong lumingon sa kaniya. "kailangan mo ng pera diba?"

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon