Chapter 53

3.3K 121 71
                                    

Lhex's POV.

Nandoon na nga ang lahat, gabi na at pinaubaya na lamang ako ni Luiz sa mga empleyado niyang mag'aayos sa akin. Napatingin ako sa salamin, I suggested na dapat light lang ang make'up ko. Pinasuot nila ako ng simple dress na white, pagkatapos noon ay naisipan nilang ihatid ako.. pero nagpaiwan ako sa loob at hintayin na lamang ako sa labas. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maliit na knife at nilagay yun sa bulsa ng dress na yun. Since ako ang pumili ay yun talaga ang balak ko, sa panahon ngayon ay kailangan kong maging handa.

Lumabas na ako at habang naglalakad kami ay nasa likod ko ang limang mga tagabantay. Di naman kalayuan ang venue na yun, kaya noong pumasok ako ay nandoon na ang mga kaibigan namin. Masasabi kong ang ganda ng ginawa ni Luiz, napaclassy niya sa mga desinyo.

"Lheeeex!!" pumunta sila sa gawi ko at niyakap ako ng mahigpit. Isa isa, napatingin ako kay Ara na nangingiyak.

Alam niya ang plano?

"Oh bat umiiyak ka." usal ko.

"Grabeee naman kasi si Luiz, aayain ka lang na maging girlfriend ganito pa ka bongga." napatawa naman ako.

"sino may sabi niyan sayo?" tanong ko.

"syempree kanina pa kami dito, manghang mangha ako. Nakakainis alam mo ba yung red na flower doon paborito ko sa isang flowershop HUHUHU!! LHEEEEX nakakainis at nakakainggit ka." di naman ako mapakapaniwala na paborito niya yun, sabagay baka sinabi ni Riel yun kay Luiz.

" tama na nga yan, di ka ba masaya na kami na ulit? " tanong ko na biro lamang sa akin.

" syempre masaya! Pero yung mga desinyo bakit ito pa!! Ito yung pingarap ko during proposal huhhhu!! " napailing naman ako dahil wala man lang siyang kamalay malay.

"can I excuse my girl?" napalingon silang lahat kay Luiz ng hawiin niya ang bewang ko, at nagulat sila.

"Riel will about to start his plan." bulong niya habang inalalayan ako sa mesa naming lahat.

"hmm ." sagot ko. Hinila niya ang upuan para sa akin at tumabi siya sa gawi ko.

"nakakainggit parang magpr-propose na si Luiz kay Lhex." si Gericka na kinikilig.

"sinabi mo pa, kaya ano na Ken and Riel, galaw galaw mga pree." usal ni Kyla sa kanila, napatingin ako sa gawi niya at nakita ko ang kamay niyang nakabenda.

"anong nangyari diyan." naitago niya naman yun sa ilalim ng mesa.

"nasugatan kasi ako." sagot niya sa akin.

"magkasama kami kagabi at dahil sa katangahan niya ay nasagi niya ang isang metal." seryosong sabi ni Belle para mapaniwala ako.

Maraming kwentuhan at naglabas ng wine ang mga server para sa amin, kinuha naman ni Luiz ang kamay ko sa ilalim ng mesa para mapatingin ako sa gawi niya. Nakikipag'usap lamang siya sa kaniyang barkad, inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin para magsimula ang tuksuhan.

"Anooo ba!! Kinikilig ako sa kanila." si Gericka.

"Kaloka kung maglandian tong mga to!!" nagpaparinig na sabi ni Ara.

Napatayo naman si Riel para mapatingin kaming lahat sa kaniya. "Hoy masamang nilalang saan ka pupunta." nagtawanan kami dahil sa tawag ni Ara sa kaniya.

"mag c-cr lang babe, sasama ka ba?" nagtuksuhan naman silang lahat sa kanilang dalawa, napangiti naman ako. Nakikita ko sa mga mata ni Ara na gusto niya na rin si Riel at siguradong magwawagi ang binatang ito.

THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon