Lhex's POV.
"*ahem*" patikhim yun ng Daddy ni Kyla para mapalingon si Mich na nakatayo, habang ako naman ay pinupunasan ang mukha ko na may wine. Napatingin pa ako sa suot ko.
"wear this one." binigay ni Luiz ang kaniyang coat tsaka pinasuot yun sa akin.
Matalim parin ang tingin ni Mich at inayos ang kaniyang sarili tsaka napabuntong hininga. "I'm so sorry Tito.." umupo siya ulit at naramdaman kong napahiya talaga si Delabin dahil sa ginawa niyang yun.
"It's okay, Ms.Macalintal are you okay?" tanong niya sa akin para tumango naman ako.
Nakita ko naman ang pag'aalala sa mukha ni Ara, napayuko lamang siya. Alam kong wala naman siyang magagawa dahil respeto na rin si Papa ni Kyla. Si Luiz naman ay tudo asikaso sa akin, parang gusto ko na lang tuloy umuwi dahil sa nangyari ngayon lang.
"Paano ka nga pala nakapasok sa LPU, hija? Lhex.." sabi noong Daze, pinagkrus ko lamang ang dalawang braso ko at sinandal ko ang aking sarili sa upuan.
"dahil sa scholarship," usal ko.
"I see, I heard nasa section five ka." napatigil naman ako at nilingon siya pero tumango ako.
"the result last friday before the Christmas break she's in the section 2 top 1 and I think next month nasa section 1 siya. Makakapasok na siya sa section 1 in Senior," nakangiting sagot ni Luiz kay Daze, naibaba ko ang aking kamay at tumingin sa makisig kong boyfriend sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa, napatingin naman ako kay Mich kung saan ay matalkm ang mga tingin rito.
May gusto ka parin sa kaniya, Tss.
"wow that's amazing, how could it be?" pumalakpak pa si Mr. Chua at napatango tango.
Ediwow kalbo. Dahil wala akong magawa ay ilalarawan ko na lamang ang Ama ni Kyla. Yung balb yung gitna tapos may buhok sa gilid, intsik nga ang mga mata at napakadesinte niya.
"Tss, sorry she's like that." napatingin ako kay Luiz dahil nawala ako sa ulirat ko.
"It's okay.." si Mr. Chua
"do you want to go home?" tanong ni Luiz sa akin, napatango naman ako. "Mr. and Mrs. Chua please excuse us." inalalayan niya nga akong tumayo tsaka umalis sa venue na yun.
Naamoy ko ang wine dahil sa damit ko at basa parin yun, pinagbuksan niya ako ng pinto para pumasok ako roon. Sinandal ko ang aking sarili sa headboard ng upuan malapit sa driver sit.
"do you want some coffee?" alok niya.
"alcohol would be better at this moment," yun ata ang kauna unahang pagtatangi ko sa kape. Napatango naman siya animoy gusto niya ang pinili kong sagot.
Dinala niya ako sa isang inuman at halatang pangmayaman yun, may nakikita kasi akong kabataan na nasa rin namin na nag'iinom, nagsasayaw at nagsasaya sa mga oras na yun. Umorder si Luiz ng iinumin naming dalawa and we placed ourselves sa isang VIP room, kitang kita namin ang mga tao sa labas.
"It seems you're not okay."
Exactly!!
"sa tingin mo?" napalingon ako sa kaniya habang nilalaro ang alak na may yelo bago yun ininom.
Tinitigan niya ako ng mabuti habang seryoso akong nakasandal na may hawak na baso ng alak. "you're not." lumapit siya sa gawi ko at inakbayan niya ako.
"di bagay ang mga suot natin sa bar, you look so gorgeous and fine.."bumuntong hininga pa siya."I'm handsome"
"sa susunod kung may dadaanan tayong dinner dapat double purpose na rin pang'inuman." usal ko tsaka napatingin ako sa kaniya at inalis ang kamay niya sa pagkakaakbay at hinawakan yun.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY - Season 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[Completed/Unedited] Short Insight : Hindi natin inaakala na may darating pa sa buhay natin. Minsan nga yung kaharap mo na, nadaanan mo na, nakausap mo na, o nakasama mo na ay siya palang bubuo sayo ng tudong tudo. Akala natin yung taong nagpapasa...